Kabanata Three

518 20 3
                                    

Anitta's POV

Kasalukuyan akong naglilinis ng kwarto namin ni Tayler ngayon. Lingo kasi ngayon at nasa isang psychiatrist ang asawa ko.

Ewan ko kung bakit lagi siyang dinadala doon tuwing lingo. Wala naman sakit sa pag-iisip si Tayler ah?. He's only a special nothing more.

" Kumusta naman ang buhay mayaman? "

" Ay kabayong nangitlog! Aray " nagitla kong ika dahil may bigla nalang nagsalita na siyang dahilan ng hindi sadyang pagkakauntog ko sa lamesa. Sa ilalim kasi ako ng lamesa nagwawalis.

" Tss! " umalis ako sa ilalim ng lamesa at nilingon ang nagsalita. Nagtakha ako nang makita ang kapatid ni Tayler na nakasandal sa bungad ng pintuan ng kwarto namin.

" May kailangan ka? " tanong ko sa kanya habang inayos ko ang sarili ko. Shete! Ang dumi-dumi ko na.

" Wala. Pero ikaw ang may kailangan... Sa pamilya ko " napataas ang kilay ko sa sinabi niyang iyon.

Anong gustong iparating nito sa sinabi niyang iyon?.

" Alam mo... Huwag na tayong maglokohan dito, Anitta. Alam ko ang pakay mo sa Kuya ko. Kaya kung ako sa'yo tigilan mo na kung anuman ang balak mo dahil hindi ako makakapayag na gawin mo iyon sa kanya "

" Anong sinasabi mo diyan? " takhang tanong ko dahil hindi ko na makuha ang gustyo niyang sabihin. Umalis ito sa paghkakasandal sa pinto at naglakad palapit saken.

" Name your price at lisanin mo na ang mansion na ito " mas lalo ko siyang tinaasan ng kilay sa sinabi niya.

" Name a what? Price? Para saan?. Alam mo, kung may gusto kang sabihin saken, daretsuhin mo ako. Hindi yung nagsasabi ka diyan ng kung anu-ano " aba. Mukhang ayaw saken ng mokong na ito ah. Pero ano bang ginawa ko sa kanya para kagalitan niya ako ng ganito?. Kahapon ko lang siya nakilala ah!

" Huh! Lalabas rin ang tunay mong anyo, Anitta " sabay labas nito sa kwarto namin.

Hay nako! Mas kulang-kulang pa yata iyon kay Tayler eh. Tss!

Mukhang alam ko na ang ibig niyang sabihin.

Alam mo... Huwag na tayong maglokohan dito, Anitta. Alam ko ang pakay mo sa Kuya ko. Kaya kung ako sa'yo tigilan mo na kung anuman ang balak mo dahil hindi ako makakapayag na gawin mo iyon sa kanya.

Mukhang pinaghihinalaan niya ako na may masamang balak sa asawa ko kaya siya ganun saken. Duh! Mukha ba akong masamang babae? Hindi naman eh! Wala akong intensiyong masama kay Tayler. Malaki ang naitulong ni Tayler sa pamilya ko, kaya kahit gaano pa kayamanan si Tayler. Hinding-hindi ko siya gagawan ng masama.

Atsaka... Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko na masamang babae. Pinalaki akong tama ng mga magulang ko kaya iyon ang dadalhin ko hanggang sa mamatay ako.

Tss! Ang laki ng pasasalamat ko ngayon pa lang kay Mamang at hindi niya naisipan na kay Mayer ako ipakasal. Dahil kapag nagkataon. Ako ang kawawa, ako ang api. Parang sa mga libro na nababasa ko. Hay... Ayoko ng ganun, masakit at nakakamatay ang ganuong sitwasiyon. Kaya thank you Mamang.

Hay nako. Ang layo-layo ng ugali niya kumpara sa ugali ni Tayler. Ang GASPANG! Tss!

**

" Naka bukas ang vault ni Kuya, you can take his money and go away. You're free to do that " pasaway na lalaki. Kailan niya ba ako titigilan? Sa isang araw yata higit dalawangpo na niya ako ginaganun ah?.

Akala niya ba mapapasunod niya ako? Ano ako tanga?. Atsaka... Aanhin ko pa ang pera ni Tayler?. Maayos na ang kalagayan ng Ina ko kaya hindi ko na iyan kailangan. Ang kailangan ko nalang ay panindigan ang naging kapalit non. Kaya bahala siya diyan! Kaya kahit isang libo pa niyang sabihin saken na itakbo ang pera ni Tayler na nasa vault nitong nakabukas. Wala akong pakialam! Psh! Bahala siya diyan!

The Compensation WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon