Chapter 6

6 2 0
                                    


KINABUKASAN ay excited na pumasok si Ysabel sa escuela. Sa sobrang excitement niya ay nalimutan niyang dumaan sa bookshop at tingnan kung nandoon na si Lola Amy. Sakay ng kanyang bisikleta ay pumasok siya sa loob ng campus. Awtomatikong kumabog ang kanyang puso nang makita si Sir Paul na nakaupo sa kanyang paboritong lugar.

Huminto siya sa pagbibisikleta at pagkatapos ay huminga ng malalim. Ilang hakbang na lang ang layo niya rito. Nakayuko ito at tila may binabasang libro. Pagkatapos mag-ipon ng lahat ng lakas ng loob ay bumababa siya at inakay ang bisikleta papunta sa puno.

"H-Hi Sir Paul," bati ni Ysabel sa professor habang isinasandal ang bike sa puno. "Good morning."

Umangat ang tingin sa kanya ni Sir Paul at ngumiti. "Hello there. Good morning," ganting bati nito sa kanya. "Estudyante ba kita, hija?"

Hija?

Para naman akong sobrang bata.

Tumango si Ysabel. "Yes sir. Section namin ang handle ninyo. Iyong sa audio room," ani Ysabel.

Nagliwanag ang mukha nito at muling ngumiti. "I see. Maaga ka yata."

"Maaga po talaga akong pumapasok. At ito ang favorite place ko, sir."

Nagulat naman si sir Paul sa sinabi niya. Pagkatapos ay ngumiti ito. "So, I'm invading your personal space?"

"No sir! Okay lang. Malawak naman ang bench."

Umusog si sir Paul. "Have a seat."

Muntik na siyang mapalundag sa tuwa nang marinig iyon. "Thank you sir!" Naupo siya sa tabi nito at agad niyang nasamyo ang pabango nito.

Kung gaano kabilis lumipas ang mga araw ay ganoon din kabilis ang paghulog ng loob ni Ysabel kay Sir Paul. Alam ng bata niyang puso na hindi pa tama ang magkaroon ng ganoong katinding damdamin para rito. Maliban sa laki ng age gap nila. She's sixteen and Sir Paul is twenty-two! Ngunit wala siyang pakialam kung kasinghaba ng ruler ang age gap nila ni Sir Paul.

She kept it a secret. Maging kay Liz ay hindi niya sinasabi ang damdamin niya sa kanilang professor. Kahit na alam niyang lantaran ang iba nilang kaklseng babae ang pagpapakita ng paghanga sa rito. Lantaran ang pagbibigay ng bulaklak at chocolates. Minsan ay mga love letters. Kuntento na siyang nakakasabay ito sa pagbabasa sa ilalim ng kanyang panoritong lugar sa campus. Hindi na niya basta paboritong lugar iyon, espesyal na lugar kung saan ang oras ay napakabilis na lumilipas kasama si Sir Paul. At ang kanyang puso ay sadyang bumibilis din sa pagtibok.

"Is that Shakespear?" tanong ni Ysabel kay Sir Paul.

Umangat ang tingin ni Sir Paul sa kanya. "Hey there." Itinaas nito ang librong binabasa. "Yes."

Kaagad na isinandal ni Ysabel ang bisikleta sa puno at pagkatapos ay naupo sa tabi ni Sir Paul. "I love Shakespear!"

"Really? Bihira ang mga kabataan ngayon na nahihilig sa classic literature."

"Well, iba ako sa kanila," wika ni Ysabel, trying to impress him. "Ano'ng story ang binabasa mo, Pau—sir?"

"Love story of Rosalind and Orlando."

Ysabel bit her lower lip. Mukhang na-skip yata niya ang kuwento na iyon ni Shakespear. "Nabasa ko na dati. Kaso...nalimutan ko na," she grinned.

Along Came YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon