TITLE: ALONG CAME ERIC
Caption: Minsan ang love ay nangangahulagang kailangan mong umatras ng ilang hakbang. Kung talagang mahal mo ang isang tao, dapat na maging masaya ka para sa kanya. Kahit mangahulugan iyon na maiwan ka.
Teaser:
Sabi nila three is a charm. Sabi naman nila fool me once shame on you, fool me twice shame on me. At ang walang kamatayang kasabihan na once is enough for a wise man.
Sa karanasan ko hindi ko alam kung alin sa tatlong kasabihan ang pwedeng kong irelate sa aking love life. Tatlong beses akong nasawi sa pag-ibig. Oo. Tama ang basa mo. Tatlong beses. Siguro hindi nga ako wise pagdating sa pag-ibig. Kaya masisisi mo ba ako kung ang buong pagkatao ko ay mas mapait pa sa ampalaya? Pinalitan ko na ang pangalan ko—BITTER na. Ayoko ko nang umibig at magmahal. Lahat ng lalaki taksil at walang pakundangan manakit ng damdamin!
Hanggang sa makilala ko si Eric Andrada na wala yatang masamang tinapay. Nag-uumapaw sa positibong pangmalas at opinion sa buhay. Ultimong tuyong mga dahon ay maganda at may silbi pa para rito. Ang lalaking pinipilit akong paniwalain sa mundong hindi lahat ng nasasaktan ay kailangang maging bitter, cynical at negative. Ang lalaking naniniwala na may dahilan ang lahat ng bagay at may mga taong dumarating at sadyang umaalis. Naniniwalang may tamang taong darating sa buhay niya at hindi siya iiwan kahit kailan.
Mahikayat kaya ako ni Eric sa mga pilosopiya nito o mananatli ako sa mundo ng BITTER WORLD?
Siya ba ang taong dumarating at hindi ako iiwan kailanman o ang taong dumarating at pagkatapos ay iiwan din ako kalaunan?
Ako si Ysabel Gonzalez at ito ang kuwento ko.