Off to Davao

580 16 0
                                    


Bang's POV

Sunday afternoon, sinundo kami ni Ara sa apartment. Kasama na niya si Kim. Napaka-gentleman niya kasi siya nagbuhat ng mga luggage ko. Di mo aakalain na presidente ng isang IT company lang naman ang pinagbubuhat ko ng bag.

Hanggang sa dumating kami sa airport, kinukulit pa rin nila Mela and Kim para sumama or sumunod samin si Ara sa Davao. Makikita mo sa mata ni Ara na malungkot to. Wala siyang magawa kasi kailangan talaga siya sa Board Meeting at marami pa siyang aasikasuhin.

Tinawag na ung flight namin pa-davao. Di ko napigilan na mapa-hug at mapa-kiss sa right cheek ni Ara. Nagulat siya sa ginawa ko. Napa-smile siya. Hindi ko napigilan, mami-miss ko talaga siya e. Nagpaalam na kami kay Ara. Parang ayaw maglakad ng mga paa ko, buti na lang at naka-angkla sakin si Mela kaya nahihila ako sa paglalakad.

After more than an hour, we're now here in Davao airport. Buong angkan ata ng Pineda ang sumalubong saming tatlo, ang saya!

Ang ingay namin sa sasakyan pauwi ng bahay, grabe ang gulo. Pati sila Mela at si Kim, sumisingit pagkwento tungkol kay Happy at kay Ara.

Si Ara! Kamusta na kaya siya, teka mai-text nga, "Hi Ara, Davao na kami. How are you? I miss you!" Sent.

Halah! Bakit may "I miss you" sa dulo, na-type ko pala ung nasa isip ko.

Ting! "Good to hear you're home. Happy and I are fine. I miss you too. Pahinga ka na, enjoy your vacay! Good night, sweet dreams"

Awww, natunaw naman puso ko.

Nakahiga ako ngaun sa lumang kwarto ko. Sa kabilang kwarto sila Mela and Kim. Tulog na sila.

Tok tok. "Pasok po" sabi ko.

"Anak, bakit masaya ka naman tignan pero nahuhuli kitang tulala minsan? Si Ara ba?" sabi ni Mama Bha. Lagi kong katext si Mama Bha, araw-araw, gabi-gabi. Andami ko nang nakwento sa kanya.

"Ma naman eeehhh" atungal ko.

"Anak, gusto ko siya makilala. Base sa kwento nyong tatlo, napakabait and napakabuti sa inyo niyang si Ara. Mukhang boto ako sa kanya para sayo." sabi ni Mama Bha. E di nga nanliligaw e, puro pakilig lang.

Lumabas din agad si Mama Bha ng kwarto. Nakatulog na rin ako.

Kinabukasan. Woohoo, family bonding! Kasama ko sila Mama Bha, Mela, at Kim sa pag-ikot sa Barangay Pineda. Pano naman kasi, lahat kami dito sa e magkakamag-anak o di kaya ay magkakakilala. Palipat-lipat kami ng bahay, andaming pagkain kahit di naman talaga pyesta. Sa lugar namin, payak ang pamumuhay, sapat na masaya ang pamilya.

Si Kim saka si Mela, nakaka-inggit kasi di matanggal ang pagiging sweet, hay naku, kelan kaya kami magiging ganyan kami ni Ara.

"Pag gusto may paraan, pag ayaw may dahilan." Bulong ni Mama Bha sa likod ko. Facepalm. Shocks, narinig pala ako ni Mama Bha nung sinabi ko na sana ganyan din kami ni Ara.

Ginabi na kami kakalakad, kakapunta kung kanino-kaninong bahay. Kapagod sa paa, pero ansaya! May onting kirot lang kasi sana andito si Ara para naipakilala ko siya kay Mama Bha saka sa lahat. Aray! Sinong bumatok sakin!

"Hoy, kanina ka pa, ang pag-e-emote e nasa isip lang. ikaw lang ata ung tao na sinasabi ung iniisip." Pang-aasar sakin ni Mela.

"Oo nga, di na kailangan ng subtitle kasi naririnig naman namin kung ano iniisip mo. Don't worry, malamang gusto rin naman ni Ara na sumama, kaso di lang niya maiwan commitments niya sa work." dagdag ni Kim.

Wala ako sa mood makipag-asaran. Umismid nalangako at tumalikod. Matutulog na lang ako. Ayokong mahalata nilang medyo napahiyaako sa kagagahan ko. O baka naman pati eto e naririnig pa nila ha!

Happy (BARA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon