" ...SHE TOLD me that I'm only her flower in her garden, and I believed her " ang aga-aga, nangbuburaot ang isang to. Naku naman!
" Oh? ganun naman pala, eh, ano pang nginungutngot mo diyan? "
" Bakit Amallia? have you ever seen a garden with one flower? "
" Oh, " yun lang ang nasabi ko, Sabi ko nga eh. May point siya ha? san ka nga ba naman nakakita ng garden na iisa lang ang bulaklak? grabeng babaeng yun kung makapag bitaw ng salita ah? daig pa ang lalaki kung bumanat.
" Ugh! I'm such a fool to fall off of her sweet words " frustrate nitong sabi na ikinasang-ayon ko naman sa kanya.
" Tanga ka nga, " ngumuso ito na ikinangiwi ko kaya binato ko siya ng pillow na tumama naman sa mukha nito na ikinaungot niya " Tanga ka naman talaga. Sa lahat ng lalaki, dapat ikaw ang may alam non dahil gawain niyo yon kaya dapat hindi kayo naloloko ng isang katulad ng babaeng iyon "
" H-hoy! Hindi naman lahat ng lalaki pa fall. Ibahin mo ako, loyal akong tao noh! "
" Ito ka, " kinuha ko ang cactus na binonsai sa maliit na paso atsaka ito hinarap sa kanya
" Amalia naman! " siniringan ko siya. Jusko lord naman kasi! 8 am palang ng umaga pero heto na itong lalaking ito at namumulabog na sa bahay ng may bahay! Tulog pa ang lahat, maliban saken at sa mga kasambahay dito sa bahay.
" Tumahimik ka, ipapasok ko sa bunganga mo itong cactus isang sigaw mo pa! " napailing nalang ako ng takpan nito ng pillow ang bibig niya " Ano ba'ng gusto mong mangyare ngayon sa babaeng iyon? do you even loved her? kilala ko kayong mga lalaki. Hindi kayo madaling mahulog sa mga babae, unless kung libog lang ang habol mo "
" Seriously? Ganiyan na ba kasama ang tingin mo saken ngayon? Fck boy na ba ako sa pananaw mo ngayon? Nakakasakit ka naman ng damdamin! " umakto pa ito na parang nasasaktan habang hawak-hawak nito ang kaliwang dibdib " Kilala mo ako simula nung high school pa tayo, Amalia! Wala pa akong ni isang babaeng sinaktan noon! "
" Wala nga, wala ka naman kasing girlfriend nun eh " tumawa ako ng bigla niya akong sinimangutan " Totoo naman eh. Anyway, kung gusto mong makaganti sa ginawa ng babaeng iyon sa'yo, siya naman ang paglaruan mo. Learn how to play the fire between the two of you. Kung basketball player siya, okay lang na maging bola ka. Bakit? Dahil sa oras na sa iba tumama ang bolang pinaglalaruan niya, may tsansa iyong babalik sa pagmumukha niya para matamaan siya. Hindi ganon katindi ang sakit, but atleast di ba? Nakaganti ka na, nasaktan mo pa siya! "
" Wow! " binigyan niya ako ng nakakamanghang tingin na ikinairap ko sa kanya. Tumayo ako sa kinauupuan ko at muli ko siyang binato ng unan na tumama naman sa kanyang mukha. May gagawin pa kasi ako. Atsaka baka magising na si Tayler at hanapin ako.
" Umalis ka na at simulan mo ng gumanti diyan sa babae mong ginawa kang tanga kahit tanga ka naman na noon pa " natatawa ko siyang iniwan habang tinatawag ang pangalan ko dahil sa inis niya saken. Bahala siya sa buhay niya, ganon naman talaga siya noon eh. Hahahaha
" Amalia... " mabilis na dinaluhan ko si Tayler sa kama nang magising ito pagpasok ko sa kwarto naming dalawa. Hinaplos ko ang mukha nito pagkatapos ay ang buhok naman nito paibaba sa kanyang batok.
" Okay ka lang ba? Alala si Amalia sa'yo kagabi. Anong nangyare sa'yo? Pwede bang sabihin Tayler kung bakit siya umiyak kagabi? " tulad nang unang nangyare ito sa kanya. Hindi ito umimik, hindi ako sinagot nito hanggang sa mapagdesisyunan ko nalang na paliguan siya upang makadalo na ito sa doctor niya. Kahit ayoko na siyang dinadala siya doon, pero kailangan dahil baka magalit si Mamang saken. At iyon ang iniiwasan kong mangyare.
