Kinabukasan, muli kaming nagkita ni Jessica. Namamaga pa rin ang kanyang mga mata at hindi maikakailang galing siya sa iyak.
Ako:Bakit ganyan ang mga mata mo?
Jessica: Napuyat lang po.
Ako: Sabihin mo na yung totoo. Tungkol ba 'to sa napag-usapan natin kagabi?
Jessica: Opo. Inaway na naman kasi ako ni ate eh. :(
Ako: Bakit naman?
Jessica: Hindi ko alam. Parang lagi na lang mainit ang ulo sa akin ni ate. Wala naman akong ginagawang masama.
Ako: Alam mo, naghahanap kasi ng outlet na pwede niyang paglabasan ng sama ng loob kasi kaka-break lang niya sa boyfriend niya tapos pakiramdam pa niya na ikaw yung parang nagiging dahilan. Magulo ang isip at puso niya ngayon pero for sure, mahal ka nun.
Jessica: Ang tagal na rin kasi siyang ganun sa akin. Parang ang sama ng ginawa ko.
Ako: Intindihin mo na lang siya. Siguro kapag naka-move-on siya, baka bumalik na rin siya sa dati. Sa ngayon, dapat hindi ka magpadala sa emosyong nararamdaman mo para makapag-focus ka sa studies mo, knowing na nagsisimula ka pa lang sa high school.
Jessica: Paano ko iiwasa si Kuya Jojo?
Ako: Hindi mo siya kailangang iwasan pero hindi mo rin siya pwedeng lapitan ng madalas. Isipin mo na lang na classmate mo siya at nasa school kayo para mag-aral. You're still young at marami ka pang makikilalang iba diyan. For now, siguro, studies na lang muna ang isipin mo pati na rin ang family mo.
BINABASA MO ANG
When Heart Talks
Non-FictionAng akdang ito ay para sa mga Pilipinong nawawalan ng pag-asang maranasan ang tunay na pag-ibig. Ito'y magmumulat ng inyong kamalayan na ang pagmamahal ay walang pangalan at walang mukha.