NMP14

942 61 6
                                    

Rhian's Pov

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Rhian's Pov.

"Huwag kang lalabas dyan samahan mo akong maligo."

"Huwag kang lalabas dyan samahan mo akong maligo."

"Huwag kang lalabas dyan samahan mo akong maligo."

Yan lang ang mga salitang kanina pa paulit ulit sa utak ko, mula pag pasok sa cr. Hanggang sa makatapos na si Glaiza sa paliligo hanggang ngayon ay gulantang padin ako sa pinagawa nya sa akin, biruin mo ba naman na mag pasama pa sa akin na maligo ang babaing iyon, pag pasok na pag pasok namin sa cr. ay kumuha sya ng pang blindfold at ska inilagay sa mga mata ko at yung mga kamay ko ay kinuha nya at pinahawak sa baywang nya, huwag daw akong bibitaw kung hindi gagawin na daw nya sa akin yung parusa para sa pangalawang pagkakamali ko sa kanya, habang naliligo sya kaya pati ako e nabasa nadin ng tubig, hmmm... Oo aaminin ko nung mga oras na naka hawak ako sa malambot at walang saplot nyang katawan kahit pa naka piring ako ay parang biglang gusto ko syang kagatin nanggigil ba kung baga hehe ramdam ko pa nga ang makinis nyang balat hanggang ngayon hay.... kung ano ano ang pumapasok sa isip ng babaing iyon kaya pati tuloy ako e napeperwisyo nya π_π nandito ako ngayon sa kabilang cr. Naliligo na din mag isa dahil nga nabasa nadin ako kanina habang naliligo sya, bago ako maligo ay tinanong ko sya kung gagawin din ba nya yung ipinagawa nya sa akin kanina yung sasamahan pa ba nya akong maligo habang naka piring din sya, pero ang tanging sagot lang nya e 'Hindi ako interesado' at tinalikuran na ako, tumanggi sya aba... parang sya pa ang lugi sa katawan ko ha! Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil pinabayaan nya akong maligong mag isa o dapat ba akong mabwisit dahil sa pang iinsulto nya, teka pang iinsulto nga ba yun? Sinabi lang naman nyang hindi sya interesado.... sa katawan ko? sa akin? ang kapal ha! Hindi din naman ako interesado sa kanya noh! E bakit nabubwisit ka? Tanong ng mahadera kong katunggali ang aking konsensya, e... wala lang ikaw ba naman ang sabihan harap harapan ng walang interes sa iyo ang isang tao hindi ka mabubwisit? sagot ko sa sarili ko naputol nalang ang pag iisip ko ng may marining akong katok sa pinto ng cr kung nasaan ako ngayon)

Rhian: sino yan?
(Tanong ko bago ko pinatay ang shower at nag hintay ng sagot mula sa labas)

Glaiza: ako

(Mahina nyang tugon ngunit sapat na para madinig ko iyon)

Rhian: sinong ako?
(Maangan kong tanong ulit kahit alam ko namang si glaiza ang kumakatok e wala trip ko lang syang bwisitin, maka ganti manlang hahaha mabwisit ka bahala ka sabi ko sa isip ko≧﹏≦lumipas ang ilang sandali ay wala na akong nadinig sa labas kundi ang mga yabag ng papalayong si glaiza, hindi ko sya pag bubuksan noh baka kung ano pa ang gawin nya sa akin dito sa loob huhu, ng masiguro ko ng wala ng tao sa labas ng cr ay binuksan ko na ulit ang shower at ipinagpatuloy ang paliligo ng biglang bumukas ang pinto ng cr kung saan naliligo ako ng hubo't hubat at biglang nanlaki ang mga mata ng iluwa ng pinto si glaiza na naka piring at may hawak na napaka raming susi at isang bagong sabon? At isang malaking bote ng scented liquid soap?)

Negative Meets PositiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon