NMP15

913 58 1
                                    

Glaiza's Pov.

"Matulog Kana"

Yan lang ang huling lumabas sa bibig ko bago ko sya pinatulog, niyakap at pinatahan sa tabi ko, hindi ko alam kung bakit ako pumayag na tumabi syang matulog sa akin, dahil kanina pa ako na aasar sa kanya mula nung kumatok ako sa cr. para ibigay sana yung mga sabon Ngunit di nya ako pinag buksan, sa halip ay pinilosopo pa nya ako, nung mga oras na iyon ay gustong gusto ko ng wasakin yung pinto at palayasin sya sa unit ko dahil hindi ako sana'y na pinipikon ako dahil unang una ay wala naman akong pasensya madalas mabilis akong mainip at mabilis din uminit ang ulo ko pero nagawa kong mag timpi at sa halip at bumalik ako sa kwarto ko at kinuha yung blindfold at mga susi ng lahat ng pintuan ng unit ko at pinasok ko na nga sya sa cr. Ngunit naka blindfold na ako dahil hanggat maaari ay ayokong mang abuso ng tao, ano ba tong ginagawa mo Glaiza!? Kausap ko ang sarili ko habang yakap yakap ko lang sya at himbing na himbing ngayon sa pag tulog, ano bang nararamdaman mong yan glaiza!? Awa? Siguro? Ewan ko! Ng makita kong umiiyak sya ay parang na windang ang puso ko, puso ko na wala namang dapat nararamdaman kahit awa pa yan, dahil galit at poot lang ang dapat na nandito sa dibdib ko, hindi din naman pag mamahal ang nararamdaman ko sa kanya dahil imposible iyon sandali palang kaming nagkakakilala at ang totoo nyan ay iisang tao lang ang nandito sa puso ko kahit na sobrang sakit ay diko sya magawang alisin. Ayin... para kang isang malaking tinik na nakatarak sa puso ko na habang binubunot pa alis ay mas lalong sumasakit hindi ko na alam ang gagawin ko, muli ay naramdaman ko nanaman ang halo halong lungkot at galit at bigla nalang akong hiningal hindi ko alam kung bakit bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko ng maisip ko ang masalimuot kong nakaraan ang lahat ng pang gagago nila, ng napatingin ako sa babaing katabi ko ngayon na nakayakap din sa akin at tila pinapakinggan nito ang tibok ng puso ko dahil ang ulo nya ay naka sandig sa dibdib ko at dahan dahan pa nyang isinubsob ang mukha nya sa tapat ng puso ko, hindi ko alam kung bakit parang biglang kumalma ang pag pintig ng puso ko ng ginawa nya iyon, unti unting nawala ang pagkahingal ko at tuluyan ng naging normal ang pag hinga ko, ano bang mayroon sa babaing ito at mukhang nakaka sundo nya ang puso ko? Hindi ito dapat! Sasaktan ka lang din ng babaing yan! Pilit ng utak ko sa buo kong pagkatao, ngunit tila may sarili ng isip ang puso ko para utusan ang katawan ko na higpitan pa ang yakap ko sa babaing ito, hindi na ito nakikinig sa dikta ng utak ko, isa lang ang alam ko ngayon, may mali na sa akin.)
2:40 am.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Kinaumagahan

Nagising ako ng may mahinang yugyog sa balikat at masuyong haplos sa pisngi akong naramdaman, dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at ng unti unti ng lumilinaw ang paningin ko ay nakita ko ang isang magandang mukha ng babaing ito, naka ngiti lang sya sa akin at titig na titig sa mukha? o mata ko? Ng tignan ko ang posisyon namin sa pag kaka higa ay nakayakap padin ako sa kanya, kaya naman nag mamadali akong tumayo at pumasok sa cr. ng kwarto ko, kaylangan kong magising sa katotohanan! Kaylangan kong tanggalin ang nasa isip ko kagabi, kaylangan ko alisin kung ano man ang namumuo nyang puwang dito sa puso ko, kaya naman agad agad ay nag hubad na ako para maligo ng malamig na tubig para magising na buo kong pagkatao, at biglang may kumatok sa pintuan ng cr. ko hindi na ako kumibo dahil alam kong si Rhian lang naman iyon, hinintay ko nalang kung ano man ang sasabihin nya sa akin)

Rhian: glaiza... bilisan mong maligo malalate na tayo, maghahanda na ako ng breakfast natin.
(Sabi nya sa malumanay na salita, hindi na din ako nag abala pang sumagot dahil nadinig ko naman na ang mga yabag nyang palabas na ng kwarto ko, mga 30 mnts. Din akong naligo at 10 mnts. Naman sa pag bibihis, pag labas ko ay dumirecho na ako sa dining nakita ko na may naka handa ng pagkain sa mesa pero wala si Rhian dito, sinilip ko ang dulong kwarto at may narinig naman akong lagaslas ng tubig at may kumakanta din sa cr. Naliligo na siguro, sabi ko sa sarili ko, nag pasya nalang akong ayusin muna ang mga gamit ko sa kwelahan habang hinihintay ko syang matapos sa pag gayak nya mga 20 mnts. Din akong nag hintay at nakita kong naka bihis na nga sya ng lumabas sya ng kwarto, niyaya na nya akong kumain ay sabay na kaming naupo)

Negative Meets PositiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon