Chapter 6: New Butler

48 3 0
                                    

Ella's POV

“Hey, Alyz are you sure na matino 'yung butler na binibigay mo sakin?” I asked. Baka kasi mamaya kung saan-saan lang niya napulot 'yung magiging butler ko.

“Of course! Masipag at matalino ang butler na 'yon”

“Siguraduhin mo lang 'yan! Naku kung hindi lang kakalbuhin ko 'yang mahaba mong buhok!” pagbabanta ko sa kanya.

“Speaking of which where is he anyway?” inip na tanong ni Elly. Oo nga, nasaan na ba 'yon? Nakakatatlong kape na nga ata ako dito sa Starbucks eh!

“Malapit na daw siya eh... Wait! There he is!” tinuro naman ni Alyz yung lalaki na papalapit samin.

“Sorry I'm late may tinapos lang kasi ako sa part time job ko” paghingi nito ng paumanhin.

“Oh my, Fafa!” Elly blattered out.

Tinignan ko naman ito mula ulo hanggang paa. Elly's right, I must say na may itsura siya.

“Girls, this is John Xian Marquez ang magiging butler ni Ella” pakilala ni Alyz sa kanya.

“Hi! I'm Elliot, I'm single and ready to mingle!” malanding pakilala ni Elly.

“Hi, Miss Elliot”sabi nito at ngumiti, nakita ko namang may dimples ito sa left cheek niya. Halata mo namang kinilig si Elly. “Elliot nalang wag mo ng dagdagan ng Miss” sabi pa nito.

“*Ehem* Anyway, please have a seat Xian” tinuro naman ni Alyz 'yung upuan sa tabi niya.

“Alyz! Your so madaya! Bakit sa'yo siya tatabi?!” pagmamaktol nung bruhang si Elly. Gaga 'to! Kaka-break palang sa boyfriend niya lumalandi na agad!

“Manahimik ka Elly! Baka mamaya eh lapain mo pa 'tong si Xian!” suway ni Alyz dito. “Anyway, Xian this is Mhickaella Lhuis Ann Mendoza, siya 'yung sinasabi ko sa'yong magiging amo mo” pakilala sakin ni Alyz.

“Scratch that! It's Master, not amo. Ang baduy kaya pag amo!” aba! Sa ganda kong 'to? Dapat Master ang tawag niya sakin para bongga!

“Whatever! Siya ang magiging MASTER mo, hanggat hindi pa nakakabalik ang butler niyang si Noah from somewhere. Xian, sana naman pagpasensiyahan mo itong bruhang ito kung maging isang problema lang ito sa'yo. Sabihin mo lang sakin kung hindi mo na kayang maging butler niya dahil maiintindihan ko kung bakit, dahil alam na alam ko ang ugali niyang magiging MASTER mo. Kaya sabihin mo na sakin ngayon mismo habang maaga pa kung gusto mo pang ituloy ito” abang bruhang 'to! Pinagmukha pa akong masama!

“Excuse me lang Alyz ha, bakit parang sinisiraan mo ata ang ganda ko dito? Hindi ba niya alam na maswerte siya at magiging butler siya ng isang Ella Mendoza! Atsaka isa pa baka naman 'yang lalaking 'yan ang hindi katiwa-tiwala” aba baka naman mamaya  eh hindi nga 'yan adik kundi isang killer. Kawawa naman si mother earth dahil baka mawalan ng isang dyosa!

“Binabalaan ko lang naman siya. Atsaka anong tingin mo kay Xian? Drug pusher? For your information makadiyos 'to, baka nga mamaya masunog ka eh” aba! Ang bruhang 'to!

“Haha! Yah right! Isa ng demonyita 'yang si Ella” wow ha! Sumali pa 'tong si Elly, ghad! Minsan talaga napapa-isip nalang ako kung bakit kinaibigan ko pa 'tong mga 'to!

Magsasalita na sana si magandang ako kaya lang biglang nagsalita 'yung magiging butler ko. “Uhm, excuse me, I may not look like a butler to you, pero I will assure you na magagawa ko ang lahat ng ipag-uutos mo sakin Miss Ella. I assure you that I'm capable enough to be your butler” natahimik naman kami sa speech na 'yon ni Xian.

“Pak! Ganern!” natatawang sabi ni Elly.

“So?” tinignan naman ako ni Alyz at nginitian.

“Tss! Fine! You're hired” hindi naman ako ganun kasama noh. Pasalamat nalang siya dahil tinanggap siya ng isang diyosa!

“Thank you Miss Ella” halata mo namang natuwa si mokong sa sinabi ko.

“Yeah whatever, tara na at umalis na tayo dito, dahil naii-stress ang ganda ko sa dalawang bruhang 'to” sabi ko at inabot kay Xian 'yung Chanel bag ko.

“Ingat ka diyan Fafa Xian, nangangagat pa naman 'yan” natatawang sabi ni Elly, inirapan ko naman ito.

“Bye girls! Kailangan ng magpahinga ng diyosa!” sabi ko bago tuluyang umalis sa Starbucks.

Nang makarating kami sa kotse ko ay inabot ko sa bago kong butler 'yung car keys ko. “Do you know how to drive?” baka mamaya eh ibangga lang niya ako.

“Yes Ma’am” sagot nito.

“Don't call me Ma’am dahil hindi ako teacher. Call me Master!” I commanded.

“Yes Master” very good!

Pinasakay na niya ako sa kotse at sinimulan ng mag-drive papunta sa mansion ko. “By the way Xian, alam mo naman siguro na dito ka na din titira di ba?”

“Yes Master, I also brought my stuff here” he said.

“Okay, you're room will be next to mine, para mabilis kitang matatawag kapag may ipag-uutos ako sa'yo. Kaya ilagay mo na 'yung mga gamit mo doon” utos ko sa kanya.

“Masusunod po Master” paakyat na sana ito sa kwarto niya ngunit pinigilan ko ito. “Bakit po Master?” tanong nito.

“Paano mo pala nakilala si Alyzabeth?” maganda na 'yung nakakasigurado ako, baka kasi mamaya eh ngayun lang nakilala ni Alyz 'tong lalaking 'to.

“Matagal ko na pong kilala si Miss Alyzabeth, dahil naging seatmate ko siya at madalas ko din siyang nakakasama sa mga group study. Let’s just say we’re friends” paliwanag nito.

“Ah, okay, you may go” sabi ko dito.

Pumunta na ako sa kwarto ko at nilabas ang planner ko. Okay, now is the right time para ilista ang mga plano ko.

---

A/N:

Hi! \( ˆoˆ )/

Thanks for reading kahit na sobrang tagal kong magUd... Σ(°Δ° )!!(*˘˘*).。.:*♡

Votes and Comments are Highly Appreciated (⁎˃ᴗ˂⁎)

See you all sa  next chapter \( ˆoˆ )/

The Revenge of The Bitter Bitch! (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon