NMP13

866 62 2
                                    

Glaiza's Pov

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Glaiza's Pov.

Ng matapos na kaming mag hapunan sa bahay nila Rhian ay nag pasya na kaming mag paalam sa mga magulang nya at sa kapatid nya, nandito na kami sa loob ng kotse ko ngayon at habang nag mamaneho ako ay tahimik lang sya na naka upo sa tabi ko, hanggang ngayon ay iniisip ko padin yung mga sinabi nya kanina sa kwarto, yung magkakasamang mag sasaya, mag tatawanan? mag uusap kahit walang kwentang bagay? At doon daw mas makikilala mo ang isang tao, pero iyon nga ang ayaw ko ang may mapalapit sa akin at ang may maka kilala sa totoong ako ang may maka kita kung sino talaga ang dating ako, ayokong may maka kita sa mga kahinaan ko, alam kong gagawin nilang target iyon para masaktan ulit ako, kaya nga hanggat maaari ay ipinapakita ko lang ang dapat nilang makita. Naputol lang ang pag iisip ko ng makarating na kami saa building kung saan matatagpuan ang unit ko, bumaba na ako at ganon din naman si Rhian, ni lock ko na ang kotse ko at nauna na akong nag lakad ramdam ko namang sinusundan nya ako kaya hindi ko na kaylangan pa syang yayain, hanggang sa makarating na kami sa elevator tahimik lang kaming dalawa, kung ganito ba naman sya katahimik sa boong tatlong linggo ay wala kaming magiging problema, hindi ko na din naman kaylangan ng bonding bonding na sinasabi ni ma'am para tuklasin kung lesbiana ba ako o hindi dahil alam ko naman sa sarili ko na isa ako. kahit wala pa ang activity na ito.)

Rhian: glaiza...glaiza... bukas na ang elevator tayo na...

(Mahina nyang tawag sa akin, bukas na pala ang elevator ng diko namamalayaan, nauna na ulit akong lumakad at lumabas ng elevator patungo sa unit ko, sunod lang sya sa akin buti naman at may kusa ang babaing ito, at naka rating na nga kami sa unit ko pag ka pasom naman ay pa bagsak syang naupo sa unang couch na nakita nya napagod siguro sa pag dala ng mga gamit nya, umalis na muna ako sa harap nya nadinig ko pang tinawag nya ako pero diko nalang sya pinansin, kumuha lang ako ng isang basong malamig na tubig at inabot ko iyon sa kanya)

Rhian: s-salamat...

(mahina nyang sabi sa akin)

Glaiza: tatlo ang kwarto ngunit dalawa lang ang bakante dahil akin yung isa bahala ka ng pumili kung saan ka matutulog, kompleto din ang mga gamit sa mga kwarto, apat ang cr. tig iisa ang bawat kwarto at may isa doon sa kitchen, puno ang ref kapag nagugutom ka ay doon ka lang mag punta, may Minnie bar din dito andon naka lagay ang mga alak, kung gusto mong mag pakalasing ay mamili ka nalang doon ngunit siguraduhin mong hindi ka mag kakalat, kompleto ang gamit sa kitchen maari kang gumawa ng kung anomang pagkain ang gusto mo, nandito tayo ngayon sa sala, nandyan ang veranda sa likod ng makapal na kurtina at malaking salamin, may katanungan ka pa ba?

(Direchan kong sabi sa kanya, dahil ayoko ng mag tatanong pa sya tungkol sa mga bagay na kakaylanganin nya)

Rhian: huwag mong isipin na gusto kong tumabi sa iyo sa pag tulog p-pero ang sabi kasi ni ma'am ay mas mainam daw kung magkatabing matutulog ang mag partners, para ano pa at dito ako sa iyo ng tatlong linggo kung hindi naman masusunod ang mga dapat? Ano makiki tuloy, makiki kain, makiki cr, at makiki inom lang ako dito sa unit mo?

(Iritable nyang tanong sa akin, hindi ko naman maintindihan ang sinasabi ng babaing ito)

Glaiza: ano ba ang gusto mong mangyari rhian?
(Malamig na tanong ko sa kanya habang naka tingin lang ako sa kawalan)

Rhian: ang makilala ka Glaiza Galura, huwag mo akong mataray tarayan at pag bantaan ngayon glaiza hindi na yan tatalab sa akin.

(matigas at Direcho nyang sagot sa akin, napa angat naman ako ng tingin sa kanya at tinitigan ko ang mga mata nya na naka titig lang din sa akin, bakit ba gusto akong makilala ng babaing ito ano ba ang kaylangan nya sa akin, tanong ko sa sarili ko)

Glaiza: bakit gusto mong gawin iyon?
(Walang emosyon kong tanong sa kanya)

Rhian: d-dahil...dahil ewan! hindi ko din alam Glaiza, siguro gusto ko lang maging kaybigan ka, siguro gusto ko lang na palagi kang makakausap, siguro gusto kitang tulungan maalis yang lungkot at sakit sa mga mata mo lalong lalo na dyan sa puso mo, siguro gusto ko lang na huwag ka ng makikitang nag iisa siguro ganon glaiza hindi ko din alam.

(Mataas na boses nyang sabi sa harap ko)

Glaiza: wala akong lungkot at sakit na tinatago sa puso ko kaya hindi mo ako kaylangan tulungan, kung anoman ang nakikita mo sa mga mata ko ay wala lang iyon rhian
(Malamig kong tugon sa kanya, paano ba nya nalalaman ang lahat sa pamamagitan lang ng pag tingin nya sa mata ko)

Rhian: what ever Glaiza...

(sarkastikong sagot nya sa akin at kinuha na nya ang bag nya at nag punta sa dulong kwarto, narinig ko nalang ang pag sara ng pinto, hindi ko nalang iyon pinansin at pumasok nalang din ako sa kwarto ko para maligo. Habang nag hahanap ako ng damit at may biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko, nagtataka man ay binuksan ko na ito, nakita ko si Rhian na naka yuko lang habang naka tayo sa harap ko, parang nakikipag talo pa sya sa isip nya.)

Glaiza: bakit?
(Walang buhay kong tanong sa kanya)

Rhian: aaahm.... n-naisip ko lang yung ginawa mo kanina sa damit ko yung bonding na alam mo yung ang huwag mapalayo sa iyo ang lalong mapalapit sa iyo sabi mo nga kanina... diba dapat gawin ko din iyon sa iyo para patas tayo?

(Direcho nyang paliwanag sa akin, tama naman ang sinabi nya kaya kinuha ko na ang kamay nya at pinahawak ko sya sa damit ko at tumalikod na ako sa kanya para ipag patuloy ang ginagawa kong pamimili ng damit na gagamitin ko pagkatapos maligo, ng matapos na akong mamili ay inalis ko muna dahan dahan ang kamay nya sa damit ko at pinahawak ko muna sya sa baywang ko at nag hubad na ako ng pang itaas sa harapan nya dahil uumpisahan ko ng maligo, napansin ko namang biglang lumaki ang mga mata nya at biglang namula ang maputi nyang mukha, bigla naman syang bumitaw at tumalikod sa akin at parang nag kukusot pa ng mata)

Rhian: a-anong g-ginagawa m-mo g-glaiza?!
(Utal na Tanong nya sa akin habang naka talikod lang sya)

Glaiza: nag huhubad
(Walang gana kong tugon sa kanya)

Rhian: b-bakit?
(Tila wala sa huwisyo nyang sabi)

Glaiza: maliligo ako
(Simpleng sagot ko sa kanya)

Rhian: ah.. ganon ba sige lalabas muna ako.

(at dahan dahan na syang humarap sa akin para makapunta na sya sa pinto ngunit tila isang pag kakamali ang pag baling nya sa gawi ko dahil ng makita nyang naka undies nalang ako ay napa nganga nalang sya at tila wala sa sariling nag tatakbo sa pintuan, ngunit bago pa man sya maka labas ay nagsalita na ako)

Glaiza: akala ko ba gagawin mo yung ang huwag mapalayo sa akin at lalong mapalapit sa akin?
(Walang buhay kong tanong, napahinto sya saglit at tila nag dadalawang isip kung lalabas ba sya o hindi)

Rhian: oo gagawin ko iyon pero hindi na kasama ang pag papakita ng katawan glaiza tigilan mo ako sa kalokohan mo.

(Sabi nya habang naka talikod lang sya sa akin, anong kalokohan ang sinasabi ng babaing ito seryoso ako sa mga sinasabi ko)

Glaiza: anong kalokohan ang sinasabi mo rhian? Huwag kang lalabas dyan samahan mo akong maligo.

(Utos ko sa kanya at hinawakan ko na sya sa kamay at hinila sa cr.)











♀c.u.♀

Negative Meets PositiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon