Abot na yata ang haba ng nguso ko sa Baguio dahil sa haba ng sermon na nakuha namin kay Mamang Seyenara. Eh, siya naman kasi tong nauna eh. Pwede naman kasi niya akong paalisin ng hindi tinutulak! Gago talaga siya! Mayabang pa! Grr! Kagigil sabunutan. Pasalamat siya at sabunot lang ang ginawad ko sa kanya, hindi suntok sa mukha eh! Bangas sana yang pagmumukha niyang makinis pa sa balat ko! Pwe!
Bagsak ang balikat naming tatlo nang makalabas kami sa opisina ni Mamang Seyanara. Kawawang Trevor at nadamay pa sa gulo naming dalawa ni Mayer. Gago talaga kasi to eh.
" Kayong dalawa, kailan ba kayo magbabago? "
" Ano na naman? " Anong kelan ba kami magbabago? para saan? nakilala ko na ba ang ungas na mayabang na to noon? saan naman? bakit hindi ko yata matandaan na may nakilala akong hambog noong high school ako?
" Hindi mo ba talaga siya ma--- "
" Go home, Trevor " hindi na nakapag reklamo pa si Trevs ng mabilis siyang hilahin palabas ng mansion ni Mayer. Kunot noo ko naman silang sinundan ng tingin. Ano ba talagang gustong iparating ni Trevs na lagi nalang pinuputol ni Mayer? curious is me. Oh, well. Paki ko naman kung kilala ko siya noon?
Siguro, kung kilala ko nga siya noon, kaaway ko talaga siya. Ang taas ng kulo ng dugo ko nang una ko siyang makilala eh. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko na para bang anytime sisinghalan ko siya ng dahil sa galit. Ugh! Siguro nga! Siguro nga magkaaway kami noon. Kaya hanggang ngayon hindi kami magkasundo eh.
Tumalikod na ako atsaka na ako nagsimulang maglakad patungo sa kwartio ni Tayler. Habang naglalakad, binabalikan ko ang nakaraan ko at isa-isang inalala ang mga naging malapit saken o naging kakilala kong mga lalaki at naging kaaway ko noong high school ako na kaklase ko noon si Trevor.
Maliban kay Maymay, may naging kaaway pa ba akong lalaki? Si Maymay na hindi ko man lang naalam ang pangalan hanggang sa maka graduate kami ng high school. At ito namang si Trevor, ayaw sabihin saken. Atsaka, imposibleng maging si Mayer yong si Maymay. Ang gwapo kaya ni Mayer kumpara kay Maymay na may braces at malaking eyeglasses na suot-suot, isama mo pa yung baduy na panunuot niya ng damit. Yung para bang lagi siyang ginagahasa ng sampong bakla dahil sa pagkakagusgos ng damit niya at pagkakagulo ng buhok niya. Hindi na nga gwapo burara pa sa sarili. Lagi ko yong nakakaaway dahil don. Lagi ko siyang pinagsasabihan na ayusin niya yung sarili niya kaso ayaw niya at siya pa itong galit kaya lagi kaming nagkakatalo at hindi nagkakasundo kahit sa maliit lang na bagay. Kumusta na kaya ang lokong yon? simula nang mag graduate kami ng high school wala na akong naging balita sa kanya.
" Amalia! " bumalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni Tayler na tinatawag ako. Nabigla ako at kinabahan ng makitang umiiyak ito sa sulok ng kanyang kama.
" T-tayler! " dinulungan ko siya kaagad sa pagkakaupo. Tinuyo ko ang basa nitong mukha. Nanginginig pa ang mga kamay ko dahil sa kabang nararamdaman ko
A-anong nangyare sa kanya?
Niyakap ko siya ng bigla siyang humagulgol sa iyak, niyakap rin ako nito pabalik, mahigpit na mahigpit ang pagkakayakap niya saken na para bang natatakot ito.
" Tayler... anong nangyare? may masakit ba sa'yo? may umaway ba sa'yo? "
" Takot Tayler, takot ako, Tayler takot ako huhuhu "
" Ssshhh... nandito si Amalia, di ka iiwan, Amalia " pagpapatahan ko sa kanya, nagsisimula na rin akong maluha.
Ito ang pangalawang beses na nakita ko siyang umiiyak nalang bigla at nanginginig sa takot habang nakaupo sa isang sulok yakap-yakap nito ang sariling binti. Hindi ko naman alam kung bakit. Wala rin siyang sinasabi saken. Kahit sina Mamang Seyanara walang alam na dahilan upang maging ganito siya. At natatakot ako kapag ganito siya, hindi ko alam kung anong gagawin ko para mapatahan ko siya. Para mapahupa ang takot na nararamdaman niya.
