BANGON PILIPINAS

1K 51 4
                                    

BANGON PILIPINAS (pusong pinoy)

By: Randy Bataanon

Ang patak ng luhay hindi mapigilan

Sa mga balitang aming napagmasdan

Sa bagyong sinapit ng mahal kong bayan

Hindi na mawaglit sa aking isipan

Sa ibayong dagat na kinalalagyan

Ang mga naganap aming nasaksihan

Mga kapamilya kapusot kaybigan

Ang daing ng bayan aming naramdaman

Bawat kabahayang nalubog sa baha

Ang bawat bukiring winasak ng sumpa

Ang bawat sikmurang gutom sa kalinga

Daing ng ulila paano na kaya?

Hindi pa naka ahon ay muling hinampas

Sa lakas ng bagyo'y hindi naka ligtas

Gumuho ang lupa kay daming nawasak

Tumaas ang tubig buhay ay napitas

Malalayong bansay hindi naka tiis

Dumugo ang puso sa ating sinapit

Ang bayang nalugmok sa bawat hagupit

Paano babangon, saan pa kakapit?

Ano kayang gamot na magpapa ampat

Sa sugat ng bayang pilay na at bagsak

Sa naghihingalo, lugmok na sa hirap

Manhid na sa gutom pag-asay naagnas

Kung ang aking bayay magpapakumbaba

At kung hahanapin ang banal na mukha

Kung mananalangin, magsisising kusa

Daing ay diringging ng Dyos na may awa

Bangon Pilipinas bayang minamahal

Bangon kababayan sa pagkakabuwal

Ipunin ang lakas sa tulong ng Dasal

Hindi natutulog ang Dyos na Maykapal

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2009 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNFORGETABLE MEMORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon