NMP18

905 54 0
                                    

Rhian's Pov.

Kasalukuyan kaming pabalik ngayon sa room, limang hakbang nalang at makaka pasok na kami sa aming silid ng may maka salubong kaming isang babae na lumabas sa room namin na umiiyak? Hindi ko alam kung estudyante din sya dito dahil naka civilian lang sya, hindi ko masyadong nakita ang mukha nung babae dahil nakayuko lang ito habang nag lalakad at pinupunasan ang luha, ang tanging napag masdan ko lang ay ang maputi nitong balat at mahabang buhok, ng makapasok na kaming lahat ay nakita ko agad si Glaiza na naka dukdok sa desk nya sya palang ang nandito, mukhang natutulog sya kaya nilapitan ko sya ng dahan dahan yung hindi nya mararamdaman, sinabihan ko din sila Bianca na mag bantay muna sa pintuan at huwag munang mag papa pasok dahil ayoko namang maantala ang pag iglip ni glaiza,.. ng maka lapit na ako ay nakita ko agad ang mga luha nyang pumapatak kaya naman agad akong lumuhod at pinunasan ang mga ito, bakit kaya sya umiiyak? Dahil ba sa babaing lumabas kanina? Pero sino sya? yan lang ang nasa isip ko nung mga oras na iyon, nakita kong napadilat sya at tumingin din sa akin pero hindi naman sya nagalit agad ng makita ako "ssshhh... tahan na Glaiza... nanaginip ka lang." Sabi ko sa kanya hindi ko kasi alam kung ano ang mga salitang sasabihin ko ngayon ko lang kasi sya nakitang umiiyak at hindi ko pa alam ang dahilan, hindi ko alam kung bakit pero parang nag sshut down ang puso ko sa pag patak ng luha nya, tinititigan ko lang ang mga mata nyang kulay abo na mas lalong nawawalan ng buhay, nararamdaman ko nanaman ang pagka hingal nya dahil sa sobrang magkalapit lang kami, gusto ko sana syang yakapin at kausapin ulit ang puso nya sa pamamagitan ng pag yakap ko sa kanya gaya ng ginawa ko kagabi, pero hindi ko iyon magagawa sa ganung pwesto, kaya naman biglang may pumasok sa utak ko na isang ideya hindi ko alam kung tama ito bahala na magalit na sya kung magalit, dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya wala nadin akong pakeelam kung makikita pa kami ng mga kaybigan ko, sa ngayon ay kaylangan ko itong subukan, nmmmmmmmmmm... hinalikan ko sya ng masuyo sa kanyang labi naramdaman ko naman na tumutugon din sya ngunit dahan dahan lang, naramdaman ko bigla ang lungkot sa buong pagkatao nya, naramdaman ko ding kumakalma na ang pag hinga nya at yung pagbilis ng tibok ng puso ko na hindi normal, hindi ko pa ito nararamdaman kahit na sa mga nakaraang karelasyon ko sa kanya palang. Napamulat nalang ako ng bigla syang humiwalay ng halik sa akit at umayos na sya ng upo, ng mga oras na iyon ay bigla nalang akong naka ramdam ng hiya.)

Glaiza: ano bang ginagawa mo Rhian?!

(Singhal nya sa akin, na lalong nag padagdag sa nararamdaman kong hiya jusko kaanin na sana ako ng lupa! Hinalikan ko lang naman ang babaing dragon! at higit sa lahat straight sya kaya siguradong magagalit talaga ito ang tanga mo rhian! Hindi mo na inalala kung straight ba yan o hindi! Sigaw sa akin ng utak ko π_π)

Rhian: aaaahm..... I'm So-sor...
(Mag so sorry na sana ako pero diko natapos ang sasabihin ko dahil biglang humiyaw si Kat)

Katrina: waaaaaaaaaah!!! ano yaaaaaannmmnmnmnmm

(At bigla Namang tinakpan ni chynna ang bibig nito para dina marinig ng ibang estudyante, naisip nya sigurong mas magkaka gulo kapag nag hihiyaw si katrina dahil sa pagka shock, pasalamat nadin ako kay chyns dahil kahit pati sya ay gulat nakapag isip padin sya ng mabilis at tinakpan nya agad ang bibig ni kat, kita ko ang shock nilang apat pero unti unti din itong nag laho at lumapit na sila sa amin.)

Bianca: besty what's that for?
(Seryosong tanong nya sa akin)

Rhian: magpapaliwanag ako B. pero pwede bang mamaya nalang after class?
(Nahihiyang pag sagot ko sa kanya, nakita ko namang tumango si Steph at Chynna na parang nakaka intindi, si Kat naman na palipat lipat lang ng tingin sa akin at kay Glaiza na balik nanaman sa dati parang wala nanaman syang pakeelam sa mundo, nakatingin lang sya sa labas ng bintana ngayon)

Bianca: okay besty... maupo na tayo guys nandyan na si Ma'am.

(Mahinahong sabi nya, at isa isa na ngang nag pasukan ang iba pa naming mga ka klase kasunod si Ma'am.)

Negative Meets PositiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon