Kabanata Five

388 11 6
                                    

Anitta's POV

Ang angas-angas na tao, duwag naman pala! Tss! Kawawang nilalang.

" Alam mo, you should face your fear. Dahil hindi magandang tignan sa isang gwapong tulad mo na may kinatatakutan "

" H-hindi ako takot. I-im j-just--- "

" Hmm! " binatukan ko nga

" Ouch! "

" Tatanggi ka pa e, huling-huli ka na nga! "

" Tss! "

" Ang yabang talaga ne'to " bulong ko at alam kong narinig niya iyon, nakayakap saken eh. Tss!

Hindi na lamang ako umimik at tumingin na lamang ako sa labas. Ang ganda talaga ng tanawin mula sa itaas. Kitang-kita mo ang kabuuan ng siyudad.

" Ang ganda oh? Tignan mo dali! " maraming beses siyang umiling kaya niyugyog ko ang balikat ko at tinapik siya ng mahina sa likod " Dali na! Para kang bata! Papilit ganun? Papilit? Tss! Dali na! " inaalis ko ang mga braso niya na nakayakap saken ngunit hindi ko magawa dahil mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap saken. Napabuntong hininga ako.

" Mayer... Subukan mo lang, wala namang mawawala eh at walang mangyayareng masama sa'yo kung imumulat mo iyang mga mata mo at titingin ka mula sa bintana nito. Sige naman oh? Nabibigatan na ako sa'yo eh! Ang gaan mo lang e noh? Tss! Dali na! "

" B-baka kasi--- "

" Mahuhulog ka? Tayo? Hindi okay? Safe tayo dito sa loob at walang mangyayareng masama sa'ten. Kaya sige na, dali naman na oh? " pero hindi sitya nagsalita. Muli akong napabuntong hininga.

" Hindi mo ako gusto sa kapatid mo hindi ba? So, here's the dare. Dare na kapag nakayanan mong magmulat ng mga mata at tumingin mula sa labas, sasabihin ko na ang gusto mong malaman patungkol saken why I choose to marry your brother even if he's special at ako na mismo ang aalis sa pamamahay ninyo at kapag hindi mo naman nagawa... Gagawin ko kung anong iniisip mo patungkol saken sa kapatid mo " ramdam ko na nanigas siya sa pagkakayakap saken. Ako naman napangisi. Ano kayang gagawin niya? Ano kayang pipiliin niya? Hahaha.

Pero hindi ako nagbibiro sa mga sinabi ko. Gagawin ko talaga iyon. Magpapaalam nalang siguro ako kay Mamang at Tayler at sasabihin ang totoong dahilan kung Bakit ako aalis at sasabihing magbabayad na lamang ako ng utang namin. Pero yung pangalawang sinabi ko? Hindi ko gagawin iyon. Hinding hindi. Dahil hindi ko kayang gawin iyon kay Tayler, hindi ko kayang saktan si Tayler para lamang sa ganitong hamon. Mahal na mahal ko ang taong iyon. Kaya kahit ano pang mangyare, hindi ko siya sasaktan, hinding hindi.

" Try to do that. I'll make sure you will rot in he-- "

" Matagal ng nasa impiyerno ang buhay ko simula nung pumasok ako sa pamilya niyo " pamumutol ko sa sinabi niya " Dahil ang pamilya mo ang siyang dahilan kung bakit hindi ko kasama ang mga mahal ko sa buhay at kung bakit ko pinag tiyatiyagaan ang ganitong buhay kasama ng kapatid mo. Pero kahit ganun... Hindi ko pinagsisisihan na nagpa kasal ako sa kapatid mo. Na kahit pasakit at paghihirap lamang ang mga nararanasan ko sa kanya madalas, hindi ko magagawang kagalitan siya o kamuhian man lang siya. Mahal ko siya, at iyon ang totoong dahilan kung bakit nagtagal pa ako sa tabi niya kahit na ganun ang kalagayan niya.

Yeah, tama ka. Ginamit ko siya, kailangan ko ang pera niya. Pero hindi para sa luho ko. Kundi para sa Ina ko, na ka muntikan ng mamatay ng dahil sa kanyang sakit sa puso. Mahal na mahal ko ang Ina ko, na ultimo pride ko kinain ko na matulungan lang siya. Na ultimo lumayo sa kanila ginawa ko para mabuhay lang siya.

Kaya kung iisipin mo na masama akong tao at hindi ako karapat dapat sa kapatid mo. Huwag mo ng ituloy. Dahil hindi ako ganun. At kahit kailan, hindi ko gagawin iyon. For sake of my mothers life. I will never, ever do that kind of sin. Utang na loob ko ang buhay ng Ina ko sa Kuya mo, lalo na sa Ina mo. Kaya hinding-hindi ako gagawa ng ikakasama ko sa kanila "

Sa mahabang litanya kong iyon. Hindi ko namalayan na napaluha na pala ako. Suminghot ako atsaka ako yumuko sa balikat niya at inubob ko doon ang mukha ko to hide my face.

" Hindi ako masamang babae at mas lalong hindi ako mukhang pera "

" Anitta... "

" Pinalaki akong mabuti ng mga magulang ko at ni hindi ako tinuruan ng kahit anong masama ng mga ito. Kaya maniwala ka saken. Hindi ko kayang gawin sa kapatid mo ang ibinibintang mo saken. Hindi, hindi ko kaya. Hindi ako ganun. Hindi " humagulgol na ako sa iyak nang maramdaman ko na niyakap ako nito ng mahigpit. I hug him back.

Sana maliwanagan na siya. Dahil ayokong-ayoko na hinuhusgahan ako sa pagkatao na hindi naman ako, na hindi ko kayang maging ganun.

*

Tahimik kaming nakauwing apat sa mansion. Nag enjoy naman akk kahit paano. Lalo na si Tayler. Enjoy na enjoy! Ang daming nasakyan ba naman. Hahaha. Kaya heto siya ngayon, tulog sa tabi ko. Napagod siguro. Ang likot eh, Haha. Pero masaya ako at nakikita ko na siyang nakangiti palagi. Hindi tulad noon nung una ko siyang makasama ay kahit isang ngiti man lang ay hindi niya magawang ibigay sa'yo noon.

Napakailap, napakailap niyang lubos sa mga tao.

Kaya masaya ako at kahit paano may nagbabago sa nakagawian niya noon na hindi naman dapat. Pagbabago sa mga ugali na meron siya noon.

At higit na masaya ako, na malamang ako ang isa sa mga dahilan kung bakit siya nagbago. Kung bakit na siya nakakangiti ngayon. Kung bakit bumabalik na ang dating sigla sa kanyang mukha na sa kanyang kabataang karawan ko lamang noon nakikita.

Binuklat ko ng walang ginagawang ingay ang drawer ng side table na nasa gilid ng kama namin ni Tayler. Kinuha ko roon ang larawan niya. Larawan niya noong nasa sampong taong edad siya.

Hinaplos ko ang mukha niya roon.

Sa lahat ng kabataang litrato niya na nasa photo album niya. Ay ito ang pinaka nagustuhan ko kaya kinuha ko. Ito lang kasi ang larawan niya na nakita kong nakangiti siya. Ngiting alam kong masayang-masaya siya.

Sana magtuloy-tuloy na ito. Dahil ayoko ng makita ang Tayler na una kong nakita at nakilala noon.

Itinago ko na muli iyon. Tinabihan si Tayler at niyakap.

" I love you, baby "

KINUMAGAHAN. Umagang-umaga busangot na busangot na ang mukha ko. Putcha! Sinong hindi! Ikaw ba naman paglabahin ng sang katerbang damit?.

Ano na namang trip ng lalaking to at ang agang nangbuburyo?.

" Wash that with your own hands "

" Ano? Anong ginawa mo sakin? Washing machine na kayang tapusin lahat iyan sa isang araw? You gotta be kidding me! "

Kung para sa buhok ko sa kili-kili, mas marami at makapal pa ang mga ito. Tae! Di na makatarungan to ah. Hindi porke ayaw niya ako sa Kuya niya eh, kailangan niya na akong tratuhin na para bang katulong niya. There's no way in hell na magpapaalila talaga ako sa lalaking ito.

" Ayoko! " atsaka ko hinagis sa harapan niya ang damit na hawak ko na ikinakunot ng noo niya. Magalit lang siya, wala akong pakialam " Hindi ikaw ang amo ko dito, kaya wala kang karapatan na utusan ako "

" Ginagalit mo talaga akong babae ka ha! "

" Magalit ka lang kung gusto mo, wala akong pakialam! "

Atsaka kami parehong nagsuktan ng matatalim na tingin.

" Anong nangyayare dito? "

***

Boom!  Panes! Hahahaha

The Compensation WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon