NMP6

1.1K 58 0
                                    

Katrina & Chynna's Pov

Katrina: oh payat nandito na tayo sa bahay nyo, naihatid nadin kita baka gusto mo namang papasukin muna ako para pag miryendahin?
(Pangongonsensya ko dito sa aking kaybigan na si chynna hehe, gutom nanaman kasi ako e)

Chynna: kapal talaga ng mukha mo e noh diko naman sinabi na ihatid mo ako, kaya ko naman ang sarili ko e.

Katrina: sama naman ng ugali mo! Sige maka alis na nga baka magulpi lang kita!

Chynna: haaays... sige sige halika na dito sa loob mag miryenda muna tayo. (Pag suko ko, aba mabait din naman ako noh ayoko namang pag mukhaing kawawa itong kaybigan ko  ba? Talaga itong isang ito? Haaay ewan..)

Katrina: waaaaah!!! Talaga? tara tara bilis! Gusto ko malamig na malamig na orange juice at dalawang box ng Hawaiian pizza ha...

Chynna: ano!? Hindi kaba masusuka don?! Ang dami non ah... at ang demanding ha..

Katrina: may sinasabi kaba friend?

Chynna: aaah wala wala sabi ko sige bibili lang ako sa labas wala kasi akong stock na pizza e, hintayin mo nalang ako dito. heto ang remote manood ka nalang muna dyan.

Katrina: okay bilisan mo ha.. para maka uwi nadin ako.

Chynna: (haaays kapal talaga ng pagmumukha nitong taong to, hindi na ako sumagot at lumabas na ako ng bahay para bumili ng pizza, Since may malapit na pizza parlor naman sa labas ng subdivision namin doon nalang ako pupunta, isang sakay lang pag labas ng subd.)
.
.
.
.
.
.
Naka baba na ako ng jeep at agad agad na akong pumasok sa pizza parlor na iyon. 'Ms. 2box of Hawaiian please' sabi ko sa conter at agad agad naman akong nakabili ng dalawang box, at pag labas ko parang may pamilyar na pigura akong nasulyapan katabi kasi ng pizza parlor ang isang flower shop at nakita ko si Glaiza doon papa alis na ito at may hawak syang isang bouquet ng mga puting rosas, kanino naman kaya nya ibibigay iyon? e parang wala nga syang kilalang tao sa mundo, Nag tatalo ang diwa ko kung susundan ko ba sya o hindi... pero....... sige na nga, Katrina pasensya ka muna kung matatagalan ang pizza mo, may kaylangan lang akong silipin saglit, at agad agad ko namang sinundan si Glaiza, mabilis ngunit maingat akong naka buntot sa kanya hanggang sa lumiko na sya sa kanto at nung pagtingin ko ay nawala na syang bigla, sinipat sipat ko pa ang mga pwestong posible nyang pag taguan kung sakaling nakaramdam sya na may sumusunod sa kanya, pero wala talaga, anong klaseng nilalang kaba Glaiza? Bakit ba napaka ilap mo? Mabait naman ako e maiintindihan ko kung anoman yang dahilan mo, bakit kaba lumalayo sa tao?
Naputol nalang ang pag tatanong ko sa aking sarili ng may nag salita sa likod ko.

Glaiza: Huwag mo akong sundan, hindi mo magugustuhan ang maaring mangyari sa iyo. Huwag kang lilingon sa loob ng apat na minuto dyan ka lang humarap sa pader, nagkakaintindihan ba tayo?

(Napatango nalang ako ng marinig ko ang boses ni Glaiza, malamig ang bawat salitang binitawan nya yung parang na nunuot sa buto, nakaka kilabot kumbaga, pumikit nalang ako at nag bilang hanggang apat na minuto, Oo natakot din kasi ako hindi ko kasi alam baka bigla nalang akong sasakin nun noh... π_π pananalita palang parang hindi na mag papa huli ng buhay)
.
.
.
.
and 3,2,1! ang apat na minuto ay tapos na paglingon ko sa aking likuran ay wala na si Glaiza, wala ka ng makikitang bakas nya kahit saan ka pa bumaling, napa buntong hininga na lamang ako at nag pasalamat sa dyos dahil nanatili padin akong buhay π_π maka uwi na nga baka lalo pa akong malintikan hindi man kay Glaiza pero kay Katrina sigurado iyon lalo na at ganitong gutom pa ang makapal na mukhang iyon. Mabait naman ako ah.. pala kaibigan, matulungin pero bakit ganito ang dating ng kapalaran saa akin? π_π
.
.
.
.
.
.
Sa bahay...

Chynna: Kat! Nandito na ako! Nandyan ka pa b.... aray!
Hindi ko na naituloy ang sasabihin at napa aray na lang ako dahil
pag bukas na pag bukas ko ng pinto ay isang matigas na bagay ang sumapol sa mukha ko, napahawak ako sa ilong ko na tinamaan ng bagay na iyon yung remote pala ang sakit! π_π

Katrina: buti naman at naka uwi kapa!? Akala ko nasagasaan ka na dyan sa kanto!
(Sarkastikong sabi nya, grabe naman itong babaeng to ang sama talaga ng ugali π_π)

Chynna: grabe ha.. hindi naman noh! napaka sama talaga ng ugali mo!

Katrina: anong hindi ka dyan para sabihin ko sa iyo mag tatatlong oras mo na akong iniwan dito noh! at ska anong sinasabi mong masama ang ugali ko?! Kung masama ang ugali ko edi sana hindi mo na ako inabutan dito hindi na sana kita hinintay at sinunog ko nalang itong bahay mo. Kaya pasalamat ka may puso padin ako para hintayin ka ng ganon katagal!

(Pag poprotesta nya sa akin, grabe ha.. ako pa talaga ang may utang na loob sa hindi nya pag sunog sa bahay ko, gustong gusto ko na nga syang sunugin ng buhay pero naaawa naman ako ska ayoko pang makulong ng wala sa oras hays..
Teka ganon na ba ako katagal sa labas? mag tatatlong oras talaga? ibig sabihin ganun katagal kong sinusundan si Glaiza... pero sa bandang huli ay nabigo lang ako ng mahuli nya ako, at ang mga katanungan sa isip ko ay bigla nalang nag sulputan, saan kaya pupunta iyon? At para kanino kaya ang mga bulaklak na dala nya? Bakit ganoon ang pakikitungo nya sa mga tao? Bakit inilalayo nya ang sarili nya sa mga tao? Bakit ganon sya mag salita may nahihimigan akong lungkot sa boses nya na may halong galit at pag babadya ng panganib kung sakaling hindi mo susundin ang sinabi nya, ano bang may roon sa iyo Glaiza?, pag tatanong ko sa aking sarili)

Katrina: hoy! Chynna! Ano tutulala ka nalang dyan!? ang layo na ng narating mo ha saang banda ng universe kanaba naka rating? Share mo naman baka nasa planetang nemik kana? Anong ichura ni picolo o ni dende?!

(Napapitlag nalang ako, sa pamumulahaw nya sa kaka isip ko sa nangyari kanina, grabe ha.. nemik agad?)

Katrina: Oh ano na? bakit ganyan ichura mo? para kang si Rhian na namumutla ah! akina yung pizza bilis at ng maka uwi na ako..

Chynna: oh! Ayan! Ubusin mong lahat! wala ito wag mo na akong pansinin, dyan kana muna at mag bibihis lang ako andun yung orange juice sa ref kumuha ka nalang

(At iniwan ko na nga sya sa sala at nag tungo na ako sa aking kwarto... nakalipas ang limang minuto ay
Natapos na akong mag bihis at napa isip nanaman ako... bakit nga ba namumutla si Rhian kanina habang naka tayo sa bandang likod nung si Glaiza? nung inabutan namin sila kanina na silang dalawa lang sa room e para syang natuklaw ng ahas, na nakatayo at tulala sa kawalan, pero nung inilipat ko naman ang tingin ko kay Glaiza na naka upo lang e parang wala namang ka pake pakeelam sa mundo, kaya hindi ko sya matanong kung anong nangyari kay Rhian at baka samain lang ako haysss... kakaiba ang taon na ito para sa akin, dahil may mga kaklase akong sobrang wiwirdo, ng matapos na ang aking pag iisip ay nag pasya na akong bumaba para tignan kung kaya pang huminga nung si Katrina dahil sa dami ba naman ng kakainin nya e imposibleng hindi sya mabunsol, pero nagkamali ako ng makita kong taob na ang dalawang kahon ng pizza at tinutungga ang bote ng orange juice)

Chynna: what the hell!?

Katrina: ano!? Baket!?

Chynna: grabe ha.. hindi ka nabunsol?

Katrina: hindi. hoy uuwi na ako, bukas nalang ulit tayo magkita kita.

Chynna: sige sige, ihahatid na kita sa gate ng subd. Mahirap na baka may maka salubong ka pang pobreng tao at pag dikitahan mo pa iyon.

Katrina: grabe ka din noh! Pero sige tara na nga! Gabi na oh!
.
.
.
.
.
Ng makarating na kami sa labas ng subd. ay agad naman kaming pumara ng taxi para masakyan nya at nag paalam na nga kami sa isa't isa, hay... kakaiba ang araw na ito sa inaasahan kong unang araw ng klase, ano nanaman kaya ang mangyayaring kawirduhan bukas?





♀c.u.♀

Negative Meets PositiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon