Ella's POV
Pagkatapos naming mag ikot-ikot ni Alyz sa village ay naisipan ko ng umuwi.
"Welcome back, miss Ella" bungad sakin ni Noah.
"Naayos mo na ba ang lahat, Noah?"
"Yes miss, naayos ko na ang lahat at nakahanda na ang gamit niyo at isusuot na uniform"
"Good"
"Nandito ka na pala, mukhang ginabi ka ah" bigla naman akong napatingin kay Shin na kakababa palang ng hagdan.
"Yeah" tipid kong sagot.
"Sure ka na bang dito mag-aaral?"
"Yeah" pumunta naman ako ng kitchen para kumuha ng tubig.
"Kailangan mo ba talagang ituloy yang mga plano mo?" bigla akong nagtaka sa sinabi niya.
"Anong plano?"
"Your revenge thingy" kinuha naman niya ang tubig na iinumin ko sana at siya ang uminom. Tsk! Kapal talaga ng mukha nito! But wait, bakit alam niya ang tungkol sa plano ko?
"What do you mean? Hindi ko alam ang mga pinagsasabi mo sakin, Shin" inosente kong sabi sa kanya.
"uh huh, wag ka ng mag kunwari dyan you can't fool me" seryosong sabi nito.
"At paano mo naman nalaman aber?"
"Well, I'm your brother that's why I know everything" sabi nito sabay kindat sakin.
"Yeah right! Umalis ka na nga sa harapan ko at napapangitan ako sa mukha mo, alis!"
"Ako pangit? Kung alam mo lang ang daming nagkakandarapa sa mukhang 'to" sabi nito sabay pose.
"Whatever! Umalis ka na nga! Shoo! Alis!" pagtataboy ko sa kanya.
"Tsk! Kung ako sa'yo hindi ko na itutuloy ang plano na 'yan"
"Tss! Wala kang pake kung ano man ang gusto kong gawin! Buhay ko 'to at gagawin ko ang mga bagay na gusto ko kaya lumayas ka na sa harapan ko!" tinulak ko naman siya palabas ng kitchen.
"Fine!" naglakad na siya papunta sa hagdan pero bigla naman siyang tumigil at tumingin sakin. "May isang tanong nalang ako sa'yo"
"Ano naman 'yon?"
"Sa tingin mo ba kapag nagawa mo na yang revenge thingy na 'yan mababawasan yang sakit na naranasan mo noon? At higit sa lahat sa tingin mo ba pag nagawa mo na yan ay magiging masaya ka?" bigla naman akong napatigil sa sinabi ni Shin.
"O-oo naman! Magiging masaya lang ako kapag nakita kong nahihirapan ang mga taong nanakit sakin. Kaya wag ka ng makialam sa mga plano ko" matagal ko ng pinaghandaan ang araw na ito. Ang araw na hindi na ako ang masasaktan sa huli dahil sa kanila ko naman ipapadanas ang mga ginawa nila sakin.
---
Kinabukasan ay pumunta kami ni Alyz sa bahay ng isa pa naming kaibigan na si Elliot. Nang makapasok kami sa kwarto niya ay nakita namin siyang nagmumukmok sa isang tabi at may yakap-yakap na teddy bear."Good morning!" napatingin naman siya samin.
"Sino yan? Hindi ako tumatanggap ng bisita ngayon sa burol ko nalang kamo sila dumalaw!" sigaw nito samin. Aba taray ng lola mo!
"Hoy, Elly! Wag na wag mong itataboy ang ganda ko. Aba! Malas daw itaboy ang swerte" sabi ko sa kanya.
"L-Lhuis? Ikaw ba yan?" nakita ko namang medyo nahihirapan siyang makakita dahil namumugto ang mga mata nito at umiiyak din siya ngayon.
"I'm not Lhuis, she's already dead. Ang diyosang nasa harapan mo ngayon ay walang iba kundi si Ella"
"Tsk! Hindi ako na-inform na namatay pala si Lhuis" mataray nitong sabi.
BINABASA MO ANG
The Revenge of The Bitter Bitch! (Editing)
RomanceSi Mhickaella Ann Mendoza ay isang babaeng hindi naniniwala sa forever at happily ever after. Mula ng siya ay saktan at lokohin ng taong mahal niya sinumpa niyang hindi na siya iibig pang muli. Pagkatapos masaktan ay muli siyang nagbalik upang maghi...