V-Party

745 27 6
                                    

Bang's POV

Nakasandal lang ako dito sa van kay Ara. Kinalabit ni Kim si Ara, "Ars, ok na, andyan na sila."

"Great!" sagot ni Ara.

Mukhang may niluluto na naman tong dalawa.

10:00pm na kami nakarating sa resort. Pagkapasok namin ng gate ng resort, sinabihan ng guard si manong driver na kanina pa raw pinapa-monitor kung nakarating na kami. Dumirecho kami sa villa kasi gusto ko mag-freshen up muna.

Binuksan ni manong security ung pintuan ng van. "Di ka sumama?" sabi ko sa kanya.

"May pinaasikaso lang si Ma'am Ara sakin." sagot ni manong security na may nakakalokong ngiti.

Papasok na kaming apat sa pinto ng villa namin nang nagsalita si Ara, "Bang, Mela, ah eh Kim and I called for reinforcements." tapos ay binuksan niya ang pinto.

"Tsumamiiiiii! Amandaaaa!" sigaw ko.

"Baldo! Denden!" sigaw naman ni Kim.

Niyakap ko si Tin at Amanda, tumili at tumalon-talon kaming tatlo.

"Thanks for coming ha?" sabi ni Ara sa kanila.

"Don't worry, we'll tame those juniors. We got your back!" sabi ni Alyssa, at nag-apir sila ni Denden.

"Bihis lang kami ha! Party mode na ko lalo na't andami natin!" sabay takbo si Mela sa kwarto.

Pinasundo pala sila ni Ara. Sabi din ni Kim na para di ako ganong ma-bully e pinasundo niya sila Ate Tin at Amanda, saka para na rin tulungang bumakod kasi may ilan daw na gustong makipag-kilala daw sakin.

After 20 minutes, bumaba na kami sa pool area para sa victory party.

Nagsigawan ung mga atenista nung dumating kami. Nakipag-high five sila kay Ara at Kim. Nagulat sila na andun sila Alyssa at Denden. Inaya nila ito na mag-join sa kanila, pumayag naman sila Alyssa kasi yun naman talaga ung plano nila Kim. Sila na bahala mag-penetrate at kumuha ng info.

Pinakilala ni Kim sila Tin at Amanda, pagkatapos ay umupo na kami sa kabilang table. Tumakbo naman si Mela sa buffet table para kumuha ng pika-pika. Si Kim, umOrder ng beer saka ladies drinks.

Hinila ako ni Amanda, "gurl parang gusto ko magbihis ng swimwear! Ba't kasi naka-summer dress ako. Pool party nga e."

"Tara sayaw na lang tayo!" aya ko kay Amanda and Tin. Tumayo kaming tatlo para sumayaw, "Let's enjoy and make this one epic dance party!" sabi ni Amanda. Nakisayaw na rin si Mela.

Sila Ara at Kim, andun pa rin sa mga atenista. Andaming nakikipag-usap at nagsasabing kung may MVP daw e si Ara daw yun. Kahit nasa malayo si Ara e nahuhuli kong nakatingin sakin. Se-senyas naman ako ng thumbs up sign to let her know that I'm fine and enjoying the party.

After more than an hour, marami rami na rin pala akong nakainom. Si Kim naman kasi, order ng order ng drinks. Balak ata talaga kaming lasingin. Kasama na namin silang dalawa ngayon sa table namin.

"Ara, restroom lang ako", sabi ko kay Ara.

"Samahan na kita, medyo mapungay na mata mo o", then tumayo si Ara at inalalayan ako sa bewang. Soft touch lang pero nakuryente ako. Kinuha niya ung kamay ko at nauna siys paglakad papuntang restroom.

Nakita kong nanlaki mata ni Tin at Amanda. Sinabihan sila ni Mela, "Chill lang girls, ia-update ko kayo!" Sumenyas sakin si Mela na bilisan na namin umalis para makapag-kwento na siya. Hay naku!

Pabalik na kami galing restroom, magkahawak pa rin kami ng kamay kasi medyo madulas ung sahig dahil sa tubig sa pool. May ilan rin kasing naliligo. Pinanindigan nilang pool party, adik.

Happy (BARA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon