What Ifs

580 15 0
                                    

Kim's POV

Ugh. napasobra ata inom ko kagabi sa victory party ng Boracay Dragons. Free-flowing ung drinks. Ayoko pa talaga idilat mata ko pero may nakapatong na mabigat sa katawan ko kaya ang hirap gumalaw.

O_o

o_0

0_0

Nakadagan sakin si Mela at nakatitig lang sa mukha ko. Malamang e gwapung-gwapo to sakin. Tsk, iba tlga ang kamandag ko. Etong face ko talaga ang pinaka-asset ko e. "You like what you're seeing gurl?"

Aray! "Bat mo naman pinitik ilong ko!" pasigaw kong tanong kay mela.

"hoy, narinig ko na yan. gaya-gaya. wag ka ring feelingera. na-amaze lang ako" sagot ni mela na nakatitig parin sa face ko.

"sa kagwapuhan ko?" sabay kumindat ako.

"hindi noh! ganyan pala itsura nang na-sunburn na uling. parang walang pinagbago. Parang wa epek sau ang latay ng araw. astiiiiig" sagot ni mela habang nakatingin sa butas ng ilong ko.

"Ah ganun, ikukuha pa naman kita ng breakfast in bed. wag na lang pala" banat ko

"uy kimmy, lab ako niyan, di yan makakatiis na makita akong gutom" lambing ni mela sakin sabay angkla sa braso ko.

Totoo naman. Paano kasi mainit dugo sakin nito 'pag gutom siya. Bumangon nako at pumunta sa kabilang kwarto para kumuha sa wallet ni Ara, este sa wallet ko.

Dahan-dahan akong pumasok ng kwarto. Nasilip ko na tulog pa ung dalawa.

Awww, ang sweet! Naka-yakap si Bang kay Ara. Naka-unan siya sa braso ni Ara. Naka dikit ung baba ni Ara sa noo ni Bang. Gusto ko silang picture-an kaso baka sikmuraan ako ni Ara pag nahuli ako. Pagkakuha ko ng wallet ko, lumabas agad ako ng kwarto.

"Hoy, ano yan? E may kasama namang breakfast tong room accommodation natin. Ano balak mong bilhin? Teka, baka bibili ka ng yosi ha! subukan mo lang kimi dora!" salubong sakin ni Mela sa kitchen.

Nakaupo na si Mela sa dining table. Sinabi ko nga pala sa reception kagabi na dito nlang kami sa suite kakain ng breakfast, instead sa cafeteria, kasi malamang e mga masasakit ulo namin.

"Hindi ako bibili ng yosi! Bibili lang ako sa The Real Coffee ng Calamansi Muffin kasi masarap na isabay un sa kape." Grabe talaga tong si Mela, minsan exag ang pagiging concerned.

"Uy, gisingan mo na ung lovebirds para makakain na rin." utos ko kay mela.

Mela's POV

Lumabas na si Kim para bumili ng Calamansi Muffin. Naisip ko baka gutom na tummy ni Bang kaya pumasok ako sa room nila Ara.

Awwww, ang sweet! Spooning! Nakatalikod si Bang kay Ara habang nakayakap si Ara sa likod niya. Naka-tagilid sila matulog. Naka-unan ulo ni Bang sa braso ni Ara. Yung legs ni Ara e nasa ilalim ng legs ni Bang kasi nakagilid sila ng paghiga.

Tsk. Sayang di ko tlga phone ko. Picture perfect sana!

Lumabas nako ng room. Di ko sila kaya gisingin kasi parang ansarap ng tulog nila. Si Ara, pagod. Si Bang, lasing.

After ilang minutes, bumalik na si Kimmy, "Gising na ba si Ara? Nakasalubong ko si Derek, may pinapasabi e."

"Hindi pa e." iling ni Mela.

"Oo noh." sagot ni Ara sa likod ko na mukhang maganda ang gising.

Bumulong si Kim kay Ara sabay ngumiti ng pagkalaki-laki ung dalawa at napatalon pa para mag-apir at body bump.

"Hoy, mga kumag kayo, anong pinaplano niyo!?!" sigaw ko sa kanila.

"Mayang gabi, Paraw tayo. May event daw. Basta." sabi ni Ara.

Happy (BARA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon