chapter 1
"API"
Author/address: Neil dos nylinoh /medicion 2-b Imus, cavite.
Cover concept: ilyn m. Baclagon
Panimula: Ang istoryang ito ay sariling kathang isip ng inyo pong author. Kaya kung maaari po sana ay huwag itong kopyahin of gayahin. Salamat po 😆
Simula ng kwento o istorya:
Author's pov
😉PAKKK!!!!! (isang sampal ang tumama sa mukha ni hirose jin.)
"kapag sinabi kong linisin mo ang sapatos ko.. Lilinisin mo... " (sigaw ng isang lalaki na hawak-hawak ang kwelyo ng damit ni hirose jin .)
"hahahaha.!" "Ayos yan boss para makilala ka niya kung sino ka dito?!!! Hindi ka yata kilala niyan ee." (sigaw ng mga alalay ng lalaki.)
"hindi mo ba ako kilala?."
"hi-hindi ho ee...😜. Sino po ba kayo.???. " (sagot ni hirose jin na nakakunot ang noo.)
"aba!!! Hindi ka kilala boss...?!." (sagot ng mga alalay kasabay ng pagtawa ng malakas.)
Sinikmuraan ng lalaki si hirose jin na nagpayuko dito. Dahil sa sakit ay napatingin si hirose jin sa lalaki.
"bakit??? Lalaban ka??."
"bakit sinabi ko bang lalaban ako." sagot ni hirose jin.
"aba! Sasagot pa."
"syempre nagtatanong ka ee, di sasagutin ko." sagot ulit ni hirose jin.
Nagtawanan ang mga tao sa paligid. Na para bang nasa comedy bar ang dating may palabas sa intablado. Pero kahit natatawa ang mga tao ay iba ang nararamdaman ni hirose jin. Dahil ang pakiramdam niya ay naaapi siya ng maigi.
Madaming tao sa paligid na nakakakita. May naaawa at meron ding nakikisang-ayon sa tinatawag nilang Boss. Walang nagawa si hirose jin kundi'y sumunod at manahimik. Palibhasa payat at hindi nakatapos ng pag-aaral. Mahirap lamang sila, at matagal ng patay ang kanyang ama. Kaya para makatulong sa kanyang ina ay kahit anong trabaho ay papasukin niya. Kahit pa kargador, janitor, taga hakot ng basura, tagalinis ng mga sapatos ng mga tao sa tabing kalye, at nagtitinda ng sigarilyo sa kalye.
Ganun ang pamumuhay ni hirose jin. Pero sino nga ba si hirose jin?Hirose Jin:
Gwapong lalaki kaya lang payat.
Singkit siya, syempre hindi bilugan ang mata.. Kaya nga Singkit ee. Oh,. Oh,. Kukontra pa toh..(x_•) hehehe.
Sabihin na nating katamtaman ang tangkad niya. Hindi siya maliit at hindi rin matangkad. Tama na yung simple lang.
Maputi siya at hindi maitim.. Maputi nga ee.. Kontra pa!!! hehehe* * * * * * * * *
Hirose jin's pov"Napalakas ang sampal ng kolokoy na yun ah.!!. kung hindi ko lang napigil ang sarili ko.. Naku!." sabi ng isip ko.
"Hindi Ka pala kilala nito boss.. Hindi yata alam na ikaw ang siga dito sa lugar na ito." sabi ng isang alalay ng boss.
"Hindi ko naman talaga kilala itong si boss ee, tsaka ngayon ko lang talaga kayo nakita.. Malay ko bang papalinis kayo ng sapatos kaya lumapit kayo."
"aba! Talagang sasagot pa itong tao na ito boss bibigyan ko na ito."
"ano ba yang ibibigay mo sa akin? Makakain ba yan? Tamang tama at nagugutom na ako."
"hahahaha... Ano raw ibibigay? Bigyan mo na ng isang sipa." sabi ng mga alalay ni boss kasabay ng isang sipa.
Napaatras ako sa pagkatama sa tiyan ng isang sipa na talaga namang namilipit ako sa sakit.
"ano?!! Tayo!!! Malambot pala ito ee. Isang sipa lang tumatalsik... Ahahahahaha." sabi ng boss ng mga alalay.
"mula ngayon tandaan mo ang pangalang "totoy golem". ang hari ng Manila... Siga sa lugar na ito." sabi ng isang alalay.
"titiklop na iyan kapag makikita ka boss. Tignan mo at parang asong namimilipit sa sakit..."
"Hala tumayo ka't linisin mo ang sapatos ko..hahaha." sabi ni totoy golem.
Wala akong nagawa kundi linisin ang sapatos niya. Pinakintab ko ng maigi. Hanggang sa napansin kong naging pula ang isang sapatos ni totoy golem. Samantalang parehong kulay puti ito kanina. Naalaala ko nga pala kaninang umaga nag-floor wax ako sa bahay at ang basahang pinampunas ko ay itong gamit ko sa sapatos ni totoy golem.
"Naku po!! Yari...! Kapag nakita ni totoy golem na magkaiba ang kulay ng sapatos niya gulpi sarado ako nito." sabi ng isip ko.
Mabuti na lang at hindi nakikita ni totoy golem. Kasi busy ito kakakwento sa mga alalay niya. At habang nagkukwento ay nagsisigarilyo ito na parang tambutso ng jeep. Habang busy sila sa kwentuhan ay nagmadali akong nagligpit ng gamit tsaka nagmadali akong umalis palayo.
Habang papalayo ako ay naririnig ko pa ang tawanan at kwentuhan nila."boss, lupit ng ginawa mo dun sa isang dalaga sa bar ah, nilagyan mo ng ice ang ulo. hahaha.. gininaw tuloy..hahaha.." sabi ng isang alalay ni golem.
Sa isip-isip ko buti na lang nakaalis ako dun. Kung hindi gulpi ako sa magkaibang sapatos na kulay ni golem.
Dumiretso na lang muna ako sa bahay para makaiwas sa galit ni golem. Tiyak na Tiyak ang galit nun kapag nakita niyang kulay puti at pula ang sapatos niya.
* * * * * * * *
Golem's pov"o, saan na ang taga linis ko ng sapatos? Hindi nagpaalam yun ah.. buti na lang tapos na ang paglilinis niya.."
Nang tinignan ko ang sapatos ko ay laking gulat ko ng magkaiba ang kulay nito.
"aba! Boss??? Ayos ang suot mong sapatos aa, di-colores...hahahaha ". sabi kong alalay.
Nagtawanan at hagikgikan sa kalye. Tinawanan nila ang sapatos ko. Namimilipit na sila sa kakatawa kaya tinawag ko ang isang alalay na nagsabi ng DE colores.
"hoy!!! Halika nga...lakas mong tumawa ha. Ang tawa mo pa ay rinig buong baranggay."
"bakit boss???. " sabi ng alalay ko na papikit pikit pa.
"DE colores kamo??? Ito tanggapin mo ang sampal ko at magiging DE colores yang pisngi mo. "
"PAKKK!!!!". Halos matanggal ang pisngi ng alalay ko.
Tawanan ng malakas sa kalye. Halos kantyawan ang nangyari.
"hanapin niyo ang lalaking naglinis ng sapatos ko... Hindi bagay sa tuxedo kong suot... Puti pa naman ito.. "
"opo boss.. Ngayon din hahanapin kaagad.."
"Kung maaari hanapin niyo siya sa buong manila.. Hanapin niyo... Huwag kayong babalik hanggat hindi niyo makikita. "
Umalis ang mga alalay ko ng madalian. Sa ganda ng suot ko magkaiba ang kulay ng sapatos ko. Ngayon lang ito nangyari sa akin tiyak pagtatawanan ako ng mga tao.
(end of chapter 1, watch out for chapter 2 on next update.)
(comment, vote, & follow neil dos)
![](https://img.wattpad.com/cover/62590284-288-k72296.jpg)
BINABASA MO ANG
Like a boss
RandomAng paghihigante sa mga nang-aapi ang nasa isip ni hirose jin. Pero may magagawa ba ang paghihigante kapag pag-ibig na ang humarang kay hirose? Ano ang magagawa ng paghihigante ni hirose kapag nakilala niya si Erica? Madadaig ba ng isang pag-ibig an...