Bench

609 25 4
                                    

Mela's POV

Sakto, nagla-laptop si Ara sa sala. Work mode na naman siya. Si Bang, natutulog sa kwarto, napagod kakatili kanina sa game.

"Ano ginagawa mo?" tanong ko kay Ara.

"Office stuff. Mga reports for approval; mga contracts for review; mga projects up for bidding..." sabi ni Ara, na napa-pause sa ginagawa niya sa laptop, sinara ang laptop, tumingin sakin at mukhang nagtataka, "teka, bakit? anong kailangan? kinakabahan ako, parang may gusto kang sabihin, spill the beans." tanong ni Ara.

"Wala naman..."

"Meron eh. Ano nga?"

"Pilitin mo muna ko."

Umiling si Ara at binuksan uli ung laptop at balak akong deadmahin.

"E kasi, ung tummy ko, may pinapasabi sayo, gusto raw niya ng ikenjoy... nagke-crave tummy ko ng fastfood e."

"Sus un lang pala e! O cge, text ko si manong driver, labas tayo mamaya para maiba naman ambiance natin. Alis tayo ng 530pm para mag-dinner sa Baguio. Wala namang Jolibee sa bayan sa labas e. Sige, sige paggising ni Bang maya maya,ayain natin"

"Yipee! Thank you so much!" sabay nayakap ko si Ara sa tuwa.

"Asan nga pala si Kim?"

"E ayun, naaya ni manong driver sa chess. Nasa kabilang villa."

"Ah ok, sige sabihan mo na lang ha?"

"E pano ung victory party niyo mamaya sa pool?"

"Tuloy naman ung party even without  us. Okay lang un. Kelan ko ba inuna ang ibang tao over you guys?"

"Thank you talaga!!" tuwang-tuwa kong sagot. Lumabas na rin ako para puntahan si Kim at manong driver sa kabilang villa. Si Ara naman, bumalik sa pagla-laptop niya to work.

Hindi na nakayanan ng tummy ko, 5:00pm ginising ko na si Bang; inawat ko na rin si manong driver saka si kim sa chess; si Ara sinaraduhan ko na ng laptop. Nag-hop-skip-hop-skip ako papuntang van.

Wala na silang nagawa at pailing-iling pang sumakay na rin ng van.

6pm na kami dumating ng Baguio. Dalawang chickenjoy bucket agad in-order namin. After mabusog, naglakad-lakad kami sa Session Road para makatikim ng iba't ibang yummy desserts. Hanggang sa makababa kami, at tumambay sa Burnham Park para magpalamig.

"Bang! pasama lang ako kay Kim dun sa ukay-ukay ha? Saglit lang, jan namin kau balikan. Jan lang kayo ha!" sabay hinila ko si Kim para tumingin ng uks.

Ara's POV

Iniwan kami nila Kim at Mela. Kasama ko si Bang sa isang bench para mag-antay dito sa Burnham Park. Past 7:00pm na rin pala, malamig ang simoy ng hangin at medyo madilim na kaya nakabukas ang mga ilaw sa poste. Tahimik ang paligid at tanging huni ng kuliglig at umaalingawngaw.

Si Bang tahimik na nakayuko at nakaupo sa tabi ko. Natatamaan siya ng ilaw galing sa poste na nagpapaliwanag ng maganda at maamo niyang mukha. Tinatangay ng hangin ang buhok niya kaya nalalaglag ito sa harap ng mukha niya.

Binasag ko ang katahimikan ng paligid, "Uhm, Bang..."

"Hmm?"

Hindi ko alam bakit ako kinakabahan, pero ngayon, I feel uneasy beside her, para akong bata na aamin ng kasalanan. Nakayuko ako at nagsalita,"E kasi I haven't thanked you enough for everything you've done for me and my family."

Lumingon si Bang sakin at ngumiti, kinuyakoy pa ang paa, "Wala yun, ikaw pa."

Yumuko siya at patuloy na nagsalita, "Ako nga tong may malaking utang na loob sayo. First and foremost, nag-enjoy ako kalaro si Happy nung time na I was desperately looking for work. Tas after nun, I met you, and you offered me a wonderful job. Saka ang laking bagay ung ginagawa mo para sa family ko nung pumunta ka dun samin, saka nun ding time na pinapunta mo sila sa Manila. Saka ung..."

"Wala yun"

Lumapit si Bang sakin, at sumandal sa balikat ko.

"Alam mo Ara, I couldn't picture myself without you in my life."

"Huh?" pagtataka ko. E ako nga tong laking pasasalamat sa kanya e.

"Eeeee... kasi di ko naman talaga alam ano at saan ako ngayon kung di kita nakilala. Dati, I felt invisible. Nobody cared to notice me. Ngayon, di ka na makakadaan sa EDSA ng di makikita billboard ko!" sabay nagtawanan kami.

Biglang tumahimik kami pareho. Ninanamnam ko 'tong moment na di ko lang katabi si Bang, nakasandal pa siya sa balikat ko. Naisandal ko na rin ung pisngi ko sa ulo niya. Pareho kami ngayon nakatingin sa mga bulaklak na nakapalibot samin.

"Sana laging ganito" sabi ni Bang.

"Anong ganito?"

"Tahimik. Di ka stressed. Di ka pressured ng kahit sino. Walang nagdidikta sau. Di ka naghahabol ng oras."

"Sana laging ganito noh?" bulong ko kay Bang.

Tumingala si Bang sakin at binigyan ako ng matamis niyang ngiti.

"Let's pinky swear" sabi ko, sabay alok ng pinky finger ko.

"O sige, ano?" ni-ready na rin niya ung pinky finger niya.

"Let's pinky promise never to let go."

Nag-smile si Bang, at ni-hook niya ang pinky finger niya sa pinky finger ni Ara.

Kahit sobrang tuwang-tuwa ko, tanging pigil na ngiti ang nailabas ko ..pero di na nami binitawan ang kamay ng isa't isa kaya naka-holding hands kaming nakaupo sa bench.

Sabay kaming pumikit at humigop ang malamig na simoy ng hangin nang nakangiti.

Sumandal uli ako sa bench, at sumunod naman si Bang. Mabilis kong iniayos at itinaas ko ang braso kaya ngayon ay nakasandal si Bang sakin, at naka-akbay ako sa kanya.

Bumalik ang katahimikan. Ninanamnam ko ang pagkakaakbay ko kay Bang.

Kim's POV

"Hep, do you see what I see?" sabay tinaas ko braso ko para maharangan si Mela.

"Aray naman! Nakakatama ka! Magpadaan ka nga. Kita nang andami kong pinamili, masisira na nga ung plastic oh!" sabi ni Mela.

Ngumuso ako para maturo ung pwesto ni Ara.

Nakita rin sa wakas ni Mela ung tinutukoy ko. Mga 10 meters away kami behind the bench where Ara and Bang sat.

Hinila ako ni Mela na umupo muna sa ibang bench para di masira moment ni Ara at Bang. Hindi nila alam na nasa likod lang nila kami.

"Bagay!" sabi ko.

"Bagay na bagay!" sabi ni Mela, "alagaan dapat ni Ara yang bff ko ah, pag may nangyari diyan, lagot siya sakin."

"Naman! Ako nagturo diyan pano magpakita ng pagmamahal sa babae. Sakin yan kumukuha ng damuvs." pagmamayabang ko kahit di naman totoo.

"Weh?!?" sabay ikot ng mata ni Mela, "Kanina lang sa van e pinagbuksan kami ni Ara ng pinto saka inalalayan kami bumaba. Asan ka, wala!"

"Nakuha niya sakin ung ganung style! Dati nga wala yang lambing sa katawan. Puro aral lang alam niyan."

"Tumigil ka nga. ikaw, maginoo pero medyo bastos!" sabay nagtawanan kami ng malakas ni Mela. Sabay hampasan at kurutan pa.

"Sa van na lang ituloy yang harutan, nagtext na si Bea. Hanap na tayo dun." sabi ni Ara samin.

"Kagulat naman!" sabi ko.

Tinawagan na ni Ara si manong driver para magpasundo sa pwesto namin. Mahirap parking dito kaya pinapunta nalang namin si manong driver kung nasan kami.

Dumating na ang van. Inunahan ko si Ara, "Hep, ako na magbubukas ng pinto."

Hinawakan ko kamay at bewang ni Mela, pasakay. Si Bang din, inalalayan ko.

"Naks, gentleman kuno. plastic!" asar sakin ni Ara.

"Wag ka, kung gusto mo, mag isip ka ng ikaka-pogi points mo" sagot ko kay Ara.

Mukhang may hangover pa at kahit sa van ay nakaakbay si Ara kay Bang. Buong byahe mula Baguio hanggang Benguet ay ganun lang ang posisyon nila. Buong byahe din nilista ni Mela ung positive at negative sa tandem ng Kim-Mela.

"sana laging ganito." bulong ni Bang kay Ara.

Happy (BARA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon