Kabanata Four

685 23 8
                                    

Anitta's POV

May lalaking kanina pa nakakairita dito. Kung bakit kasi sumama-sama pa kung magrereklamo rin naman pala siya. Ang sarap lang batukan. Tss!

Hindi pa man kami niyan nakakasakay ni isa sa mga rides ah? Pero kung makareklamo na itong kasama namin. Wagas! Atat umuwi! Jusko! Sino ba kasing nagsabi sa kanya na sumama siya di ba? Psh.

" Ghad! I can't take this anymore! Let's go Ma! " sigaw na naman niya.

Anong meron?

Pinag kukumpulan lang naman kasi siya ng mga higad na babae na nandito sa amusement park.

May nagpapapicture sa kanya, humihingi ng hug at number niya. In a nice way naman nila hinihingi iyon ah? Iritado lang talaga ang kontrabido na ito.

Walang pakikisama. Bahala siya diyan! Parang picture, hug at number lang naman mawawala sa kanya eh. Tss.

" You can go home with yourself, Mayer " sagot ni Mamang. Bahagya akong napa hagikgik na ikinalingon nito saken n kunot ang noo. I stick my tongue on him atsaka mabilis na naglakad palayo kasama si Tayler.

" H--huwag... Iwan... Mayer " napaangat ako ng tingin kay Tayler ng sabihin niya iyon. Nakita ko na nakalingon ito sa likod habang naglalakad kaming dalawa. Kaya napahinto ako sa paglalakad at Nilingon narin si kontrabido.

Sumimangot ako.

Panira ng momento. Tss!

Lumapit saken si Mamang at sinabi nitong tulungan ko daw si Mayer na makawala sa mga Babaeng umaaligid sa kanya ngayon na ikinabigla ko. Nagprotesta ako kay Mamang, dahil ayaw ko. Sumama-sama siya dito,mkaya magtiis siya. Pero sa huli ay napapayag niya ako. Gamitin ba naman si Tayler. Mamang talaga oh.

Inakay na nito si Tayler palakad, habang ako naman, heto... Nakatingin kay Mayer at sa mga Babae at nag-iisip kung paano ko ba mapa paalis ang mga higad na nasa paligid niya.

Tss! Pasalamat siya at damay dito ang asawa ko, kung hindi... PAPABAYAAN KO TALAGA SIYA! ASAR!

Nagpa kawala ako ng malalim na hininga at nag chin up bago naglakas loob na maglakad patungo sa kinaroroonan ni kontrabido.

Waaaa! Pasakit ka talaga!

" What's happening here? " I sound myself like a maldita. Hindi naman ako napansin ng mga ito kanina na kasama ni Mayer, kaya paniguradong hindi nila ako kilala.

Malayo agwat ng paglalakad ko kasama si Tayler sa kanya eh. Halos wala na nga siyang kasabay dahil kasabay rin naming maglakad si Mamang.

Napatitig saken si Mayer habang ang mga babae namang higad ay nagsitigil sa kanilang mga ginagawa. Pero hindi ko siya pinansin.

" And who the hell are you? " tanong nung Babae. Tinaasan ko siya ng kilay and cross my arm.

" I'm the one who should asking you that. Who the hell are you... All? "

" Alam mo girl, " Nilingon ko ang nagsalita " Kung isa ka ring may paghanga sa kanya, why don't you join us? "

" Join you? For what? For bothering my fiance for all your nonsense doing? Nuh! No thanks " napasinghap ang mga babae. Tinignan ko sa mga mata si kontrabido at kita kong nanlaki ang mga mata niya at halatang gulat na gulat sa sinabi ko. I give him look na maki ride nalang siya. Napa-iling ako nang wala akong makita sa kanya.

The Compensation WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon