Azar

785 32 8
                                    

Kim's POV

"Ano ba Ara, magpagaan ka naman. Ang bigat mo e." reklamo ko kasi inaalalayan namin ang lasing na Ara pabalik ng villa.

"E kasi ba't ayaw mo pa magpasundo kay manong driver." reklamo ni Mela.

"Nakakahiya kasi, alas-tres na ng umaga oh." sabi ni Bang na tumutulong pag-akay kay Ara.

"Ikaw rin kasi Bang e, pinauwi mo agad kanina. Ayan, magbuhat ka diyan." sagot ko.

"Kaya ko naman e. Kayo nga tong dapat alalayan ko e." singit ni Ara.

"Naks, yan e, ganyan tayo e, di ka masabihan na wag nang tumagay sa mga atenista, tas magyayabang ka pa ngayon kahit di ka na makapaglakad mag-isa. Isumbong kaya kita kay ate jovy at ate rach. Sikmuraan kita diyan e." sagot ko.

"Kim!" sabay na sita sakin ni Bang at Mela. 

Sa wakas, andito na kami sa villa. Hiniga ko si Ara sa kama nila at lumabas na ng kwarto.

"Uy Kim! San ka pupunta?" tanong ni Bang.

"Matutulog!" sagot ko.

"E pano to?" tanong uli ni Bang.

"Gurl, ilang taon na naming inalagaan yan, it's your turn! Nyt gurl!" sagot ni Mela sabay labas ng pinto.

Bang's POV

"It's okay Bang, I can take care of myself." sabi ni Ara na pinipilit maglakad papuntang shower.

"Ara teka! sasama ako sayo!" sumunod ako sa shower.

"Hep! Really, no need. I'll just take a quick shower. I smell like shit." sabi ni Ara na sinara ung pinto pagpasok niya.

Pagkatapos ni Ara mag-shower at mag-bihis ay umupo siya sa couch na nasa loob ng bedroom at nakatulog.

Nag-shower na rin ako, tutal mukha naman siyang komportable sa pagkakaupo niya.

After ko mag-shower, kinalabit ko siya, "Ara, tara dun ka na sa kama mahiga para direcho na tulog mo." Pero di ito gumalaw. Mahimbing na ung tulog niya. Naghihilik pa, pero mahina lang. Sinubukan kong siyang kargahin ng payakap. Bahagya siyang nagising kaya magaan ko siyang nabuhat papuntang kama. Medyo nahirapan ako kasi mas matangkad at mabigat siya kesa sakin, "Ara magpagaan ka naman, kanina ka pa e."

Nadala ko siya papuntang kama, nakadapa siyang humiga. Pinatay ko na ang ilaw at tinabihan ko na siya sa kama. 

Pipikit na sana ako para matulog nang nagsalita si Ara. 

"Bang, pakamot ng likod ko." 

"Ara naman, antok nako" pero kahit pa umangal ako e kinamutan ko na rin ung likod niya. Nagpapalambing lang ata to.

Habang kinakamot ko likod niya, tuloy-tuloy ako ng daldal na sermon, "Sige na, itaas mo na ung shirt mo. Ikaw ha, napaka-spoiled mong bata ka. Di lahat ng gusto mo, makukuha mo. Di porque gusto mo magpakamot e kakamutan ka. Inaantok na ko, tas kung maka-demand ka. Di ibig sabihin na kahit patuloy kitang kinakamutan e ok satin to, na payag akong inaalipin mo ko ng ganito. Inaantok nako, pasalamat ka kinakamutan pa kita."

Biglang bumangon si Ara at hinalikan ako sa noo, "ok na, goodnight."

Bumalik siya sa pagkakadapa at tuluyan ng natulog.

Natulala ako. Kita mo to, puro pakilig lang. Magpapahalik naman ako kanina kaso malas lang talaga na sumuka ung kalaban namin sa body shots. Sana tinotoo na kasi. Hmp, makatulog na nga. 

Happy (BARA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon