I

1.8K 78 83
                                    

"Hi doc." Nakangiting bati sa kanya ng kapwa doktor habang naglalakad ito patungong sasakyan.

Nasa parking space sila ng university na kanilang pinagtuturuan. Kasalukuyang nakasandal si Kristin sa pinto ng driver's seat ng kanyang Volvo habang humihithit ng sigarilyo.

"Diretso ka na bang hospi? If you have time, coffee muna tayo sa labas?" Alok nito na nananatiling nakatayo lang din sa tapat ng sariling sasakyan.

Humithit si Kristin sa sigarilyo at saka rin ibinuga ang usok nang hindi inaalis ang tingin sa ginoo. Bigla siyang napangiti. "Do you like me Dr. Ynzon?"

Tuluyan siyang nilapitan ng lalaki at huminto ito sa tapat niya. "What if I say yes?" Mahinang saad nito nang hindi nawawala ang ngisi sa labi.

Inilagay ni Kristin ang papaubos ng sigarilyo sa bibig ng lalaki. "Wala sa plano ko ang maging mistress." Sabay talikod rito, bukas ng kotse at pumasok na sa loob.

Quarter to two ng hapon nang makarating siya sa ospital. Pagkapasok sa unang pinto ng klinika ay agad siyang binati ng sekretaryang si Felicity o mas nakasanayang tawagin ni Kristin bilang 'Fely'.

Inalis niya ang blazer at pinalitan ng white coat. Kaagad namang iniabot ng nag-aabang na si Fely ang isang chart. Record iyon ng kliyente niyang imi-meet ngayong oras para sa araw na 'to.

"Kanina pa 'yan pabalik-balik dito doc. Tanong ng tanong about senyo." Tukoy ni Fely sa kliyente habang nire-review ni Kristin ang record nito sa chart.

"The last time, sinabi ko sa kanya ang specific time ang date ng next consultation." Walang tinging sabi ni Kristin.

"Ayon nga po doc, pero ang kulit kasi. Sinabi ko na ngang wala kayo rito at mamaya pa ang dating. Pero ang kulit talaga. Ang gusto pa e pumasok rito sa clinic niyo para hintayin kayo rito mismo sa loob. E, alas onse pa lang po no'n."

Tumango na lang si Kristin nang di inaalis ang tingin sa chart.

"Actually, pangalawang balik na niya po 'yon ngayong araw." Pagbibigay-alam ulit sa kanya ng sekretarya.

Biglang bumukas ang pinto kaya hindi na nagawang magsalita pa ni Kristin. Pareho silang napatingin ni Fely ngayon sa bagong dating.

"Mr. Morris." Bati ni Kristin sa lalaking iniluwa ng pinto.

"I've been waiting for you doc--"

"Inside." Binuksan niya ang isa pang pinto at pumasok roon kasunod ang kliyente. "Have a sit." Sambit niya kahit akma na talagang paupo ang lalaking tinawag niya kaninang Mr. Morris.

Siya si Brandon Morris. Nagmula sa kilalang pamilya. Sucessful businessman na ito ngayon. Kung huhusgahan sa itsura, mala-leading man sa romance book ang dating nito. Lalaking-lalaki ang tindig at pangangatawan na may mukhang dapat ipagmayabang. Lagpas na sa kalendaryo ang edad ngunit binata pa rin. Happy go lucky. Ngunit ang dahilan ng pagkunsulta nito sa doktora ay ang pagiging satyromaniac o sa madaling salita ay sex-addict. Idagdag pa ang pagiging alcoholic.

Biro lang ng isa nitong kaibigan ang magpakunsulta. Simula't sapul naman ay wala talaga itong balak sa buhay na sumangguni sa especialista dahil wala naman itong nakikitang mali sa sarili. Napapayag lang nang malamang may isang magandang psychiatrist na meron sa bagong ospital na ipinatayo sa isang smalltown at isolated na lugar. Kaya kahit na malayo ay sinubukan nitong magpakunsulta dito. No'ng una ay ni-refer siya sa isang Therapist na meron sa ospital na mas malapit sa lugar nito ngunit ipinilit ang sariling  kay doktora Kristin lang ito mag-ti-therapy.

"My secretary told me--"

"That I came here too early?" Pagputol ng barakong boses sa nagsasalitang doktora. "My bad. I thought you're here the whole day. Hindi ko naman akalain na may iba ka pa palang trabaho aside from being a Psychiatrist. By the way, ano bang pinagkakaabalahan mo maliban sa pagiging doctor ng mga..." Ipinaikot-ikot nito ang hintuturo sa gilid ng kanyang ulo para ipahayag ang katagang 'Baliw', 'Abnormal' o kung anumang tawag para sa mga may problema sa pag-iisip.

BedlamiteWhere stories live. Discover now