Idol

736 27 9
                                    

Bang's POV

Nasilaw ako sa sinag ng araw na pumasok sa bintana. Kinapa ko ang kama pero wala si Ara. 

May naamoy akong mabangong kape. Napabangon ako ng kama, at lumabas papuntang kusina.

"Uy, you're up so early! I haven't cooked ung tocino saka eggs. Pero nakapagsaing nko. Saglit lang luto lang ako. Naamoy mo ung kapeng Ifugao? Ambango noh?" bati sakin ni Ara.

Pagtingin ko sa relo, 6:30AM pa lang pala. "Tulungan na kita diyan, ano pang lulutuin?" Kinuha ko ung tocino saka eggs sa ref, "Aba, puno ref natin ah?"

"Namalengke kami nila manong driver kanina." sagot ni Ara.

Biglang sumigaw si manong security na nagla-laptop sa sala, "Ma'am Ara, eto na!" 

Tumakbo papuntang dining si manong security dala ang laptop, "Ay, Ma'am Bang, good morning po. Sorry nagulat ko ata kayo."

"Uhm Bang, sige ikaw na muna magluto. Tignan ko lang tong nasa laptop tas maghahain na ko." sabi ni Ara sakin.

Pinabalik ni Ara si manong security sa sala. Habang nagluluto, nakikita kong may tinitignan sila sa laptop. Hmm, ano kaya yun...

"Gurl, gutom na ko, matagal pa ba?" simangot ni Mela sabay upo sa dining table.

"Wait lang your majesty. Tulog pa si Kim? Siya lang ata ang igorot na tanghali gumising" sagot ko.

"Huy wag ka nga, baka maka-offend tayo ng igorot kapag i-compare natin sila kay Kim" sabay tawa kami ni Mela.

"Ara! Di  mo ba papasabayin dito si manong security? Tara kain ka muna bossing." alok ko kay manong security.

"Ahh, hindi na Bang, may pagkain sila sa kabila. Masarap mag-sangag si manong driver." sagot ni Bang. Pinaalis na ni Ara si manong security. 

"Ano meron? Anong pinag-usapan niyo?" sabat ni Kim na kakalabas lang ng kwarto, naghihikab. 

"Wala naman, may pina-set up lang ako. Si manong security e manong surveillance at manong intelligence na rin ngayon." seryosong sagot ni Ara. 

"Tara kain na tayo nang maaga tayo makapang-bwisit sa court, hehe" pag-iibang mood ni Ara. 

"Tayo pa ba! Sus kahit nga piko saka patintero e di natin papalampasin e! Bring it on!" sabay nakipag-fist bump si Kim kay Ara. Sinamahan na ni Kim at Ara si Mela sa dining. Si Mela na naghain ng mesa.

Kukunin ko sana ung tocino nang sabay naming nahawakan ni Ara ung plato, "Ako na" sabi ko. Tuluyan kong kinuha ung tocino at naglagay ng ulam sa plato ni Ara. "Eto rin itlog, favorite mo to: Over easy, soft scramble, saka with cheese" At naglagay din ako ng itlog sa plato ni Ara. 

Nakatingin samin  si Kim, "Ah Mela?"

"Kim, gutom ako. Wag ka ng sumpungin ng inggit at kumain ka na diyan mag-isa. Dalian mo at may game pa kayo." bara ni Mela.

"Sabi ko nga e. 'Tol paabot ng kanin." sabi ni Kim na nagpatuloy na lang kumain.

Saktong alas-nueve kami dumating sa covered court. Sumakay pa kami ng van pero un pala ay medyo malapit lang. Pagbaba namin ng van, nakatingin silang lahat samin. Lumapit si Bea, "Hi guys, just in time. Warm up muna tayo. Kulang pa ung kabilang team kaya maya maya pa tayo makakapag-start. You do play basketball, right?"

"Shooting guard laro namin ni Ara. Pero kaya rin niya mag-pow" sagot ni Kim.

"Good, come, let me introduce the guys." aya ni Bea sa bench ng mga atenista.

Pinakilala isa-isa ni Bea ung mga teammates namin. Sila din ung nasa bar kagabi. "This is Amy Ahomiro, Mitch Morente, Jho Maraguinot, Kim Gequillana, Marge Tejada, Ella deJesus, and Mae Tajima. We're all Maddie's friends from Ateneo. Yun naman mga makakalaban natin are our friends from the University of Cordilleras in Baguio City."

Happy (BARA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon