NAKANGITING pinagmamasdan ni Ysabel ang lumang scrapbook niya. Project niya iyon dati noong fourth year highschool siya. Nakalagay dito lahat ng mga gusto niyang mangyari sa buhay niya sampung taon pagkatapos niyang makapagtapos ng high school.
Nakapagtapos siya bilang MassCom student at ngayon ay kasalukuyang editor-in-chief ng isang sikat na fashion magazine sa bansa. At the age of twenty-eight ay halos lahat ng mga pangarap niya para sa sarili ay unti-unti na niyang natutupad. Isa na lang. Iyon ay ang mai-kasal. At hindi naman na siya kailangan pang maghintay ng matagal dahil suot niya ang isang engagement ring na bigay sa kanya ni Wesley Benitez. Her fiancé.
Guwapo. Mabait. Gentleman. Mayaman.
Hindi naman niya hiniling ang mga katangian na iyon sa isang lalaki. Hindi siya naniniwala sa Mr. Perfect or Mr. Right. Ang gusto lang niya ay mamahalin siya ng buong puso at kaluluwa. Wala naman siyang magagawa kung taglay lahat iyon ni Wesley. At sino naman siya para tumanggi?
Everything is working well according to her plans.
Makasarili mang isipin pero sa tingin niya ay siya na ang pinakamapalad sa babaeng lahat. Sa dinami-dami ng mga lalaking ipinipilit sa kanya ng tita niya ay si Wesley ang dumating sa kanya. Hindi niya inaasahan at hindi rin inireto sa kanya. It was a whirlwind romance sabi nga ng ilan.
Ngunit kung gaano kabilis ang pag-ibig na namagitan sa kanila ay ganoon din kabilis iyong naglaho. Hindi niya inaasahang lolokohin siya ni Wesley. Ang kanyang si Wesley. Dinala niya ang scrapbook sa dibdib at ilang patak ng luha ang naglandas sa kanyang mga pisngi. Akala niya ay si Wesley na ang forever niya. Nasaktan na siya ng pangalawang beses noon at ipinangako niyang ang ikatlong lalaking darating sa buhay niya ay ang lalaking mamahalin siya at hindi siya iiwan.
Suminghot si Ysabel at pinahid ang luhang naglandas sa kanyang mga pisngi. "So much for being an idealist..." bulong niya.
Napaigtad siya ang marinig ang tunog ng kanyang cellphone. Tumayo siya at kunuha iyon at sinagot.
"Amy, napatawag ka?"
"Sis! Kailan ka ba papasok? Namimiss na kita," ani Amy, ang kanyang officemate.
Isang mahabang paghinga ang ginawa niya bago sumagot, "I need more time, Amy."
"Eh paano ba 'yan, kinukulit ako ni Sir Harold na ibigay sa iyo ang bagong dating na project."
Agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay. Inilipat niya ang cellphone sa kabilang tainga. "Aims, alam mo namang nagfile ako ng leave ng two months 'di ba?"
"Oo, Ysabel. Pero, nangungulit si sir eh. At saka sayang naman ang pagkakataon. The rebellious hunk bachelor is in town!"
Napakunot ang noo ni Ysabel sa sinabi ng kaibigan. "Sino naman 'yun?"
"Hindi ka ba nagbabasa o nanonood man lang ng balita?"
"Hindi eh," sagot ni Ysabel. "Busy ako sa paglimot sa ex ko."
Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Amy sa kabilang linya. "O hindi ba't mas dapat na tanggapin mo itong inaalok ko sa iyo? Mas lalo mong malilimutan ang Wesley na iyon kapag na-interview mo ang bachelor na sinasabi ko sa iyo. He's very much single and way too handsome!"
She snorted. "Alam mo namang allergic na ako sa mga guwapo. Saka pwede mo namang ibigay ang trabaho na iyan sa iba. Bigyan mo naman ng chance ang ibang empleyado natin. Malay mo may madiscover kang bagong editor in chief."