Day Off

611 20 9
                                    

Kim's POV

Haaay busog, sarap ng lunch. Makapag hugas na nga plato, bago pa ko maupo sa sala, baka tamarin nako pag mamaya ko pa gawin to e.

"Ako na diyan p're!" salo ni Ara sa hugasin.

"Ok" sabi ko. Mailigpit na nga lang ung hinubad ko para madala sa laundry.

"Ako na diyan Kim! Isabay ko sa labahin ni Ara. Pa-pick-up ko maya maya." sabay kinuha ni Bang ung mga labahin na hawak ko.

"O sige, medyo maasim yan ha, pinawisan ko kanina e. Thank u ha." Naks, nakalibre na naman ng gawain.

Dito nalang ako sa sofa muna uupo.

"Masahe? Sige halika higa ka dito sa hita ko para mai-facial massage kita." sabay hinila ako ni Mela para mapahiga sa hita niya.

"Kim! nai-download na kita ng 10 games sa android mo!" sigaw ni Ara galing sa dining.

"Kim! nai-ready ko na ung susuotin mong damit sa pool party mamayang gabi. Terno tayong apat!" sigaw ni Bang galing sa kwarto namin.

○_○

Nakakaparanoid naman. Bakit parang may kakaiba sa mga kaibigan ko ngayon.

Umupo na rin si Ara dito sa sala, "Bro, pina-ship ko na ung order nating rubber shoes. Nag-check ako online, next week daw arrival, yes!"

Pati si Bang nakiupo na rin dito sa sala, "Kim, ung cap na gusto mo, bihira kasi ung ganung design, baka mamaya maihanap na kita. I-o-order ko agad once mahanap kita ng ganung design, promise!"

Napabalikwas ako sa pagkakahiga ko, "sabihin niyo sakin! anong ginawa niyo sa mga kaibigan ko?!? asan sila?!? bakit di niyo ko wina-walanghiya! Ilabas niyo mga kaibigan ko!"

Tumabi sakin si Mela, "Chill... Exag ka naman, lika nga dito, kumalma ka. Kundi makakatikim ka" sabay siniko ni Bang si Mela para pigilin kung ano pang sasabihin.

Naka-kunot na noo ko kasi di ko talaga maintindihan kung ano nakain ng mga kaibigan ko.

Nagkakatinginan silang tatlo, mga nakangiti pero walang nagsasalita. Ako naman todo na ang kunot ng mukha ko. Pilit ko inaamoy anong pinaplano ng tatlong 'to.

"Kung walang aamin sa inyo, ibubulgar ko mga sikreto niyo!" pagbabanta ko.

--"Ikaw Ara, sasabihin ko kung sino ung niligawan mong artista na bumasted sayo!"
--"Ikaw Bang, sasabihin ko kung kanino ka patay na patay!"
--Ikaw Mela, sasabihin ko kung kanino ka pinakaiinis sa office!

"Sssshhh!" sabay-sabay nilang tatlo pagpigil sakin. Lahat sila nakahawak sakin at tinatakpan ang bibig ko.

"Pweh! Ang aalat ng kamay niyo!" pagkalas ko.

Unang nagsalita si Bang, "Kim, para sa pagsalo sakin tuwing wala si Ara..."

Sumunod si Ara, "Bro, para sa malalim na pagkakaibigan..."

Huli si Mela, "Para sa walang humpay na kulitan, asaran, at basagan; para sa walang sawang paninilbihan sakin ng walang hinihintay na kapalit; para sa walang patawad na pagpapasensya sa mga nagawa ko sayong mali; at para sa pag-aalaga mo sakin kahit pa mahirapan ka...

Nilabas ni Mela ang isang black box sa harap ni Kim, "Buksan mo"

Aba! May gift pala sila sakin! Sinira ko ang ribbon at dali-daling binuksan. Technomarine Watch!

"Wow thank you guys!" Sinuot ko agad ung watch. Naks bagay sakin ah!

"Bear huuug!" sigaw ni Mela.

Nung kumalas kami ni Mela sa bear hug, naiwan si Ara at Bang na magkayakap. Mga ilang seconds pa sila magkayakap.

"Eherm" sabi ni Mela.

"Honeymoon lang ang peg?" sabi ko.

Saka kumalas ng yakap si Bang at Ara. Namumutla si Bang, "uhm, tawag lang ako ng room service."
Si Ara, nilagay ang kamay sa bulsa, "uhm, ako magla-laptop lang saglit."

Umakbay ako kay Mela, "Kita mo ung dalawang un, alam naman namin na gusto nila ang isa't isa. Ewan bat parehong nato-torpe."

Siniko ako ni Mela, "ngayon lang day off mo ha! bukas, balik-alipin ka."

"Opo" sabay kamot ako ng ulo.

"Joke lang!" sabay hinalikan ako ni mela sa pisngi.

Yihee!

Happy (BARA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon