Chapter 4: Missing Butler

79 13 0
                                    

Ella’s POV

“Noah!” tawag ko sa butler ko pero walang sumagot. “Noah!” Weird. Dati isang tawag ko lang sa kanya eh nandito na agad siya.

Lumabas naman ako ng kwarto ko at hinanap si Noah sa buong mansion but still there’s no sign of him.

“NOAH!”

“Ano ba 'yan! Ang aga-aga ang nag-iingay ka na agad. Seriously?! May balak ka bang basagin ang ear drums ko?” rekalmo ni Shin.

“Have you seen Noah?”

“Oh, Noah. He’s taking a vacation”  ah kaya pala wala siya dito kasi nagbabakasyon siya...

“WHAT?!”

“Hey, calm down. Gusto mo talaga akong mabingi?“ 

“Why would I calm down kung malalaman ko nalang na nagbakasyon ang butler ko ng hindi ko manlang alam!” inis kong sigaw sa kanya. “But wait, siguro ikaw ang may kasalanan kung bakit wala ngayon si Noah noh!”

“Why would I?” painosenteng sabi nito.

“Wag ka ng mag maang-maangan diyan dahil alam kong ikaw lang ang gagawa nito. It was your plan just to stop my revenge, am I right?!”

“Well, it’s not my problem anymore. Atsaka I think it's the right time for Noah to have a little vacation. Alam mo namang simula pa bata ka pinagsisilbihan ka na niya. Why not give him a break?”

“Pero mas kailangan ko siya ngayon!” kailangan ko siya para maging successful ang revenge ko.

“Para saan? Para sa revenge thingy mo? Lhuis your not a kid anymore” tumalikod na ito sakin, akala ko tuluyan na siyang aalis pero bigla itong tumigil at tumingin ulit sakin. “If you want to have your revenge that badly then go, I won’t stop you anymore. Wag mo nalang idamay si Noah. You’re old enough to make your own decisions and old enough take care it yourself!”

Pagkatapos niyang sabihin ‘yon ay tuluyan na siyang umalis sa harapan ko. “Aaarrrgghhh!!! I really hate you!!!” inis kong sigaw sa kanya.

Tsk! Paano ko na magagawa yung revenge ko? Kahit kailan talaga panira 'yan si Shin.

Tinawagan ko naman sila Elly at Alyz at sinabing i-meet ako sa mall dahil kailangan kong maglabas ng sama ng loob.

Nang makarating ako sa mall ay nakita ko yung dalawa na nakain ng ice cream.
“Problema mo? Parang pinag-sakluban ka ng langit at lupa” bungad sakin ni Elly ng makarating ako sa pwesto nila.

“Yung pesteng Shin kasi eh!”

“Oh, ano na naman bang ginawa ng kuya mo?” tanong ni Alyz.

Kinuwento ko naman sa kanila yung nangyari kanina. “Aaarrrgghh! Nakakainis talaga siya!” Paano na ang mga plano ko?

“Chill ka lang Ella sayang lang ang ganda. Atsaka don’t worry dahil makakahanap ka rin ng replacement ni Noah” sabi ni Elly. Tama siya sayang ang ganda ko kung sasayangin ko lang ang oras ko dun sa baliw kong kapatid.

“I don’t need a replacement ang gusto ko si Noah!”

“You know what Ella, I think your brother’s right. Noah needs a vacation” sabi ni Alyz.

“Yung totoo Alyz? Sinong kakampi mo si Shin o ako?” 'di makapaniwalang tanong ko dito.

“May point naman ang kuya mo eh. Alam naman nating simula pa bata ka si Noah na ang nag-aalaga sa'yo at gusto niyang makita kang palaging masaya. Pero do you think na magiging masaya si Noah kung gagamitin mo siya sa revenge mo? You know naman na masasaktan si Noah sa pinaggagagawa mo diba?” napatigil naman ako sa sinabi ni Alyz.

Actually may point siya, simula pa bata ako si Noah na ang nag-aalaga sakin para ko na rin nga siyang tinuturing na ama eh. “Saan naman ako makakahanap ng replacement?”

“Mamulot ka nalang sa kalsada” komento ni Elly.

“Yuck! Elly, seriously?! Ang dyosang ‘to mamumulot nalang ng kung sinu-sino sa kalsada? No way!” sayang lang ang beauty ko baka mamaya adik pa ang makuha ko.

“Buti nga tinutulungan ka eh” sabi pa nito.

“Kung hindi naman matino ang mga maitutulong mo then I don’t need your help” nirapan naman ako nito.

“Alam ko na kung sino!” bigla naman kaming napatingin kay Alyz.

“Sino?” sabay naming sabi.

“Sa ngayon secret muna kung sino”

“Wow ha! May pa suspense ka pa dyang nalalaman!” sabi ni Elly.

“Basta! Makikilala niyo din siya”

“Sino ba kasi ‘yan? Ang arte naman kasi eh ayaw pang sabihin” baka mamaya kung sino-sino lang ang pulutin ng bruhang ‘to.

“Wag kang atat Ella, makikilala mo din siya kaya kaunting tiis lang”

“Naku! Siguraduhin mong matino 'yan ah! Kapag hindi lang malilintikan ka sakin!”

“Oo promise matino siya” sabi nito.

“So, anong gagawin natin ngayon dito? Sayang lang naman ang beauty ko kung tatambay lang tayo dito noh” mataray na sabi ni Elly.

“Ano ka ba Elly, ano ba ang ginagawa ng mga tulad nating magaganda sa Mall edi magsho-shopping!”

Habang namimili kami ng mga dress ay may bigla akong naalala. “Elly, gusto mo bang makalimutwn ang ex mo?”

“Yeah” tipid nitong sabi.

“Madali lang naman ‘yan eh” napatigil naman siya sa pagpili ng dress at napatingin sakin.

“How?”

“Madali lang namang makalimot kung may iba kang pinagkakaabalahan at pinagtutuunan ng atensyon” nagtaka naman ito sa sinabi ko.

“What do you mean?”

Napangisi naman ako. “Well, may ipapagawa lang naman ako sa inyo ni Alyz"
****
A/N:

Hello! (๑˃̵ᴗ˂̵๑)

Thank you sa mga patuloy na nagbabasa ng story, Thank you very much! (๑• ₃ -๑)*♥

And sorry sa super duper late update, promise ko bibilisan ko na ang pagu-update (シ_ _)シ....

Votes and Comments are Highly Appreciated (๑•᎑<๑)

See you guys sa next chapter (/^▽^)/

Love lots! ٩(๑> ₃ <)۶♥

The Revenge of The Bitter Bitch! (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon