☆ Chapter 35 (Second Half) ☆

8.8K 238 28
                                    

◑ Aldrich point of view ◐

Nakaupo ako sa pinaka harap ng mga taong isa-isang nagdadatingan at nag-uupuan sa mga upuan sa harapan ko. Para bang nasa isang conference room ako at may malaking monitor na nasa aking likuran. Nakita ko ang pagpasok ni Dad na todo ang ngiti. Kasama niya ang may matataas na position sa mafia pati ang gang na sumanib sa mafia. Hindi ako mapakali sa inuupuan ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Wala akong alam sa mangyayari sa meeting na ito.

"Dito ka na lang manood sa laptop baka mahirapan kang tingnan ang monitor sa likod." sabi ni Hiroki na may nilapag na laptop sa mesa ko. May ikinabit-kabit siya sa laptop na hindi ko alam kung ano.

"Ano ba ang meeting na ito?" tanong ko na medyo pabulong.

"Pinagplanuhan itong mabuti ni Euphy. Para malaman mo ang katotohanan Aldrich. Kailangan mo ito." makahulugang sabi niya na may isinuot na device sa kanang tainga ko.

Naalala ko bigla si Euphy nung may inilagay din siya sa tainga ko na device. Bigla tuloy akong kinabahan sa device na iyon dahil baka may mangyari na naman.

"Plano?" takang tanong ko.

"Oo, kaya nga ako nandito dahil kasama ako sa plano ni Euphy." ngumiti siya sa akin.

"Hindi ka ba galit sa akin na binaril ko si Euphy? Na pinatay ko siya?" tanong ko na may pagtataka. Hindi ko iyon natanong sa kanya kanina kaya naman gusto kong malaman ang iniisip niya.

Tulad nila Travis at Sharisse ay wala rin itong sinabi sa akin. Hindi ko tuloy maintindihan silang tatlo.

Tumawa siya at tinapik ang kanang balikat ko. "Lahat ng ginagawa ni Euphy ay may dahilan. At ang pagbaril mo sa kanya ay isa sa mga plano niya. Kung hindi mo ginawa iyon ay hindi magkakaroon ng meeting. At hindi maglalabasan at magpapakita dito ang huling mafia na hindi pa napapabagsak ni Euphy." makahulugang sabi niya.

Lahat ng ginagawa ni Euphy ay may dahilan? Lahat ng ito ay ginagawa niya para malaman ko ang totoo? Pero bakit kailangan niyang gawin iyon?

"Kasama sa plano niya ang pagbaril ko sa kanya?" tanong ko.

"Kailangan mayroon magsakripisyo para sa ikakabuti ng lahat. 'Yan ang madalas sabihin ni Euphy kaya siya nagsakripisyo. Iniwan niya ang trono niya bilang susunod na reyna ng Britannian Empire. Para pabagsakin lahat ng mafia at gangs sa buong mundo. Ang pilipinas na lang ang huling bansa na may mga gang at mafia." sagot niya. "Sa dami ng lalaking gustong bumihag ng puso niya. Napaka suwerte mo Aldrich na ikaw ang pinili at minahal niya." pagkasabi niya non ay bigla na lang siyang umalis sa tabi ko.

Napanganga ako dahil sa sinabi ni Hiroki. May pumatak na luha sa pisngi ko na nanggaling sa mata ko. Parang may kumirot sa puso ko sa sinabi niya. Parang nadurog ang puso ko sa madalas daw sabihin ni Euphy.

Kailangan mayroon magsakripisyo para sa ikakabuti ng lahat? Ibig bang sabihin ba nito wala na siya? Sinakripisyo niya ang buhay niya para sa ikakabuti ng lahat? Pero sabi ni Sharisse, buhay pa siya.

"Ngayon na nandito na ang lahat ay mag-uumpisa na tayo." boses ni Hiroki ang narinig ko.

Nakita kong sumirado ang pinto ng conference room at medyo dumilim ng kaunti. Bumukas ang monitor sa likod ko at may nakita akong puti lang sa laptop ko.

"Let's start the meeting." sabi ni Hiroki.

"Hello sa lahat. Alam ko na nagtataka kayo kung bakit ako ng video ng ganito. Alam kong nakarating na sa inyo ang message ko pero nais ko muling ulitin ito."

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Si Euphy ang nakikita ko sa laptop maging ng lingunin ko ang malaking monitor ay si Euphy din. Nasa study room siya ng bahay niya habang hawak-hawak ang paborito niyang ballpen. At kulay violet ang mata niya. Kitang-kita ito dahil sa linaw ng pagkakavideo.

She's The GANGSTER I Love [Published Book] #Wattys2016WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon