Ultimate Frisbee

681 18 0
                                    

Kim's POV

Woohoo, Boraaaa!

"Aray naman!" sinapok ako ni melabs ng bote ng kung ano. "Alam mo namang anak ka ng lagim kaya ayan, maligo ka muna ng sunblock." sabi ni mela sakin.

First flight ng papuntang Caticlan ung sinakyan namin kaninang umaga.  Muntik pang maiwan si Ara kasi late nagising, 11:00pm na kasi natapos ung board meeting kagabi. Sa Sur kami naka-check-in; two-bedroom Executive Suite. Roommates sila Mela and Bang, ako naman kasama ko sa kabilang room si Ara. Pero andito muna ko ngaun sa room nila mela, kasi nakakahiya kay Ara, ang himbing ng tulog kasi puyat at pagod kagabi.

Hep, hindi beach volleyball ang pinunta namin dito. Other than beach and indoor volleyball, saka pala basketball, e magaling din si Ara sa Ultimate Frisbee! Inaya siya ni Derek Ramsey maglaro para sa Boracay Dragons. Kalaban nila ang Manila Spirits ngayon for an exhibition match. Mixed ang team, in a given time, 4 male and 3 female players ang nasa field. Ang goal is to throw-fly-catch the disc towards the other end zone. Hindi ko rin to alam nung una, pero after ilang sessions sa Philippine Ultimate Association (PUA) Beginner's Night sa Meralco Field every monday night e na-gets ko na rin siya ng onti. super fun ung sport, as in. Lagi ko ngang chine-check ung facebook page nila for updates: PUA-Beginners-Nite.

"Kimmy, gisingin mo na si Ara para sabay-sabay na tayong makapag-brunch." sabay hila sa braso ko. "Ano ba bang! tutal ikaw concerned e di ikaw gumising dun."sagot ko.

Bang's POV

10:30am na rin naman kasi, nakaka-more than 3 hours of sleep na rin naman siya. ok lang siguro gisingin yun.  Lumabas nako ng room namin, pagkita ko sa sala, andun pa luggage ni Ara, still unpacked. plakda kasi talaga siya kaninang umaga pagdating namin dito. Pero kahit super antok siya e she still made sure na inaalalayan pa rin niya ko in carrying my luggages. Napaka-gentleman talaga nitong si Ara, hindi siya tulad ng ibang brat na rich kid. 

Dahan-dahan akong pumasok sa room ni Ara. Ang lamig, anlakas ng aircon. Ang tahimik, nakita ko ung phone niya naka-vibrate mode. Tulog na tulog ang boss ko. 

Umupo ako sa gilid ng kama. Hindi ko pa magawang kalabitin man lang siya. Tinitigan ko muna siya. Para mas makita ko ng maigi e nilapit ko ung face ko sa face niya. I looked closely and intensely at her eyes... nose... cheeks... lips. 

"You like what you're seeing?" biglang gumalaw ung lips ni Ara, sabay dilat!

"Hindi noh!" pamumutla ko. "Mag-shower ka na, sunod ka na lang sa restaurant sa baba." pagtataray ko para makalabas na agad ng kwarto niya. Nakakahiya!

Bumalik na ko sa room at hinila ko na sila Kim and Mela pababa sa restaurant. Umorder na kami ng brunch. Inorder ko na lang si Ara para pagdating niya e saktong kakain na lang siya.

After 15 minutes, dumating na ung food. Pak! Pak! Hinampas ko kamay nila Kim at Mela, "Walang kakain hangga't wala si Ara!" 

"Yes!ayan na siya, parating na!" sigaw ni Kim.

Paglingon ko sa likod ko, si Ara naglalakad going towards us. E bakit ganun, parang slow mo ung lakad niya. Ang fresh niya, wet look at naka-brush up ung buhok. naka-shades, sando, and boardshorts.  OMG, ang gwapo. Ang bango pa niya nung tumabi sakin.

"baka pasukan ng langaw yan. sara mo na gurl" bulong sakin ni Mela. 

"Ah hi Ara, inorder na kita ng barbecue ribs with rice and corn, saka iced tea. ok lang to sau? pagbalik ko sa wisyo.

"Perfect!" naka-smile na sagot sakin ni Ara. 

Alam ko sa tinginan nila Kim and Mela na pinagtatawanan nila ko kasi napanganga talaga ko nung dumating si Ara. 

Happy (BARA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon