NMP21

934 65 2
                                    

C.U.'s♀Note:
First time kong mag lalagay ng video ng totoong tao, isipin nyo nalang si Glaiza at Rhian sina Stephanie at Madison.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Glaiza's Pov.

Kasalukuyan kong hawak sa braso si Rhian at hila hila ko sya papunta sa cr. ng kwarto ko, pinag huhubad ko nadin sya para maka ligo na pero tila isa syang bingi na hindi yata naintindihan ang sinabi ko.)

Rhian: ano? M-mag hubad? Bakit?

(Pang limang tanong na nya yan, naiirita na ako.)

Glaiza: Oo maliligo na tayo bilisan mo nanlalagkit na yung katawan ko, O baka gusto mong ako pa mag tanggal ng damit mo?

(Inis kong sabi sa kanya)

Rhian: hoy! Glaiza! Hindi! Hindi! Tigil tigilan mo ako sa kalokohan mo! Hindi tayo sabay maliligo, dito ka dun ako sa kabila.

(Pag poprotesta nya sa akin, anong problema ng babaing to sabay lang namang maliligo e, ska hindi ko naman papa tanggal lahat ng soot nya naka undies padin kami, may iba sigurong iniisip ang babaing to, tignan natin kung ano iyon, akmang aalis na sya pero mabilis ko syang nayakap mula sa likod kaya napahinto sya sa pag lakad, naka palupot lang ang mga braso ko sa tyan nya at naramdaman ko namang napa igtad ang katawan nya ng isandal ko ang ulo ko sa balikat nya sa bandang leeg, tinignan ko din kung ano ang reaksyon ng mukha nya, nakita ko namang naka pikit lang sya... parang nag pipigil ng hininga? Pero bakit?)

Glaiza: Saan ka pupunta? Samahan mo na akong maligo please? Ngayon lang ako makiki usap sa isang tao, pag sisihan mo kapag hindi ka pumayag, dun ako mag papasama sa security guard maligo.

(Mahina kong pag babanta sa kanya, ska ko sya hinalikan sa leeg, kung tatanungin nyo kung bakit ako mahilig mang halik sa leeg, kasi paraan ko iyon para inisin ang isang tao)

Rhian: Ano!?

(sabay ikot nya paharap sa akin pero naka yakap padin ako sa kanya)

Glaiza: sabi ko mag papasama ako kay manong guard maligo kung ayaw mo, teka dito ka lang tatawagin ko na si manong guard.

(Pang aasar ko sa kanya, gusto ko syang nakikitang naaasar, kaya bumitaw na ako sa kanya sa pagkaka yakap para puntahan kunwari yung security office, hindi pa ako nakaka labas ng pinto ng hilahin ako ni rhian sa braso at pinaharap ako sa kanya, hinawakan nya agad ng mahigpit ang magkabilang kuhelyo ng uniporme ko at galit na inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko)

Rhian: Hindi pwede yon baka barilin ko yang si manong guard mo! kapag nagpasama kang maligo sa kanya!

(Galit na sabi nya sa mukha ko, napa kurap nalang ako ng ginawa nya iyon, wala pang gumagawa sa akin non, dahil kung meron man ay siguradong naka handusay na iyon sa sahig, pero..... hindi si Rhian... ang totoo ay natutuwa pa ako sa ina asta nyang ito)

Glaiza: hahahahahaha

(Diko mapigilang matawa, after all these years... ngayon lang ako ulit tumawa, nakalimutan ko na dn na ganito pala kagaan sa loob kapag masaya? ka? Teka tama ba ito?)

Rhian: hoy! Panda anong tinatawa tawa m......... t-teka t-tumatawa ka?! tumatawa ka ba talaga ha Glaiza...?

(Takang takang tanong nya sa akin habang sinusuri nyang mabuti yung labi ko habang sinusundot pa nya yung magkabilang pisngi ko)

Glaiza: e-ewan siguro? aray! Bubwit dahan dahan lang sa pag sundot sa pisngi ko Oo na tumatawa na ako...

(Nababago naba talaga ako ng babaing to? sa isip isip ko habang naka titig lang ako sa mga mata nya, habang sya tuloy parin sa pag sundot sa pisngi ko)

Negative Meets PositiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon