Anitta's pov
" Anong nangyayare dito? " sabay kaming napalingon ni Mayer sa bigla na lamang pumagitna sa pagtititigan namin. Mabilis akong napayuko at mabilis na nakaramdam ng takot nang makilala ko kung sino ito.
Damn this! Ba't andito na naman ito?.
" Tita Amore " lumapit doon si Mayer at nagbeso.
Damn this. Hindi pa man magaling itong sugat ko sa siko, andito na naman to! Hinawakan ko ang braso ko at marahang pinisil iyon.
Ramdam kong tinitigan ako nito ng matalim.
Siya si, Amore Hidalgo, ang kapatid ni Senyora Seyannara. Kung si Mama ay may mabuting puso, kabaliktaran naman nitong si Senyora Amore. Wala siyang puso, hindi siya tao. Dahil kung tratuhin niya ako, parang hindi ako tao.
Kung hindi lang talaga masamang lumaban sa matatanda, baka nilabanan ko na siya dahil wala na sa katuturan ang ginagawa niyang pananakit saken sa tuwing dadalaw na lamang siya lagi rito sa mansiyon.
" M-magandang umaga po " bati ko sa kanya. Baka kung hindi ko na naman kasi siya batiin tulad nong una ko siyang nakita dito sa mansiyon ay baka kung ano na naman ang lumipad patungo sa akin na tatama sa mukha ko na ikadudugo na naman ng ilong ko.
" Walang maganda sa umaga kung ikaw ang makikita, hampas lupa! " yumuko na lamang ako kesa sa salubungin ang nakakamatay niyang tingin na ipinupukaw nito saken.
Ano na naman ba kasing ginagawa ng matandang ito dito? wala na naman ba siyang pinagkakaabalahan sa buhay niya at ako na naman ang pinagdidisktihana niya? psh. Ngayon. Ngayon ko lang talaga na realise kung kanino nagmana ng kagaspangan ng pag-uugali itong si Mayer. Walang iba kundi sa tiyahin niyang magaspang rin ang ugali. Bagay silang mag Nanay. Perfect family picture! Psh!
Perfect talaga! Tss!
" What makes you come here, Tita Amore? "
" I heard you got home so I go here to see you " napairap ako. Akala mo kung sinong malambing! BALIMBING!
Naiirap akong tinalikuran sila.
Magsama silang magtiyahin!
" And where do you think you're going? " pairap ko siyang nilingon
" Sa kwarto malamang! "
" And what I'm going to do with this stuff? " sabay turo sa mga labahin na binalandra niya saken nang makalabas siya sa kanyang kwarto. Tinaasan ko siya ng kilay.
" Labhan mo! Iyo naman yan, eh! " nagtagis bagang siya na ikinangisi ko. Mainis ka lang gago ka. Hahahaha. Ang sarap-sarap talaga nitong asarin.
" Tha't how you treat the Boss in this house? what are you here? the queen? " nakanguso akong nagbaba ng tingin. Eh, sa ayoko ng nilalamangan ako ng kung sino lalo na kung ako ang nilalamangan nila? nakakaasar.
I heard him laugh. Kaya nanulis ang nguso ko at sa isip ko, pinatay ko na siya. Yung sinasaksak ko sioya ng paulit-ulit sa tiyan gamit ang kutsilyo hanggang sa mawalan ito ng buhay. Masiyadong kontrabido eh, kaya kailangan niya ng mawala sa mundong ito nang hindi na siya makapanggulo pa sa buhay ko.
Grabe! Nakahanap ng kakampi ang gago. Psh! Mr cool guy has an ally now. Kailangan ko na bang matakot? psh!
" Oh, nandito ka lang pala " gusto kong tumakbo patungo kay Mamang Seyanara at pasalamatan siya sa kanyang pagdating. She save me! I'm safe!
You're a Godsent Mamang! I love you.
" Oh, you're here Amore " nagbeso sila at gusto kong paikutan ng mata si Senyora Amore ng bigla na lamang lumambot ang expression ng mukha nito na kanina ay parang gusto ng pumatay ng tao- at ako ang taong yon. Ang laki talaga ng problema saken ng bruhang to. Ni hindi ko nga alam kung anong nagawa ko sa kanya para ganituhin niya ako eh. Daig niya pa si Mamang kung pagmalupitan niya ako. Siya ba ang may anak sa napangasawa ko? Gravity! " Ani, Tayler is looking for you. He's waiting in the balcony of your room " walang sabi-sabing iniwan ko silang lahat doon. Bastos na kung bastos. Ayoko lang talagang tumagal pa doon at baka kung ano lang ang makita kong ka plastikan nung Amore na iyon. Baka masuka lang ako.
