Chapter 6: H2O Needed

3.5K 44 2
                                    

ENZO’S POV

Talagang mainit na tubig? Sa dinami-daming bagay ay tubig? Bakit mainit? ‘Ang hot niya kasi sa kanyang suot?’ Sh*t I did not just say that! Ahh.. Erase,erase. Actually, nandito ako para lang makita siya? Feeling ko kasi ilang years na di ko na siya nakita. Pero I got a weird feeling about her favor.

Nagpuppy-eyes pah.Shete lang, “I’ll be leaving.” what? Saan siya pupunta? “CAN YOU TAKE CARE OF MY DOG?” what the—ASO? I will take care of you, but not the dog! Ayy takte! Ang bading nun, san galing yun? Hindi ako mahilig sa hayop lalong-lalo na sa aso,baka maya’t-maya kagatin ako.

“Please?please?” kung di ako papayag, hays, Teka san ba ‘to pupunta? “Teka nga! Saan ka ba pupunta?” Anong gagawin ko ngayon, baka ano pang mangyari sa unit ko pag-nandun ‘tong pahamak na asong ‘to.

“Dyan lang, sa tabi-tabi. Ano papayag ka ba o papayag?”

“Sige, sige!” Nagbigay pa ng option eh parihas lang naman. Kung di lang kita kapitbahay at ka-ibigan—!Pero parang unfair yata yun sa side ko.

“Thank you.” Agad-agad niya akong tinulak patungong pinto para palabasin. Ang harsh ng babaeng to.

“Ako dihado diyan eh, Kailangang may kapalit.”

“Yeah,yeah, if babalik pa ako.Ihahatid ko nalang si Saint sayo bukas bye~”sabi niya at pinagsarhan na ako ng pinto.

Nagising ako dahil sa tunog ng doorbell.Ahh, Come on!! Natutulog tong tao, nambubulabog.Kung makapag-doorbell kala mo ngayon lang nakapindot.Dinampot ko ang katabi kong unan at ipinatong ko sa ulo ko para matulog ulit. Sh*t lang, pindot ng pindot sa doorbell .Di ba talaga susuko? Bumangon ako ng nakapikit ang mata patungong pintuan.

“Morning! Oh, ito ang mga pagkain niya.Thank you! Bye~ Saint. “ pagbukas ko ng pintuan yan ang mga salitang nasalubong ko. Hindi na ako nakapagsalita dahil umalis agad siya ng wala man lang goodbye k—este goodbye sa akin?. Darn, kay aga-aga ‘yun agad ang naiisip ko. Binaling ko ang aking atensyon sa pahamak na aso.Teka? Uuwi naman yun diba? Sinara ko na ang pinto at dinala ang aso sa balcony at itinali sa railings. Baka tumalon?Aish, bahala na nga. Bumalik ako sa kwarto ko at natulog ulit.

Nagising ako ng mga bandang hapon, naligo at nagbihis. Lumabas ako ng kwarto ko at tumambad sa akin ang pagkagulong-gulong sala. Ang aking pinakamamahal na leather sofa na may kalmot ng hayop. Napatulala na talaga ako, parang dinaanan ng bagyo ang unit ko. Who could do such thing? Then it hit me. Ang pahamak na aso lang naman ang may gawa, lagot talaga sa akin ang amo ng asong ‘to.

“BULLSH*T!” ang salitang lumabas sa bibig ko. That’s why I hate animals! I cursed again and again because to control my anger. Tumawag agad ako ng mga professional cleaner para linisin ang kalat nitong pahamak na asong ‘to. Mabilis pa sa alas kuatro ay dumating na ang tagalinis, pinabayaan ko nalang sila ng matapos sila biglang dumating si Franz.

“Yo! Anong nangyari dito?”

“Pahamak na aso.”

“Bakit may aso ka? Asa na?” luminga-linga siya sa paligid para mahanap yung aso. Pinabayaan ko nalang siya, pumunta ako sa kusina para magluto ng pagkain. Pagkatapos kong magluto agad akong kumain, may naririnig akong tumatakbo patungong kusina. Si Franz lang pala kasama ang pahamak na aso, tuwang-tuwa pa nga ang gago. Dumiretso sa ref para kumuha ng maiinom, parang bahay niya kung maka-asta. At home na home lang.

“Ba’t nandito si Saint?” tanong niya tapos uminom. Kumunot ang noo ko sa tanong niya sa akin, sinong Saint ang tinutukoy niya? Ako lang mag-isa dito nakalimutan niya ba?

“Sino yun?”sabi ko sa kanya, tinuro niya lang ang pahamak na aso. Saint? Bakit niya ito kilala?

“Owner nito si Thia KO diba?” pinagdiinan talaga ang ‘KO’?o di sa kanya na. Manghuhula talaga tong gagong to. Nasagot niya ang tanong ko. Teka nga? Ganun ba talaga sila ka-close nung Ferrer nayun?Pati aso niya alam ng gagung ‘to. Gusto ko pa sanang tanungin siya pero pinigilan ko ang sarili, dahil baka kung anu-ano pa ang sabihin ng gagong to. Sobrang lakas ng pakiramdam, ano siya psychic?

The Heart Doctor ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon