Pagkatapos ng usapan namin ni Jessica ay nagrelax ako at nag-internet. Sinilip ko ang Twitter at Facebook account ko. May isang bagay akong ikinagulat. Nalaman ko na kapatid pala ni Jessica si Reena. Mas bata lang si Jessica ng isang taon. Hindi ko agad nalaman ito sapagka't hindi ko naman masyadong inuurirat ang kanilang mga buhay.
Sa pagkakataong iyon ay tinignan ko ang facebook profile ni Jessica. Sa unang tingin ay makakakita ka ng mga magagandang status pati na rin mga pictures. Ngunit sa paglaon ng aking pagbabasa ay may napansin akong lalo kong ikinagulat. May wall-post si Reena sa kapatid niya. Ang sabi sa post ay:
"Alam mo, kung wala kang magawa, wag mong pagdiskitahan ang boyfriend ko. Dyan ka na lang sa mga libro mo tutal wala naman kayong pinagkaiba kasi pareho kayong BORING!"
Napa-isip akong bigla kung sino nga ba ang boyfriend na tinutukoy ni Reena. Agad akong nagpadala ng private message kay Jessica at ito ang naging takbo ng usapan namin.
Ako: Jessica, may tanong sana ako.
Jessica: Ano po 'yun?
Ako: Magka-away ba kayo ng kapatid mo ngayon?
Jessica: Bakit niyo po natanong? At kilala niyo po siya?
Ako: Oo, kaibigan ko rin siya. Nakita ko kasi yung wallpost niya sa iyo na parang galit na galit siya. May nangyari bang hindi maganda?
Jessica: ahhh. Wala po 'yun. Maling hinala niya lang po yun
Ako: Alam mo ba kung sino yung tinutukoy ng kapatid mo na boyfriend niya?
Jessica: Opo, si Kuya Jojo :'(
Ako: Bakit ka malungkot?
Jessica: Siya din po kasi yung tinutukoy ko pong crush ko sa pag-uusap natin kanina :(
Ako: Huh? Paanong nangyari yun? Eh hindi ba't sabi mo'y kaklase mo ang crush mo?
Jessica: Opo, kaklase ko nga po si Kuya Jojo. Repeater po kasi siya dahil bumagsak siya sa dalawang subjects niya last year kay hanggang ngayon, first year pa rin siya.
Ako: Bakit galit ang ate mo sa'yo?
Jessica: Alam niya po kasing crush ko siya. Tapos nung nawalan na masyado ng time si Kuya Jojo sa kanya, ako ang sinisisi niya. Wala naman po kasi akong ginagawang masama. Hindi ko nga po masyadong malapitan si Kuya Jojo kasi po nahihiya ako.
Ako: Noong naging crush mo ba siya, alam mong boyfriend siya ng ate mo?
Jessica: Opo. Hindi ko naman po sinasadyang magkaroon ako ng crush sa kanya eh.
Ako: Sige, ganito na lang. Magpahinga ka muna ngayon at susubukan kong kausapin ang ate mo bukas para malinawan siya sa mga nangyayari.
BINABASA MO ANG
When Heart Talks
Non-FictionAng akdang ito ay para sa mga Pilipinong nawawalan ng pag-asang maranasan ang tunay na pag-ibig. Ito'y magmumulat ng inyong kamalayan na ang pagmamahal ay walang pangalan at walang mukha.