NMP22

893 51 1
                                    

Someone's Pov. 

Hi baby...... may flowers si mommy para sayo.... pasensya kana kung ngayon lang ulit nadalaw si mommy.... teka kanino galing ang mga flowers at Teddy mo?

Alam ko hindi ako nag dala nito nung huling punta ko dito ah...
hindi naman ito gagawin ng ama mo.. alam mo naman kung anong klaseng tao sya hindi ba anak... siguro sila lola mo hano... wala namang ibang gagawa nito bukod sa akin at sa kanila.

Hmmm.... baby miss kana ni mommy... sobra sobra... alam mo ba pinuntahan ko kahapon si..... si m-mommy cha mo sa school nya... nakita ko syang natutulog sa room nya... pasaway sya hano... pero alam ko namang masipag talaga syang mag aral... siguro pagod lang sya kanina kaya na iglip sya... gustong gusto ko syang yakapin kanina anak alam mo ba yun..?

sayang hindi manlang kayo nag kita ng mommy cha mo... alam mo ba mas excited pa syang mahawakan ka kaysa sa akin, lagi ka nyang kinakausap noon kahit nasa tyan palang kita, nung mga panahon na pinaplano naming tumakas at ilayo ka dito...
Nanghihinayang ako anak...
.
.
.
.
.
.
Baby paano kaya kung naging tapat ako sa kanya noon...?
paano kaya kung tinupad ko yung pangako ko sa kanya..?
paano kaya kung lumaban din ako..? Hindi sa sinisisi kita anak dahil dumating ka sa buhay ko, alam ko namang nasa akin ang kasalan Dahil ang duwag duwag ko nung mga panahong ipinag lalaban ako ng mommy cha mo... *cries* sorry anak kung hindi buo ang pagkatao ko nung inilabas kita sa sinapupunan ko, *cries* sorry dahil hindi buo ang pagmamahal ko sa iyo nung mga panahon na nahahawakan na kita, dahil sa kabila ng pag dating mo... nandun yung galit sa puso ko, galit sa ama mo, galit sa sarili ko at galit dahil nabuo ka lang dahil sa isang pagkakamali at pagka sakim ng ama mo *cries* patawad anak... dahil hindi ko manlang naiparamdam ang pagmamahal ng isang ina sa iyo, hindi ko alam na saglit ka lang ipapahiram sa akin ng itaas. patawad anak... patawarin mo si mommy... *cries*
.
.
.
.
.
.
Alam mo ba baby... nung nakita ko ulit sya.. nagkaroon ako ulit ng pag asa.

nung nahawakan ko ulit yung maamo nyang mukha parang nabuhay ulit ako.

Humingi din ako ng tawad sa kanya anak... pero hindi naman nya nadinig dahil natutulog sya, pero mas okay na iyon dahil alam kong hindi naman nya ako haharapin kung gising sya, alam kong galit padin sya sa akin at sa ama mo.

Alam mo ba... 3rd year college na sya ngayon, malapit na syang mag tapos anak... malapit na nyang matupad yung mga pangarap nami... mga pangarap nya. *fake smile*
Nakita ko din na mukhang nasa maayos na ang buhay nya.

Pero anak sobrang mahal na mahal ko padin ang mommy cha mo, kahit noon pa man, ako lang talaga itong mahina... hindi ko alam kung tama ito pero... gusto ko sana syang ipag laban ngayon anak... alam kong kapag bumalik ako sa buhay nya ay magugulo ko nanaman ito, pero gusto kong ibalik, gusto kong ibalik yung dating kami. Gusto kong bawiin yung panahon na ipinagkait sa amin noon, gusto kong ibigay sa kanya yung pag mamahal na hindi ko naiparating sa kanya hanggang sa huli.

Bigyan mo ako ng kahit isang maliit na senyales anak, bigyan mo ako ng kahit katiting na pag asa, malaman ko manlang kung may puwang pa ako sa buhay nya...
.
.
.
.
.
Sandali lang baby ha... tatawagan ko lang sila lola mo, mag papasalamat lang ako sa mga flowers at teddy na ibinigay nila sa iyo.

Phone Call.
.
.
.
.
Nanay: oh ayin napatawag ka anak? may problema nanaman ba?

Ayin: wala naman po nay, gusto ko lang mag pasalamat sa mga bulaklak at laruan na dinala nyo sa puntod ng anak ko *smile* kaylan po kayo dumalaw dito..? Bakit hindi ko alam..?

Nanay: ano bang sinasabi mo anak, wala kaming dinadala na kahit ano sa puntod ng apo ko, hindi pa kami nadalaw dyan.

Ayin: g-ganon po ba sige nay baba ko na itong tawag, baka may nagkamali lang ng dalaw... sige nay ingat kayo palagi dyan.

Nanay: oh sya sige anak... huwag mong pababayaan ang sarili mo dyan lalo na at malayo kami sa iyo ngayon.

Phone Call End.

.
.
.
.
(Hindi galing kila nanay ang mga bulaklak at stuffed toy ng anak ko, mas lalong siguradong hindi din naman ito bigay ng ama nya... sa sobrang pag tataka ko ay dali dali kong kinuha yung stuffed toy at sinuri itong mabuti... may nakita akong maliit na sulat sa tag nito 'C.J.♥' bigla nalang tumulo ang luha ko ng makita ko ito, alam ko na... alam ko na... k-kung kanino galing ang mga ito.
.
.
.
.
.
.
.
[Balik tanaw]

Ayin: mahal kapag naka alis na tayo dito at nailabas ko na si baby... ano ang gusto mong ipangalan sa kanya..?

Glaiza: hmmm... mapa lalaki man sya o mapa babae... gusto ko letter 'C' nag sisimula ang first name nya at letter 'J' naman nag sisimula ang second name nya, kapag babae gusto ko Chastene Jane... *smile*

Ayin: kapag lalake gusto ko Charles James... ang cute diba mahal... *smile*

Glaiza: mas cute yan kapag Chastene Jane Francisco Galura or Charles James Francisco Galura *smile*

Ayin: nako ikaw talaga... bininyagan mo na agad ang anak ko...

Glaiza: anak natin ayin... anak natin... handa kong ibigay ang aplido ko sa kanya, handa kong ibigay ang pagmamahal ko sa kanya kahit hindi sya sa akin.

Ayin: s-salamat... salamat tinanggap mo kami ng buong buo salamat mahal ko.. mahal na mahal na mahal kita. *cries*

Glaiza: ssshhh... mahal na mahal din kita... mahal na mahal ko kayo ni baby... tahan na baka malungkot din nyan si baby...

[Pagtatapos ng balik tanaw]
.
.

A-anak i-ikaw si Chastene Jane sinunod ko ang gustong ipangalan sa iyo ng mommy cha mo... i-ikaw si Cj...
sa kanya galing ang pangalan mo... sya ang nag bigay ng mga ito sa iyo anak... dinalaw ka nya anak... dinalaw ka ng mommy cha mo, dinalaw ka ng taong mahal ko... ito na ba iyon anak..? ito naba ang senyales na hinihingi ko sa iyo kanina lang?

Maraming salamat anak... *cries*
Patnubayan mo ako sa mga gagawin kong hakbang pabalik sa puso ng taong mahal ko, patnubayan mo kami anak... *cries*

Bukas na bukas haharapin ko na sya anak... sana ay mapatawad pa nya ako... sana mahal padin nya ako...










♀c.u.♀

Negative Meets PositiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon