Chapter 5

6 2 0
                                    

To Sir, with Love

"YSABEL!!!!"

Napaigtad si Ysabel nang marinig ang matinis na tinig na iyon ng kanyang bestfriend. Inilapag niya ang binabasang libro at nilingon ang kaibigan. Kipkip nito ang mga school books habang tumatakbo palapit sa lugar niya—ang kanyang favorite spot. Kasalukuyan siyang nakaupo sa isang sementadong bangko na nasa ilalim ng punong akasya. Malimit siyang nauupo rito sa tuwing break niya sa klase.

Inilapag niya ang binabasang libro. "Ang eskandalosa mo naman, Liz," aniya.

Hinihingal na lumapit sa kanya si Liz. "A-Alam mo na ba ang latest?" hinihingal na tanong nito sa kanya.

In-adjust ni Ysabel ang suot na salamin. "Ano'ng latest?"

Naupo si Liz sa tabi niya. "May bago tayong classmate!"

"Talaga? Masyado naman yatang late na mag-enrol 'yun."

Nasa first year college silang pareho ni Liz. Pareho silang Masscom ang kurso. Magkakalase sila nito simula kinder at wala na yata silang balak maghiwalay. Bestfriends forever daw sila ayon dito.

"Eh balita ko ay galing ng America. Pero Pinoy siya at ang..." huminga muna si Liz ng malalim, "guwapo!!!"

Ngumiti si Ysabel at lumitaw ang kanyang ngipin na may mga braces. "Talaga lang ha. Baka naman guwapo lang sa paningin mo."

"Hindi. Pogi talaga, Ysa." Hinawakan nito ang kamay niya. "Tara puntahan natin. Nasa office siya ni Ma'am Vasquez. Pinagkakaguluhan nga siya ng mga estudyante eh."

Binawi ni Ysabel ang mula kay Liz. "Ayoko ngang makigulo. Nakakahiya ah. Para namang walang bukas. Classmate namn natin siya kaya sigurado naman na makikita ko rin."

Umirap si Liz. "Ang kj mo talaga. Kaya hindi ka nagkaka-boyfriend eh!"

"Eh bakit ko naman kailangang mag-boyfriend ng napaka-aga? Study first before love love," katwiran niya.

"Ang corny at old school mo naman." Humalukipkip si Liz. "Sa batch natin ikaw na lang ang kaisa-isang walang boyfriend."

"At hindi ko ikinababahala iyon gaya ng ginagawa mo," natatawang sagot ni Ysabel. Kinuha niya ang libro at bag at saka tumayo. "Uuwi na ako. Marami tayong assignments."

"Umiwas ka naman sa topic. 'Pag talaga usapang boyfriend tumatakas ka!"

Ngumiti si Ysabel. "Siguraduhin mo lang na may assignment ka bukas ha. Baka mamaya mangopya ka na naman dahil nakipag-telebabad ka magdamag sa boyfriend mo."

"Yes, mother!" sarkastikong sagot ni Liz. Tumayo na rin ito. "See you tomorrow, Ysa."

Kinuha ni Ysabel ang bisikletang nakatayo sa gilid ng akasya. Inilagay niya ang mga libro sa basket at saka sumakay. "'Bye," paalam niya at saka pinaandar ang bisikleta.

Dahil hindi naman siya malayo sa escuela ay nagbibisikleta lang siya. Tipid na sa pamasahe, nakakapag-exercise pa siya. Bago umuwi ay naisipan niyang dumaan sa isang book shop hindi kalayuan sa bahay nila. Minsan sa isang linggo ay nagpupunta siya roon para bumili ng libro. Lahat ng mga naroroon ay mga second hand books. Minsan ay nakakatiyempo siya ng mga collectors item at mura niyang nabibili.

Kilala na siya ng may-ari ng bookshop. Minsan nga ay sinasabi nito kung kailan ang mga bagong dating ng mga libro sa kanya para mauna na siyang makapamili. Ilang linggo rin siyang hindi nakapunta sa bookshop dahil sa prelims nila.

Along Came YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon