NMP17

842 63 6
                                    

Glaiza's Pov.

"Bwisit naman oh" paulit ulit yan sa isip ko kanina habang masayang ibinabalita ni Sir sa amin ang pag dating ng may ari ng school na ito which is ako yung tinutukoy nya don, isa pa tong si Rhian napaka tanong, kaya naman bago pa masagot yung huling tanong nya kanina ay pinutol ko na iyon, sa tamang dahilan na ma lalate na kami sa pag uumpisa ng klase, kaylangan kong maka usap si Mr. Williams sa bagay na ito sya ang University President, napag usapan na namin ang bagay na ito, na walang dapat maka alam na ako ang may ari nito hanggang maka tapos ako ng kolehiyo, kaya naman pag ka tapos na pagkatapos ng klase ni Sir. ay tinawagan ko na si Mr. Williams na Pumunta sa opisina ko.)
.
.
.
.
.
.
.
.
G's office.

(Naka upo lang ako sa swivel ko habang hinihintay si Mr. Williams, maya maya pa ay may kumatok na, siguradong si Pres. lang ito at agad ko naman syang pinapasok )

Glaiza: have a sit tito.
(malamig na sabi ko sa kanya dahil hindi ako natuwa sa ginawa nyang pag babalita, Tito ang tawag ko sa kanya, dahil malapit na kaybigan sya ng Papa ko)

Mr. Williams: bakit mo ako biglang gustong maka usap iha? May problema ba?
(Nag aalalang tanong nya sa akin)

Glaiza: meron tito, diba napag usapan na natin ang bagay na iyon? Yung ayoko munang lumitaw sa skwelahang ito bilang may ari, pero bakit may nag labasan ng balita tungkol doon?
(Matigas kong tanong sa kanya, hindi naman na bago sa kanya ang pag uugali kong ito, kaya napa ngiti nalang sya sa nadinig nya mula sa akin)

Mr. Williams: pasensya kana iha, akala ko kasi ay handa kana para doon at akala ko din ay matutuwa ka kung mag papa handa ako ng welcome party sa buong campus, ngunit mukhang nagkamali yata ako, pasensya kana talaga iha.

(Hingi nya ng pasensya sa akin, at nalungkot naman bigla ang mukha nya, hindi naman sa sinasamantala ko ang pagkakataong ito pero kaylangan kong gawin para magawa ko yung plano ko para kay Bryan Antonio)

Glaiza: tito gusto mo bang maka bawi sa akin? sa pag suway mo sa kasunduan natin?
(Seryosong tanong ko sa kanya)

Mr. Williams: Oo iha sabihin mo lang kung ano ang kaylangan mo, hindi ako mag aatubiling gawin iyon para sa iyo.

(Paninigurado nyang sagot sa akin, buti naman at nakipag kasundo sya)

Glaiza: tatlong bagay lang naman tito, una gusto ko ng bagong kotse pero huwag kang mag alala pera ko ang gagamitin mo at gusto ko bago mag uwian ay nandoon na iyon sa parking lot ng mga estudyante.

Mr. Williams: pero paano ang Red Lamborghini mo? na nasa VIP lot?

(Takang tanong nya sa akin)

Glaiza: ikaw na ang bahala doon, ayoko ng sumakay doon at baka may maka kita pa sa akin, kaylangan ko ng bagong sasakyan at kaylangan nadoon nayon sa parking lot ng mga estudyante, nag kakaintidihan ba tayo tito?
(Matigas kong tanong sa kanya)

Mr. Williams: Oo iha naiintindihan ko, wag kanang mag alala sa ako ng bahala doon, ano nga pala yung dalawang bagay pa na hihilingin mo sa akin?

(Paninigurado nya sagot sa akin)

Glaiza: pangalawa..... gusto kong matigil na ang usapan tungkol sa pag dating ko, dahil makaka sagabal iyon sa pangatlong kahilingan ko sa iyo tito, ayokong madamay ang skwelahang ito sa gagawin ko.

(Direcho at walang emosyon kong sagot sa kanya)

Mr. Williams: pero ano ba iyong plano mo iha? Kilala kita at sa tono ng pananalita mo ay mukhang may pinupuntirya kang tao.

(Seryosong tanong din nya sa akin)

Glaiza: Oo tito meron pero, sa ngayon ay gawin mo muna yung dalawang pinapagawa ko sa iyo, sa susunod ko nalang ipapa alam yung pang huli.

(Malamig kong tugon sa kanya)

Mr. Williams: sige iha, maaasahan mo ako, kaylangan ko nading mauna para maasikaso ang hiling mo.

(Nag paalam na sya akin at tanging tango lang ang sagot ko, medyo na kahinga na ako ng maluwag ngayon, hihintayin ko nalang ang mangyayari bukas, sa ngayon ay kaylangan ko ng bumalik sa aming kwarto, sigurado akong wala pa ang mga kaklase ko doon at mabuti na din iyon para mapakapag isa at matahimik kahit saglit ang utak ko.)
.
.
.
.
.
.
.
.
.
(Habang nag lalakad ako ay may nahagip ang mga mata ko sa tapat ng cafeteria, si Bryan Antonio! tila may tinatanaw sya mula sa kinatatayuan nya ng tignan ko ang lokasyon ng tingin nya ay nakita ko sila Rhian at ang mga kaybigan nya, pero bakit nya minamatyagan si Rhian? Ano nanaman kaya ang gusto ng lalaking ito at nung isang araw pa nya sinusundan si Rhian, may asawa na syang tao... si Ayin... ang kaligayahan kong ninakaw nya!, sa naisip kong iyon ay diko mapigilang ibalik ang tingin ko sa Bryan na iyon at galit na na iyukom ko ang mga kamao ko ng tumingin sya sa akin ng nakaka gagong tingin at ska kumaripas ng takbo, tumakbo ka lang ng tumakbo hanggang gusto mo pero sinisigurado kong hindi ka makaka takas sa larong gusto ko Bryan! Nag ngingit ngit ako sa loob loob ko pero sagad sagad din ang pag pipigil ko para maisagawa ko ang mga plano ko, kaya bago pa ako makapag pasya na sundan sya at patayin ay lumakad na ako patungo sa aming silid.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Class room

Ako palang ang nandito, may 20mnts. pa bago mag simula ang susunod na klase, pwede pa akong matulog, kaya napag pasyahan ko munang dumukdok sa mga braso kong naka patong sa desk ko, Sampong minuto ko palang na ipipikit ang mata ko ng may maramdaman akong pumasok dito sa room at dahan dahan akong nilapitan ng tao'ng iyon, pero hindi ako nag angat ng tingin nanatili lang ako sa pwesto ko hinihintay ko nalang kung anong susunod nyang gagawin....... naramdaman ko nalang na lumuhod sya sa harap ko para maka pantay nya ang mukha ko, at bigla ko nalang naramdaman ang isang malambot na kamay na dahan dahang humahaplos sa pisngi ko, ngunit hindi padin ako dumidilat, kinikilala ko kung kaninong kamay iyon, kamay ng babae na parang... parang... matagal ko ng kakilala? at bigla itong nag salita ng pabulong)

Unknown Person: cha... pa-patawad.

(at narinig ko nalang ang mahina nyang pag hikbi, at tumayo na sya para umalis, sapat na ang narinig kong iyon para makilala ko kung sino ang taong iyon, bigla nalang sumikip ang dibdib ko ng sobra nung marinig ko ulit ang boses nya, hindi ko sya kayang harapin kaya hindi ko na iminulat ang mga mata ko hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko habang naka pikit, bakit sya nandito? bakit pa nya ako nilapitan? Sa loob ng mahabang panahon bakit kaylangan nya pang magparamdam sa akin, natigil lang ang aking pag iisip ng may dahan dahang nag punas ng luha ko, si Rhian naka luhod din sya at kapantay lang nya ang mukha ko.)

Rhian: ssshhh... tahan na Glaiza... nanaginip ka lang.

(Sabi nya sa masuyong pananalita habang naka titig lang sya sa mga mata ko, at yung galit na bumalot sa puso ko kanina lang ay bigla nalang humupa ng makita ko ang maamo nyang mukha, naka dukdok padin ako sa mga braso ko habang naka tingin lang ako sa kanya at sya naman ay naka hawak padin sa pisngi ko at nakikita kong dahan dahan nyang inilalapit ang mukha nya sa mukha ko pakiramdam ko'y... mmmmmmmmmmmmm napa pikit nalang ako ng ituloy nya ang halik na akala ko ay hindi seryoso, hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon mukhang bago ito sa sistema ko or should i say naramdaman ko na ito 5 years ago, ang pag bilis ng pintig ng puso ko pero hindi dahil sa galit kundi dahil sa pagmamahal? Nagugustuhan ko ang pakiramdam na ito, ang pag papakalama nya sa diko maintindihang paraan, Seryoso ka glaiza?! Wala kang dapat maramdaman na pag mamahal glaiza! Sigaw sa akin ng isip ko at dahil doon ay napadilat akong bigla at ako na ang pumutol sa halik na iginawad sa akin ni Rhian)

Glaiza: ano bang ginagawa mo Rhian?!
(Singhal ko sa kanya ng umayos na ako sa pagkaka upo, at napa tingin nalang ako sa gawing pintuan dahil nahagip ng mata ko ang mga kaybigan nyang nandoon naka tayo at halatang gulantang sa kanilang nasaksihang pag halik sa akin ni rhian)

Rhian: aaaahm..... I'm So-sor...

Katrina: waaaaaaaaaah!!! ano yaaaaaannmmnmnmnmm

(Hindi na natapos ni Rhian ang sasabihin nya ng biglang humiyaw yung mukang basagulera, at bigla namang tinakpan ni chynna ang bibig ng humiyaw habang halata padin sa mukha nilang lahat ang pagka gulat.)










♀c.u.♀

Negative Meets PositiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon