Best Actress

582 21 3
                                    

Mela's POV

Kasama ko ngayon sa Grandia Van si Kim at Bang. Sinabihan kami ni Lolo na samahan si Ara. Gusto rin sana sumama ni Ate Rachelle kaso di pumayag si Ate Jovy kasi buntis nga si Ate Rach e baka matagtag sa biyahe.

Pupuntahan pa namin si Ara sa mansion nila sa QC.

"Gurl..." kalabit ko kay Bang. "Kagabi ka pa tahimik. Magsalita ka naman."

Smile lang sinagot sakin ni Bang.

"Basta bff ha, andito lang ako." pag-comfort ko kay Bang.

Dumating na kami ng QC.
Binuksan ni manong driver ung door ng van. Hindi na kami bumaba kasi nakita naming nagpapaalam na si Ara kay Happy. Nakaluhod si Ara kay Happy at nakayakap.

Pasakay na si Ara sa van nang lumipat ako sa bandang harap para tabihan si Kim, "Nog usog naman! Patabi naman jan para magkatabi sa likod si Ara at Bang."

Sumakay na ng van si Ara.
Nag-fist bump sila ni Kim.

"Hi Mela! Hi Bang!" bati ni Ara samin.

"Dito ka na" turo ni Bang sa tabing upuan niya. Pumasok na si Ara sa van at tumuloy na kami sa byahe papuntang Benguet.

Ara's POV

Three hours on our way to Benguet, inaantok na rin ako. Pagtingin ko sa harap, nakikipagkuwentuhan si Manong Driver sa pinasama ni Dad na Manong Security. Sila Kim at Mela, tulog na tulog.

Si Bang, nakapikit. Dahan-dahan kong kinuha ung ulo niya para ipatong sa balikat ko. Ung kaliwang kamay ko nakahawak sa pisngi ni Bang para di malaglag ung ulo niya. Nang nangawit ako, ipinatong ko kamay ko sa hita niya para makasandal parin siya sa balikat ko. Hindi na ako nakakibo ng yumakap siya sa braso ko.

After five hours, malapit na kami sa Baguio nang nagising si Bang.

"Hindi ka nakatulog?" tanong sakin ni Bang. Pero di pa rin niya tinatanggal ulo niya sa balikat ko.

"Ah eh, hindi ako antok e. Baka nagugutom kana? Mga 1hour pa bago tayo makaabot sa Benguet." sagot ko kay Bang.

"Nah, diretso na tayo sa Benguet para di tayo abutin ng gabi sa daan." sabi ni Bang na di pa rin kumakalas sa pagkakaangkla sa braso ko.

Tumuloy kami ng byahe hanggang sa narating namin ang hot spring at mountain resort ng Hacienda Maddayag.

Nung tinigil ni manong driver ung makina ng van, bigla akong kinabahan. Bumaba na sila Kim, Mela, at Bang. Kinuha na isa-isa ni manong security ung mga luggage namin. Huli akong lumabas. Parang ang hirap tumayo sa kinauupuan ko.

"It's gonna be okay. Best actress ata tong mga friendship mo." sabi ni Bang habang hila-hila ako pababa ng van.

May sumalubong samin na matangkad na babae. Mahaba buhok pero astig maglakad. Mas matangkad pa kesa samin kaya medyo nakatingala kami sa kanya.

"Hi, I'm Bea de Leon, Maddie's friend. Close friend. You must be Ara. Hi." sabay abot ng kamay para makipagkamay.

"These are my friends, my close friends. This is Mela, that's Kim, and this is eherm, Bang." sabi ko.

Siniko ako ni Mela. "Uhm, Bang, my fiance." dagdag ko.

"I see" sabi ni Bea. "Hi and welcome to the mountain resort. Maddie's unable to join you tonight, andun siya sa farm. We're expecting that she'll be here tomorrow. Come in. There's a party tonight, why don't you freshen up then come up the bar area? There's a band performing tonight. May ilang guests din si Maddie who's vacationing here."

Uy, wala raw si Maddie. Buti naman di ako bibiglain ngayon.

Pumunta na kami sa Villas. Two-bedroom villa ang naka-reserve samin. Pumasok na si Kim at Mela. Sumunod kami ni Bang. Umupo kami sa sala muna. Kasama namin si Bea hanggang sa pumasok. Sila manong driver at manong security ang nagpasok ng luggages namin. Pinalabas ko na rin sila agad para makapagpahinga sa villa nila sa kabila lang ng villa namin. Sabi ko hindi naman kami mga bata para bantayan ni manong security.

Happy (BARA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon