Amalia's POV
" Tayler, kumain ka na "
" Ayokoooo... " sagot nito habang umiiling. Napabuntong hininga na lamang ako. Inilapag sa side table ang plato at kutsarang hawak ko at pinagmasdan ito na mag laro ng kanyang laruan na sunda-sundaluhan.
Siya si Tayler Hidalgo-- ang asawa ko na may sakit sa pag-iisip. Pero hindi siya tulad ng ibang mga kulang sa pag-iisip, na napaka spoiled o iba ang pag-uugali. Napakabait niyang tao, sweet at mapagmahal. Hindi man halata, pero ganuon siya.
" O sige, aalis nalang ako " malungkot kunwari kong ika atsaka dahan-dahang tumayo sa kinauupuan ko. Nakita ko siyang napatigil sa kanyang paglalaro kaya napangiti ako.
Alam ko kasi na pipigilan na niya ako at kakain na iyan. Ganiyan yan eh. Pakipot, haha!
At gaya ng sabi ko, pinigilan niya ako at kumain na siya.
" Mahal mo, Amalia? " tanong ko sa kanya habang hinahaplos ko ang buhok nito na may kahabaan na. Ayaw pagupit eh, para Pogi daw siya at hindi siya iwan ni Amalia. Haha. Ang kyut lang niya kapag sinasabi niya yun.
" Hmp, hmp! " parang bata nitong sagot kaya natawa ako " Tyler, mahal Amalia? " pagbabalik niya ng tanong saken
" Of course! I love my husband! Mmmuuuwaaapss! " atsaka ko siya hinalikan sa pisngi ng matagal
" Yehey! " masayang ika nito habang nakataas pa ang dalawang kamay kaya natawa ako sa kanya.
21 years old na siya, pero parang 12 palang noh? Ganito pala ang mga kalagayan ng mga espesiyal child.
Aaminin kong medyo masaya ako ngayon dahil hindi tulad ng ibang lalaki si Tayler na pinilit lang na ipakasal saken. May ibang lalaking mayayaman kasi na kapag ikinasal sila ng pilit sa ibang babae na tulad naming mahihirap pa ay sasaktan nila ang mga ito, aalilain at nagpapasalamat ako at hindi ganung klase si Tayler.
Pero aaminin ko rin na medyo nahihirapan din ako sa kanya. Masiyado kasi itong isip bata pa sa bata. Kapag gusto, gusto, kapag ayaw, ayaw. At kapag dumudumi ito, sa kanyang salawal lamang. Hindi kasi ito marunong gumamit ng banyo. Kaya hayun ako na naglilinis.
Tinuturuan ko nga ngayon na gumamit ng banyo eh. Hindi na kaya maari na ganun nalang siya. Oo asawa ko siya, oo binayaran lang ako. Pero hindi dapat siya ganun, nakakahiya parin iyong ganun.
Kaya sa tatlong buwan ko ng pamamalagi dito sa mansion nila at tatlong buwan narin niya akong asawa, ay marunong na siyang gumamit ng banyo. Masaya ako, dahil kahit papaano ay nakakatulong ako sa kanya.
" Tayler, gusto Amalia, pagupit buhok mo " ika ko habang hinahawakan ko ang buhok niya na mahaba.
" Ayokoooo... Pogi Tayler, hindi iwan Amalia "
" Pero mas pogi Tayler, kapag gupit na yung buhok. Hindi na rin iwan, Amalia, Tayler nun " kita ko sa mukha niya na nag-iisip ito. Napangiti akong muli. For sure na naman kasi ay papayag na iyan. Haha. Malakas ako diyan eh.
" Okay " tipid na sagot niya
" Talaga? " tumango-tango ito. Mabilis ko siyang niyakap at hinalikan sa noo " Thank you. Tara na? " tumango ulit siya kaya inalalayan ko na itong tumayo at iginaya na ito sa banyo para maligo.
Matapos ko siyang paliguan ay binihisan ko na siya. Pagkatapos ay iniwan ko muna ito saglit sa kanyang kwarto atsaka nagtungo sa opisina ni Mamang Sayenara-- ang Mommy ni Tayler.
Kumatok muna ako ng tatlong beses bago ako pumasok. Naratingan ko ito sa kanyang silya n tahimik na naninigarilyo habang nakadungaw sa pader na gawa sa babasagin kaya kita ang napaka gandang hardin nila sa labas.
