Maraming buwan ang nakalipas at naka-recover din ako sa mga pangyayari. Naisip ko na lang na lahat ng bagay ay nakatadhanang mangyari - masama man o maganda.
Ngayon, sinimulan ko ulit maghanap ng mga kwentong pag-ibig na hindi mailabas ng mga tao dahil walang lakas ng loob o kaya nama'y naging manhid na dahil laging nasasaktan. Maganda man o hindi ang mga kwento ng pag-ibig, patunay lamang na hangga't may kwento ay may nabubuhay na pag-ibig.
Dalawang linggo ang nakalipas ay may kaibigan akong nakausap. Ang pangalan niya'y Bobby.
Ako: Ahh hello pareng Bobby! hehe wala ka talagang gustong i-share? sayang pwede ko sanang isama sa book ko hehe
Bobby: haha. wala po talaga akong maisip ishare. haha. zero lovelife ako ngayon po kuya ad. haha. kung mas maaga sana tayong nakapag-usap, cguro baka natulongan niyo po ako sa problema ko noon sa pag-ibig. ahaha
Ako: nako okay lang yan. dapat masaya ka kasi wala kang ibang minamahal ngayon kundi ang sarili mo para at least pag nagka-gf ka ulit, madami kang mabibigay and for sure, susuklian ka niya ng 10000x na love
Bobby: haha. nakakatuwa talaga yang mga payo niyo kuya. actually, di pa po ako nakakamove on sa ex-bf ko. haha. bf talaga. bale sinubukan ko lang po pumasok sa isang lalaki sa lalaking relasyon. trip lang. pero iba naman pinuntahan. ako naman tong nasaktan. haha. kuya, baka isipin niyo na bakla ako ha. uunahan ko na po kayo. bi lang. ganito po kasi ang kwento ko: nagkagf na po ako before. tas may isa noon na niligawan ko, kaya lang nabasted po kasi ako. down na down po ako that time, then biglang nagpakita ng motive tong isang guy na may gusto siya sa akin. ako naman, pumayag na magkarelasyon kami. parang diversion ko po mula sa pagkakabasted ko sa babaeng niligawan ko. haha. then iyon po. lumaon, natutunan ko siyang mahalin din.
Ako: You can trust me, Bobby. :) Nabasa ko na yung kwento mo. May gusto lang akong tanungin. Bago ka ba nagkaroon ng gf dati, alam mo nang may pagka-bisexual ka?
Bobby: ahaha nasa bingit po ako ng identity crisis before. nanliligaw po ako ng babae para makaiwas sa idea na di po talaga ako straight. pero, yun nga po. lumabas din ang totoo. haha
Ako: Bobby, parang ang dating sa akin ngayon ay ginamit mo yung babae para ma-save mo yung identity, which is in danger noong time na 'yon. Tama ba?
Bobby: yung nambasted po sa akin, oo. pero yung nauna, yung naging gf ko talaga, di pa po ako nagkakaidentity crisis nun.
Ako: Ahh okay okay. Sabi mo kanina, nagpakita ng motive yung guy na sinasabi mo. So alam niya na bisexual ka?
Bobby: kaibigan ko po. siya lang may alam na nagkakaidentity crisis ako.
Ako: Bakit mo sinabing nasaktan ka sa huli? Ano'ng nangyari?
Bobby: ano po kase. nagsawa siya? or should i say, mas gusto niya pong makipagrelasyon sa opposite sex. kaya ayon po. ipinagpalit niya ako.
Ako: Okay, first of all, I respect you and thank you sa trust na binigay mo. Alam mo, love is naturally neither right or wrong. Nagiging pangit lang ang image nito kapag mali ang process or method of getting into it. Bobby, sorry ha, pero maling mali na nanggamit ka pa ng ibang tao para ma-solve ang personal crisis mo. Sana you did it alone nalang or did it in a good way. Kasi kung kaya mo yang gawin sa iba, no doubt, pwede ring gawin to sa'yo. And unfortunately, mukhang nangyari na nga sayo. After all these things, mahal mo pa ba ang sarili mo?
Bobby: geez. syempre po, mahal ko sarili ko. at mas minahal ko po simula noong naghiwalay kami. kasi po, nung iniwan niya ako, dun po yung time na nagsink in sa akin na totoo po pala ang konsepto ng karma. aaminin ko po, mali po talaga yung ginawa kong pangagamit sa babaeng yun para pagtakpan yung crisis ko, pero inaamin ko rin po, minahal ko talaga siya. and sa bf ko naman, masyado kong nirush ang sarii ko para pumasok sa relasyon. di ko na po inisip noon ang mga consequences, ang naging mahalaga lang sa akin ay ang mapasaya ang sarili ko sa pinasok kong relasyon. pero narealize ko rin po kinalaunan na mali ulit ang ginawa kong iyon. hayst. ngayon po, di ko na iniisip muna ang lovelife ko. ang mahalaga ngayon ay ang studies ko, ang relasyon ko with my family, friends and with the Lord. Ang love, nakakapaghintay yan. siguro nga, bata pa talaga ako para sa mga ganoong bagay, tulad ng sinasabi sa akin ng mga taong mas matanda sa akin na pinagtatanungan ko ng advice. Ang focus ko ngayon: mahanap ang better na ako.
Ako: Well said. At least may realization na nangyari after ng lahat na nangyari sa'yo. Wag mong hanapin yung better na ikaw. Just be yourself and everything will be at its best. Maraming salamat Bobby for sharing your story. I know makaka-inspire ka ng maraming tao.
Patunay lang sa usapan namin ni Bobby na ang pag-ibig ay walang mata at walang pinipiling kasarian. Ngunit sa isang banda ay dapat lagi nating isipin na masayang magmahal hangga't wala tayong nasasaktang damdamin ng iba. We should search something positive out of love.
BINABASA MO ANG
When Heart Talks
Non-FictionAng akdang ito ay para sa mga Pilipinong nawawalan ng pag-asang maranasan ang tunay na pag-ibig. Ito'y magmumulat ng inyong kamalayan na ang pagmamahal ay walang pangalan at walang mukha.