Dedicated to the both of you JoanaMhaySerrano and prettyI
Mauubos din ang luha ko...
Matagal ko ding hiniling yan.
Sa Diyos o kung sino mang bathala ang nakakarinig sakin.
Matagal ko ding pinaniwala ang sarili ko na may katapusan din ang lahat ng sakit at paghihirap na nararamdan ko.
Matagal kong pinaasa na maiibsan ang kalungkutan ko ng konting alak at gala.
Pero hindi.
Pilitin ko mang makatulog ng hindi sasagi sa utak ko na akoy nag iisa.
Hindi ko kaya.
Makakatulog pa din ako ng umiiyak.
Pag iyak.. eto na ata ang ginagawa kong pang hele sa gabi.
Sa mga gabi na wala akong inisip kundi ang mga tanong na bakit ako nalulungkot at nag iisa.
Bakit ako pa?
Napakaraming tao ang hindi kaya ang magmahal ng sapat pero ako.. ako na kayamg isakripisyo ang lahat para lang mapaligaya ang iba? Sa pagsapit ng dilim. Pag nilamon na ng gabi ang isang araw ng pagpapanggap at mga pekeng ngiti.
Sa gabi.
Papaasahin ko ulit ang aking sarili. Oh aking luha.
MAUUBOS KA DIN.
BINABASA MO ANG
My Sentiments Exactly
De TodoI don't know what happened to me to write this kind of letter. Hahaha. The most random of all the random feelings I ever had the opportunity to feel.