SA IYONG KAARAWAN

2.7K 42 3
                                    

SA 'YONG KAARAWAN

BY: Randy B. Bataanon

Pinkamamahal sa 'yong kaarawan

Hangad ko'y ligaya ang iyong makamtan

Mga pagpapala tuwa't kalusugan

Ang Kanyang biyaya nawa'y masumpungan

Ang Gitnang Silanga'y di ko man lakbayin

Sa ala-ala ko'y lagi kang kapiling

Dagat man at bundok ang pagitan natin

Ngunit sa puso ko'y malapit ka parin

Kung sa dugo't pawis yama'y matagpuan

Kung mga pangarap sa lupa'y matikman

Ngunit kung ang puso sayo'y laging uhaw

Ano pang halagang sa mundo'y mabuhay

Tanging ala-alang nagbibigay lakas

Pangako mong ikaw ay magiging tapat

Tanging larawan mo ang laging kausap

Sa 'yong paglalambing laging nangangarap

Pintig ng Puso mo'y kaylan maririnig

Masayang halakhak at masuyong tinig

Sa matang mapungay mailap na titig

Sa lahat ng ikaw ako'y nasasabik

Malusog maputi at kaakit-akit

Malinis maganda magilas ang tindig

Malambot mabango makinis ang kutis

Siya'y ang mahal kong pinaka-iibig

Higpit ng yakap mo'y laging hinahanap

Tamis ng ngiti mo sa aki'y bumihag

'Sang libong ligaya ang iyong katumbas

Sa piling mo ako'y may ligayat galak

Tingin sa malayo at buntong-hininga

Ang nagpapagising saking ala-ala

Ang mahal ko'y tulad ng isang pantasya

Na sa panaginip ko lang nakikita

Ang lamig ng gabi'y laging nangungutya

Sa tigang na lupang uhaw sa kalinga

Ang binhing naluoy may buhay pa kaya

Kung hindi madilig sa patak ng luha

Ang tanging handog ko sa 'yong kaarawan

Isang pusong tapat laging naghihintay

Kung malayo ka man laging tatandaan

Sa buhay koy laging ang mahal koy ikaw

UNFORGETABLE MEMORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon