Ella's POV
*Kriinngg!*
Tsk! It’s so noisy!
*Kriinngg!*
Bumangon ako at hinagis ang alarm clock ko sa labas ng bintana bago bumalik sa aking pagkakahiga.
I don’t care about that d*mn old alarm clock! I can buy many alarm clock as I want cause I’m rich!
*Knock* *Knock*
Hindi ko pinansin ang kumatok sa pintuan ng kwarto ko at natulog nalang muli.
*Knock* *Knock*
*Knock* *Knock*
“Anak ng tinokwa naman oh! Sino ba ‘yan!”
“It’s Xian, Miss Ella” sagot nito.
“What do you want?!” inis kong sigaw habang nakapikit parin ang aking mga mata.
“Umm, mal-late na po tayo sa school”
“Tsk! Hayaan mo na ‘yung school hindi naman siguro ‘yon tatakbo! Tsaka mo nalang ‘yan problemahin kapag may mga paa na ang school natin”
“But Miss Ella, kanina pa po naghihintay sa baba sila Miss Elliot at Alyzabeth” at ano namang ginagawa ng dalawang bruhang ‘yon sa pamamahay ko?!
“Hoy, Ella! Kapag hindi ka pa gumising diyan gigibain ko ‘tong pintuan ng kwarto mo!” rinig kong sigaw ni Elly mula sa labas.
“Then go! Walang napigil sa’yo, akala mo naman kaya niyang gibain!” masmakapal pa sa mukha niya ang pinto ko kaya di niya ito basta-basta magigiba.
“Okay, edi ir-recite ko nalang isa-isa ang mga pangalan ng mga ex mo including ‘yung mga memories mo kasama nila” napabangon naman ako bigla dahil sa sinabing ‘yon ni Alyz. “Ano babangon ka na diyan o-”
“Oo na! Oo na! Eto na babangon na!” mga istrobo naman ‘to ng beauty rest ko!
Wala na akong ibang nagawa kundi ang tumayo na at nag-ayos para sa school. Mas importante pa ba ang school na ‘yan kaysa sa kagandahan ko?
“After so many years, buti naman at naisipan mo pang lumabas ng kwarto mo!” mataray na bungad sakin ni Elly.
Inirapan ko lang ito. “Ano ba kasi ang ginagawa niyo sa pamamahay ng isang diyosa? Hindi niyo ba alam na trespassing ‘tong ginagawa niyo?!”
“Hala grabe siya! Trespassing pala ang tawag dun sa nagpaalam kami sa guard mo at pinapasok kami nito” angal ni Elly. Tsk! Sa susunod nga magpapaskil na ako ng mukha ng dalawang ‘to sa labas ng gate ng mansion ko na may nakalagay na wanted.
“We’re just making sure na ayos lang ang lagay ni Xian dito” sabi ni Alyz.
“Bakit nanay ka ba niya para tignan mo kung ayos lang siya? Atsaka hindi ba dapat sa akin kayo concern kasi hindi ko naman talaga kilala ‘yung taong pinatira ko dito sa mansion ko!”
“Mas nag-aalala kami kay Xian kaysa sa’yo, baka kasi mamaya kung ano na ang ginawa mo sa kawawang batang ito” sabi ni Elly at tinap ang ulo ni Xian na akala mo ay isa itong bata.
“So, anong pinapalabas niyo, na baka i-child abuse ko ‘yang butler ko?!” hindi naman ako nito mga pinansin.
“How are you Xian? Okay ka lang ba dito?” nag-aalalang tanong ni Alyz dito.
“Wala bang ginawa sa’yong masama si Ella? Hindi ka ba niya sinaktan or kinagat?” tanong pa ni Elly.
Aba! Mga impaktang ‘to! Anong akala nila sakin?! Lumapit ako sa kanilang dalawa at binatukan ang mga ito. “Aray naman!” daing ng mga ito.
BINABASA MO ANG
The Revenge of The Bitter Bitch! (Editing)
RomanceSi Mhickaella Ann Mendoza ay isang babaeng hindi naniniwala sa forever at happily ever after. Mula ng siya ay saktan at lokohin ng taong mahal niya sinumpa niyang hindi na siya iibig pang muli. Pagkatapos masaktan ay muli siyang nagbalik upang maghi...