Iniwan kong malungkot si Jessica noong araw na 'yon pero alam kong kahit papaano ay nakapag-iwan ako ng kaliwanagan sa isip niya tungkol sa mga bagay-bagay sa sarili niya. Pagkatapos nun ay umuwi ako sa bahay at nag-login sa skype. Tiyempong online din si Reena kaya agad ko siyang kinausap.
Ako: Kamusta na?
Reena: Hindi okay kasi nag-away kami ng kapatid ko.
Ako: Si Jessica?
Reena: Kilala mo ang kapatid ko?
Ako: Oo, kaibigan ko rin siya at kailan ko lang nalaman na kapatid mo siya.
Reena: For sure nasabi na niya sa'yo...
Ako: Na-kwento nga niya sa akin kanina habang umiiyak.
Reena: Nagpapaawa lang yan. Panira yan eh.
Ako: Paano mo nasabing panira siya?
Reena: Wala, wala..
Ako: Alam mo, kung may nararamdaman kang poot o kaya nama'y galit sa puso mo, wag mo sanang i-baling sa kapatid mo o kung sinumang malapit sa buhay mo kasi marami ka lang masasaktan, hindi lang ang sarili mo. Kung mahal mo yung mga taong mahal ka, hindi mo sila sasaktan. Subukan mong mag-pray para mabigyan ka ng peace of mind and heart kasi yan ang kulang sa'yo ngayon. Dahil sa nararamdaman mo, baka dumating sa point na hindi mo na rin kilala ang sarili mo pati yung mga kaibigan at pamilya mo.
Reena: Ang hirap kasi eh..
Ako: Ganyan talaga sa simula. Pero kailangan mo talagang pagdaanan yan para mas maging matatag ka. Try mo lang para malaman mo kung ano ang ibig kong sabihin.
BINABASA MO ANG
When Heart Talks
Non-FictionAng akdang ito ay para sa mga Pilipinong nawawalan ng pag-asang maranasan ang tunay na pag-ibig. Ito'y magmumulat ng inyong kamalayan na ang pagmamahal ay walang pangalan at walang mukha.