NMP16

920 53 2
                                    

Rhian's Pov.

(Napatanga nalang ako ng marinig ko ang sagot ni Glaiza na "Ewan ko" sa tanong ko sa kanya kanina, hindi na ako nakahirit pa dahil pagka sabing pagkasabi nya non ay nauna na syang mag lakad sa akin, naabutan ko nalang na naka upo na sya sa upuan nya, kung kanina mula condo ay medyo magaan na ang aura nya ngayon balik ulit sa pagiging bato tss... napa tingin naman ako sa mga katabing upuan ko, wala pa silang apat, nauna pa pala kami ni glaiza, naupo nadin ako sa tabi nya tumahimik nalang din ako dahil wala e wala talaga ni hindi manlang gumagagalaw o umiimik tong katabi ko, bato nga Rhian e ano bang aasahan mo sa bato mag sasayaw? mag rap? Bulong ng konsensya ko, isa pa tong anitang konsensya ko diko naman kinakausap sabat ng sabat! hay... nasa malalim akong pag iisip ng sabay sabay pumasok yung apat, si Chyns,Steph,Kat at si Bianca at lumapit muna sila sa amin or should i say sa akin para batiin ako ng goodmorning at magkwentuhan daw kami mamaya pagkatapos ng klase, saglit silang sumulyap kay glaiza na nakaupo lang na maayos, naka halukipkip ang mga braso, at nakapikit na tila natutulog ng naka upo, ilang sandali pa ay pumasok na si Sir)

Sir: goodmorning class!
(Bati nya sa amin habang ang laki ng ngiti, weh? Bakit kaya? Baka sinagot na ng nililigawan? Chismosa lang Rhian? Charot xD )

Class: goodmorning Sir!
(Bati naman namin)

Sir: i have a goodnews guys! Dumating na ang may ari ng unibersidad na ito! Hindi lang sigurado kung kaylan pa sya nandito pero ang sabi ng University President ay nandito na sya, wala din nakaka alam kung sino at anong ichura nya tanging si Mr. Pres. pa lamang ang nakaka kilala sa kanya.

(Tila biglang na excite ang lahat ng pag mumukha ng lahat ng ka klase ko maging sina Besty ay di maiwasang ma curious kung sino ba yung tao na iyon, habang pag lingon ko naman kay Glaiza ay parang wala syang kainte interes sa nagaganap, ng bigla kong naalala yung sinabi ng mga nakasabay namin sa daan, yung dalawang babae na pinag uusapan yung tao'ng may ari ng school na ito, narinig ko kasing sabi nila na sobrang bata pa nung may ari nito, 20 years old daw? Kaya naman diko maiwasan mag tanong kay Sir.)

Rhian: aaah... Sir ilang taon na daw po yung may ari ng school?

Sir: base sa info. na nasa akin ay nasa 20 palang sya.
(Manghang pag sagot sa akin ni Sir, so tama nga yung narinig ko kanina, pag lingon ko naman sa mga katabi ko ay mga napa wow lang lahat ang reaksyon nila lalo na si Kat na naka nganga pa, at si Glaiza? ayun wa pakels, isa pa ngang tanong)

Rhian: e Sir... ano po ba sya? Babae o Lalake?
(Tanong ko ulit kay Sir.)

Sir: yun ang hindi kasama sa info ko, pati ang pangalan nya ay hindi din ipinaalam.
(Bigong sagot naman nya, hay... ano ba yan, isa pa ulit na tanong, may isa pa kasing bumabagabag sa isip ko, yung gate kanina.)

Rhian: e Sir... yung main gate ba sa harap ng school sino lang ba ang dapat na dumadaan don? Yung sa......
(Hindi ko na natapos ang itatanong ko ng mag salita si Glaiza)

Glaiza: Sir. Better to start our class now, it's getting late Ms. Howell.

(Matigas at pautos nyang saad sa amin ni Sir. ska nya ako tinignan ng masama, napatahimik nalang tuloy ako, si Sir naman ay mukhang natauhan sa pag singit ni Glaiza)

Sir: oh.. im sorry class, Ms. Galura

(Pag tango nya kay glaiza pasasalamat siguro yun sa pag papa alala nya na may klase pa kami, blaaa blaaa blaaa blaaa.... yan lang ang nadidinig ko buong klase ni Sir, bukod kasi sa nangyari kanina e iniisip ko din yung ginawa namin sa Condo ni Glaiza nakaka tawa, Nakaka takot, nakaka kilig? Weh? Rhian? Seryoso? Alin ang nakaka kilig don? Ano ba!? Edi yung pag papa tahan nya sa akin habang magkayakap kaming dalawa bago ako naka tulog ikaw talagang mahaderang konsensya ka napaka ulyanin mo na, away ko sa sarili ko, naalala ko din yung madaling araw na bigla akong nagising pero hindi naman ako bumangon nanatili lang akong naka yakap kay glaiza, tapos naka sandig lang yung ulo ko sa dib dib nya ng maramdaman kong biglang bumilis ang pag pintig ng puso nya at parang hinihingal pa sya, yung parang pakiramdam na may kaaway ka tapos nag pipigil ka lang ng galit, naramadaman kong ganon ang nararamdaman ni glaiza nung mga oras nayon, kaya naman mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya at mas idinikit ko ang ulo ko sa tapat ng puso nya, sinusubukan kong kausapin iyon sa pamamagitan ng isip ko, maya maya ay naramdaman ko na ang unti unting pag normal ng pag pintig nito "Ay Besty!!" Bulalas ko ng madinig kong hinampas ni Bianca ang table ko at sabay hiyaw ng "Besty!")

Negative Meets PositiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon