nakita kong may lalaki na nakatayo at lamig na lamig nilapitan ko naman sya , binuksan ko yung gate tsaka hinarap sya"anu bang ginagawa mo dito ? " tanung ko pero hindi sya sumasagot
"halika doon tayo sa loob mababasa ka lalo eh" hihilain ko sana syapero ako yung nahila sakanya tsaka niyakap ko, anu bang ginagawa nya ?
aalisin ko sana yung pagkakayakap nya pero mas hinigpitan nya nahihibang na ba ang taong to"hayaan mo muna ako " bulong nya saken ilang minuto din kameng ganon pero napansin kong sobrang basa na namen kaya kumalas na ako sa yakap
"halika nga dito" hinila ko na sya sa loob ng bahay
nagpatuyo kame, pinahiram ko naman sya ng damit ni papa nakita ko sya sa sala na nagpupunas ng buhok
napansin ko din malaki yung suot nyang damit natawa na lang ako
"bakit mo ko tinatawanan ?" napahinto na lang ako napansin nya ako nagpunas na lang ako ng buhok
"ahh kasi ..."
"naku bakit kasi biglang ..." napatingin kame parehas sa pinto ng makita namen si mama
"si-sino to tinie ?" napalapit ako kay mama"kasi ma---"
"hello po, ako po si shone michael de vera" bigla nyang singit
nasa kusina kame ngayon at nakatingin samen si mama magkatabi kameng nakaupo ni shone nasa harap naman namen si mama
ngayon ko lang sya nakita na ganyan si mama kala mo may gyera na gaganapin dito sa bahay
"anak, bakit ?" panimula ni mama
"po ?" bakit nga ba ?
"bakit ... bakit pa sa bahay naten nyo ginawa ?" maiiyak na sabi ni mama
huh ? anung ibig sabihin ni mama ? hindi ko sya maintindihan binigyan ko na lang sya ng tingin n nagtatanung
"anak, at bakit pagtapos nyong gawin yun pinahiram mo pa ang damit ng papa mo" tinignan ko si shone na tahimik lang
"mama ang alin po ba ?" medyo bulong ko kay mama
"ang one night stand " napaubo si shone napatayo naman
"mama ? anung pinagsasabi mo ? nabasa lang sya sa ulan kaya pinapasok ko sya"
"ahh ganun ba ?" sabi ko at tumango tango pa
"pero walang nangyare ?" tanung nya uli"ma!! wala po" pasigaw ko na sabi
**********
nakasubsob sa lamesa yung mukha ko dahil pag naiisip ko yung nangyare kagabi haist anu ba nangyayare sinabayan pa ata ng sakit ng pakiramdam ngayon
"kristine, ayus ka lang ?" tanung ni dang, bigla nya naman kinapa yung noo ko
"kristine nilalagnat ko" narinig kong nagsitayuan yung mga kaklase ko"tinie, tinie " naririnig ko na lang at parang inaantok ako
Dang's POV
hindi na ko magpapakilala kilala nyo naman na ako eh
napansin ko na parang ang tamlay ni kristine kaya hinarap ko sya"kristine, ayus ka lang" tanung ko pero hindi sya sumasagot
kinapa ko na yung noo nya baka kung anu na nangyare dito
"kristine nilalagnat ka"napatingin na din ako sa mga kaklase kong biglang magsitayuan at unang lumapit si top
"tinie, tinie" alog nya kay kristine, tinie ? may endearment sila ? ng hindi sumasagot si kristine binuhat na nya
"dadalhin ko sya sa clinic sabihin mo sa mga teacher naten ah" umalis na sya buhat buhat si kristine"grabe ang swerte naman nya"
"oo nga eh"
naririnig kong usapan sa paligid, ngayon lang kasi nila nakita na magkaganyan si top lalo na sa babae
bigla naman pumasok si shone"anung nangyare doon ?" nagtatakang tanung nya
"ahh si kristine kasi nilalagnat kaya dinala nya sa clinic"
"si kristine ?" nanlaking mata nya tsaka tumakbong sumunod teka ? anung nangyayare sakanila ?
Shone's POV
"anung nangyare doon ?" tanung ko kay dang napansin kong wala si kristine pero nandito yung bag nya
"ahh si kristine kasi nilalagnat kaya dinala nya sa clinic"
"si kristine ?" nanlaki yung mata ko kaya lumabas agad ako ng room tsaka sinundan sila
bakit nilagnat sya ? hindi kaya dahil kagabi ? nakita kong kapapasok lang nila ng clinic agad din naman akong pumasok saktong nilapag ni top si kristine
"kristine, kristine" tawag ko sakanya
"lumayo kanga dito" sabi nya tsaka tinulak ako
"at bakit ?" reklamo ko
"kung hindi dahil sayo hindi mangyayare sakanya yan ?" sigaw nya
"lumabas muna kayo" sabi ng doctor sa clinic
lumabas naman kame ng makalabas na kame napaupo na lang ako ng bigla akong suntukin ni top
-------------
