Naranasan mo na bang magka-crush? Na-feel mo na ba ang kilig kapag dumadaan siya sa harap mo o kaya'y tatapikin ka't kakausapin? Lahat halos ng tao ay dumadaan sa ganitong stage. Ito yung panahon na bumubukas ng kaunti ang puso natin ang sumusubok mag-discover ng mga bagay-bagay. Kadalasan, nangyayari 'to kahit elementary pa lang o minsan, yung iba, kapag high school na. Pero it doesn't really matter kung kailan mo yun unang na-feel - ang mahalaga, naranasan mo kahit papaano.
Nakausap ko ang isa kong nakababatang kaibigan. Babae siya at first year HS siya ngayon. Itatago ko siya sa pangalang "Jessica". Noong elementary pa daw siya, hindi niya naiisip yung mga crush, love, o kung anu-ano pa. Sa katunayan ay honor student siya dahil sobrang nakatuon siya sa studies niya. Ngayon, nang lumipat siya sa ibang school, mas marami na siyang nakikita, nakikilala, at nalalaman. Pakiramdam niya, parang ngayon lamang siya ipinanganak. Hanggang sa makakilala siya ng isang lalaki. Kaklase niya pero magkalayo sila ng inuupuan. Hindi siya ganoong ka-gwapuhan pero matalino at tunay na hinahangaan ng iba. At isang beses, ay tinanong niya sa akin kung ano nga ba ang nararamdaman niya.
Jessica: Kuya, may nakilala ako sa school ko ngayon. "Martin" ang pangalan niya. Cute siya tapos matalino. Malaki din ang katawan niya at matangkad pa. Pagkatapos, sa tuwing makikita ko siya, para akong nasa cloud nine. Gusto ko siyang lapitan at kausapin pero hindi ko magawa kasi pakiramdam ko hindi niya ako magugustuhang kausapin dahil hindi naman ako gaanong kaganda at mas marami pa siyang pwedeng pansinin na mas okay sa akin. Crush ko siya, kuya pero hindi ko alam kung ano ang dapat gawin.
Ako: Alam mo Jessica, okay na sana. Okay ang magka-crush kasi normal ang humanga. Ang hindi lang maganda ay yung nadudulot sa'yo ng pagkakaroon mo ng crush ngayon. Dahil kasi dun, bumababa yung tingin mo sa sarili mo. Tandaan mo, nag-graduate ka ng elementary with honors tapos pagdating mo nang high school, biglang sasabihin mo na "hindi ka gaanong maganda at may iba pang mas higit sayo". Kung tutuusin nga dapat tinitingala ka ng mga kaklase mo kasi matalino ka pero sa pagkakataong ito, unconsciously, hinahayaan mong tapakan ka nila - which is not right, and will NEVER be right.
Ako: Pag nagka-crush ka, dapat yung na-iinspire ka na pagbutihin pa kung anuman yung ginagawa mo. Hindi yung nakakasira at minsa'y nayuyurakan ang pagkatao mo. You should find good things out of your feelings. Huwag kang magpakababa nang dahil sa nararamdaman mo. Isip isip din pag may time. Kaya nga mas mataas ang brain kaysa sa heart. But remember, we should balance everything. Sabay mong paganahin ang puso at isip mo and for sure, magiging maganda ang outcome.
Jessica: So dapat tigilan ko na?
Ako: Wala akong sinabing ganyan. Ang sinabi ko, humugot ka ng inspirasyon from your crush. Dapat hindi mo rin kalimutan ang sarili mo kasi kapag nawala ka na sa sarili mo, sisirain ka ng pag-ibig. Mararanasan mo na lang yung dark side ng love.
BINABASA MO ANG
When Heart Talks
Non-FictionAng akdang ito ay para sa mga Pilipinong nawawalan ng pag-asang maranasan ang tunay na pag-ibig. Ito'y magmumulat ng inyong kamalayan na ang pagmamahal ay walang pangalan at walang mukha.