Chapter 8: Cyl-- Unique

2.9K 43 1
                                    

The same morning

Nagising ako ng tumunog ang phone ko, kinuha ko ito at binasa (text lang pala). Umupo ako para mabasa ito ng maayos. Si Franz lang pala, tinatanong kung asan ba daw ako kagabi. Friday kasi kahapon kaya it means party na naman sa bar, hindi na kasi ako nagpupunta sa bar, dahil nae-excite akong uuwi araw-araw. Napatingin ako sa oras, tanghali na pala? Tumayo na ako para magtoothbrush at maligo na rin. Nagbihis na ako, nagsuot ng plain black shirt at white khaki shorts at lumabas,  kumatok ako sa katabi kong kwarto which is kay Thia. Kuma-katok lang ako, pero hindi parin sumasagot.

“Matakaw ‘yan sa tulog! Halika sa baba at kumain na.” sabi ng Ate niya, I think? Tumango lang ako  at sumunod na. Hinatid niya ako sa dining room, naabutan ko ang mga magulang ni Thia, naiilang tuloy ako.

“Iho, umupo ka.” Sinunod ko naman siya, kumain or should I say pinakain ako nila. Ang sarap ng luto ng Mama niya(alam ko no?kwento ng mama niya), I bet masarap din magluto si Thia or not? Eh cup noodles lang ang kinakain nun eh. Tatlo kaming kumakain, bale ako sa kabila ng mesa kaharap ko ang Mama – este ang mama ni Thia. In between namin ay yung dad niya. I should say na parang ang babata pa ng mga ito, I think mga mid-40’s pa ang mga ito, pero looks could be deceiving, very deceiving.

“So.. son? You’re a Ramos? How are you related to Albert Ramos?” ang sikat ng papa ko ah? Anung Albert!? ‘Alberto’ kamo!

“He’s my father, Sir” tumango-tango lang siya.

“Ahh, In fact he’s my college friend and son drop the ‘sir’, it’s too formal.” Yun oh, ayos lang pa la! Madali-dali lang, may ‘son’ nga na eh. Nagkwentuhan lang kami about business matter, field of expertise ko yata ‘yun. Nag-enjoy lang ako sa mga kwento niya nung college days nila ng Dad ko.

“What about you and my daughter?” Ano ang isasagot ko? Mag-kaibigan lang kami, pa lang. PA?

THIA’S POV

Nagising ako bandang lunch, I did my morning routine (tanghali na kaya). Nagsuot ako ng tshirt at denim shorts hindi na ako nag-suklay. I check my phone, if mayroon bang text o tawag, nag-text si Stephanie na kailan ba daw ako uuwi, ‘yun din ang text ng iba ko pang mga kaibigan. Nag-reply lang ako sa kanila with that bumaba na ako patungong dining room, gutom na kasi ako. Naabutan ko ang mga magulang ko with Cyl, nagtatawanan. Close na agad sila? Papalapit ako ng I overhear my father (eavesdropper?).

“What about you and my daughter?” mabilis akong lumakad papunta sa kanila. E-eksena ako eh. Grand entrance ko!

“What about me?” napatigil sila. Ok? Umupo nalang ako sa tabi ni Cyl at kumain. Maya-maya nagkwentuhan na naman sila, parang wala ako dito ah? Hindi na ako nakinig sa mga pinag-usapan nila dahil nagco-consentrate ako sa pagkain ko. Nagpaalam na sila Mama at Tatay dahil tinawag na sila para simulan ang palaro. Ganito talaga palagi ang birthday ni Tatay, I think mga two or three days ang celebration (it depends). Last year tumakas ako dahil, wala trip ko lang mag-rebelde? Biglang may nag-snap ng fingers sa muhka ko.

“Oh? Nga pala sabihin mo lang sakin kong nabo-bored ka ha?” sabi ko sa kanya, aba’y isang malawak na ngiti ang natanggap ko, hindi ko kailangan ng ngiti mo! Psh. “Dahil uuwi tayo! Kung anu-ano pang iniisip.”

“Ang saya kaya dito! Nga pala why did you call me ‘Cyl’? instead of Enzo?” Napakunot nalang ang noo ko sa inasta niya,he’s teasing me.

“Para unique?” Napailing-iling lang siya sa sinabi ko, na parang hindi siya naniniwala. Natapos na akong kumain, siya kanina pa tapos pero hinintay talaga ako. Nagliligpit ako ng mga pinagkainan namin.

“Tulungan na kita.” Tumango nalang ako para mapabilis ang trabaho. Hinugasan ko na ang mga pinggan at tinulungan naman niya ako. Tahimik lang kaming naghuhugas.

The Heart Doctor ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon