Chapter 3

42 3 2
                                    


"Miss, narito na po tayo."

Napapitlag si Ysabel nang marinig ang tinig ng driver. Tumingin siya sa labas at natanaw niya ang bahay nila. Binuksan niya ang bag at kumuha ng pera at inabot iyon sa driver. Pagkababa ay tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob ng bakuran ng bahay nila.

"'Nay, 'Tay...andito na ako," tawag niya sa mga magulang at pumasok sa loob ng bahay.

"Ysabel!" gulat na wika ng nanay niya. "Ano'ng hangin ang nagdala sa iyo at napauwi ka?

"Break na kami ni Wesley, 'Nay," wika niya at dumiretso sa kusina at nagbukas ng ref. "Wala bang pagkain?"

Break? Hindi ba't magpapakasal na kayo?" tila hindi makapaniwalang tanong ng ina.

"Magpakasal siya sa kalaguyo niya! Asar!"

"Kaya pala todo emote ka sa harapan ni Lapu-lapu kanina."

Nahinto si Ysabel sa pagsilip sa loob ng ref. "Tay, paano 'nyo naman nalaman na nag-e-emote ako sa harapan ni Lapu-lapu." Kumunot ang noo niya habang nakatitig sa laman ng ref nila. "Nag-iba yata ang boses 'nyo, Tay. Nagkasakit ba kayo?" Pag-angat niya ay nakita niya ang lalaking nakasabay niya sa taxi. "Ikaw?" Isinara niya ang pinto ng ref."At talagang kung maka-upo ka pa akala mo ay bahay mo ito."

"Anak, siya si Eric. Katrabaho ni Hana sa San Francisco," wika ng nanay niya.

Napakurap siya ng makailang beses at nagpalipat-lipat ng tingin sa lalaki at sa nanay niya. Ano ba nangyayari sa buhay niya? Pakumplikado nang pakumplikado.

"Ano ulit?"

Habang nagpapaliwanag ang nanay niya ay nakita niyang may tinitingnan ang lalaki sa cellphone nito. Ilang saglita pa ay iniharap sa kanya ng lalaki ang cellphone.

"Secretary ng Papa ko si Hana. Kung bakit ako narito ay mamaya ko ipapaliwanag. Sa ngayon ay heto ang mensahe niya na ipabasa ko raw sa 'yo dahil hindi ka sumasagot sa mga email niya sa 'yo since last week.

Inabot ni Ysabel ang cellphone at binasa ang nakasulat doon.

Ysabel, kupkupin mo muna si Eric. Babawi na lang ako pag-uwi ko 'dyan. Huwag ka mag-alala maliban sa napakaguwapo ay napakabait 'nyan.

"Ano? Nababaliw na ba si Hana?" sambit ni Ysabel nang mabasa ang nakasulat doon.

Bakit ibinigay ni Hana sa lalaking ito ang address ng bahay namin? At bakit naman ito nandito?

"Ano ba 'yan, anak?" tanong ng nanay niya na sinisilip ang cellphone.

Napabuntong-hininga siya. "Galing kaya Hana, 'Nay. Kung puwede raw ay rito muna ang lalaking ito tumira," sagot niya sa ina.

"I'm Eric Andrada," pakilala ng lalaki. "Pasensya ka na ulit kanina kung kinuha ko ang taxi na dapat ay sasakyan mo."

"Ngayon pati bahay naming ay iinvade mo."

"Anak, hindi tama 'yan," saway ng ina sa sinabi niya at pagkatapos ay nilingon ni Mrs. Delara ang binata. "Guwapo ng batang ito!" di napigilang bulalas ng ina. "Walang problema kung dito muna siya tutuloy. Tutal bakante naman ang isang silid natin dito," anito na ang tinutukoy ay ang dating kuwarto niya.

"'Nay! Saan mo ako patutulugin?" Pinanlakihan niya ng mata ang lalaki. "Pati kuwarto ko aagawin mo rin," sarkastiko niyang wika rito.

Tinapik ng nanay ay braso niya. "Dun ka muna sa silid ng kuya mo dati. Tutal hindi naman na sila nakatira rito," anang ina.

"Bodega na 'yun!" protesta niya. "Saka bakit parang pabor na pabor sa inyo na dito tumira ang lalaking 'to?"

"Eric ang pangalan ko," wika ni Eric na may mga ngiti sa labi. Hindi niya alam kung ma-o-offend siya sa mga sinasabi ng babaeng kaharap o maaliw.

Ngumiti ng matamis ang ina. "Ay, napakaguwapo eh! Masarap sigurong gumising sa umaga na ito ang nakikita!"

"Nanay!" saway ni Ysabel sa ina. "Isusumbong kita kay Tatay!

Hinawakan ni Eric ang magkabilang balikat ng ginang. "Ipagluluto ko pa kayo ng breakfast."

Umismid si Ysabel. "Sipsip!"

"Tama na nga," awat ni Mrs. Delara. "Eric, siya nga pala si Ysabel. Pasensya ka na at nakipagbreak sa kasintahan kaya tinalo pa ang matandang dalaga sa kasungitan."

"Nice meeting you, Ysabel," nakangiting wika ni Eric kay Ysabel.

"Ituro mo na sa kanya ang dati mong silid, anak. Nang makapagpahinga na si Eric."
Walang kibong tumalikod si Ysabel at naglakad papunta sa silid niya na nasa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Wala siyang pakialam kung sumunod ba sa kanya si Eric o hindi. Parang may bolang bakal na nakakadena sa kanyang mga paa at hindi niya magawang ihakbang ang mga iyon ng normal habang umaakyat sa hagdan.

He will sleep in my room.

He will lie on my bed. My bed. My precious bed!

He will use my pillows! My fluffy pillows!

"Gusto mo ba talagang sa silid mo ako matulog?" tanong ni Eric na naglingon sa kanya.

"Bakit mo tinatanong?"

Nagkamot ng sentido si Eric at saka ngumiti. "Parang kaybigat ng mga hakbang mo habang umaakyat. Pwede naman akong sa sala na lang matulog kung gusto mo."

"Huwag mo na akong paandaran ng humility kuno mo. Alam nating pareho na hindi papayag ang nanay ko." Umirap siya at muling umakyat.

Sa sala na lang matutulog. Whatever!

Nabitin sa ere ang paghakbang niya at muling nilingon si Eric. Muntik pa siyang mapasigaw dahil halos madikit na siya rito dahil paakyat na rin ito.

"Nakakainis ka. Dahil sa 'yo wala akong matinong tutulugan mamaya. Bakit ka ba kasi nandito?"

"Pwede bukas na lang? Masaki tang ulo ko mula sa biyahe," sagot ni Eric. "Bakit ba puno ng pait ang boses mo? Kung brokenhearted ka, 'wag mo i-extend sa akin."

Ysabel pressed her lips. Itinaas niya ang isang kamay at gahibla na lang ang pasensyang nasa dibdib niya ay maitutulak niya ang lalaking ito.

The nerve!

Antipatiko!

Walang modo!

Imbecile!

Oops. 'Di naman siguro. Mukhang may pinag-aralan naman ang mokong na 'to.

Huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili. Marahan siyang tumalikod at ipinagpatuloy ang naudlot na paglalakad. Binuksan niya ang unang pinto.

"Pagpasensyahan mo na kung naliliitan ka sa kama ko. Heto lang ang meron kami," aniya.

"Ang pagtanggap 'nyo sa akin ay sapat na para tanawin kong malaking utang na loob."

"At talagang balak mo pang magtagal dito no?"

Hindi siya nakapalag nang hawakan ni Eric ang magkabila niyang pisngi at marahang pinisil ang mga iyon.

Eric gave him a broad yet charming smile. "Oo naman. Goodnight." Binitawan ni Eric ang mga pisngi niya at pumasok sa silid niya. "Nice room. Huwag sana akong managinip ng puro pink!"

Bangungutin ka sana!

ry_url=�?}����

Along Came YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon