Ako si Amalia Anitta Romero, isang dalagang lumaki sa isang pamilyang salat ngunit masaya.
May pangarap na makapag tapos ng pag-aaral sa kolehiyo.
Ngunit... Hindi ko kaya o ng pamilya ko dahil nga salat kami sa pera.
Lalo na't may sakit pa ang aking Ina na kailangan naming ipagamot, upang hindi ito maagang kunin samin.
Kaya kumayod kami ng kumayod ng aking ama upang m
ay maipambili lamang siya ng gamot ngunit hindi parin iyon sapat.At dahil doon... Lumala ang sakit ni Ina. Sakit na hindi na niya ito makukuha pa na gumaling sa gamot at kailangan na nitong operahan.
Sakit sa puso... Iyon ang sakit ng aking Ina. Sakit na tatlong taon niya ng dala-dala.
Nasasaktan ako... Nasasaktan at naawa ako sa tuwing nakikita ko siyang nagkakaganun.
Kaya nagdesissiyon ako na mang-utang ng pera sa mga taong kinamumuhian namin dahil sakim sila sa kayamanan lalo na sa pera.
Na kahit ayaw kong mang-utang sa kakloob-looban ko lalo na ang Papa ko, hindi na ako nagpapigil pa o nagdalawang isip pa.
Dahil kung pagaganahin ko pa ang sama ng loob namin sa pamilyang iyon ay buhay naman ang mawawala samin.
Nung una ayaw nila akong pahiramin ng pera dahil alam nilang wala akong kakayahang bayaran ang perang hinihiram ko. Pero nagpumilit ako, nagmakaawa hanggang sa mapapayag ko ito-- ngunit may magiging kapalit.
Kapalit na... Papakasalan ko ang kanyang anak na espesiyal, kulang sa pag-iisip o kahit ano pang tawag doon.
At sa ngalan ng buhay ng aking Ina... Ay pumayag ako. Pumayag ako sa gusto niya.
Nang makuha ko na ang pera at mapaopera si Ina ay siya namang pagpapakasal ko kinabukasan.
Aaminin kong mahirap magkaroon ng asawa na tulad niya, pero kailangan kong tiisin at isipin nalang na...
Buhay ang aking Ina at makakasama pa namin ito ng matagal sa mundong ibabaw.
Nung una ay medyo maginhawa pa ang buhay ko doon sa loob ng mansion, pero nagbago ang lahat ng iyon nang dumating sa mansion na iyon ang kapatid ng naging asawa ko.
Ang noong unang Tahimik, payapa at bahagyang masayang buhay ko doon sa loob ay naging maingay, magulo at pinaka ayokong nangyare sa tanang buhay ko.
Oo inaamin ko... Mahirap pa ako sa daga para manghiram sa kanila ng ganuong kalaking halaga. Pero hinding-hindi ako bayarang babae!
Yeah, I'm like a compensation wife! But I'll never be a prostitute wife!
❤END❤
A/N :
This author is addict in WIFE title xD kaya pagpasensyahan niyo na xD haha
This will be my third story about a wife xD so again guys. Bear with my story, errors and grammars xD.
So, enjoy :D
Vote Comment is allowed :D