Kabanata 1

40 11 0
                                    

Beautiful personality is greater than a beautiful face.

******

"SHIT! Kahit kailan talaga ay palpak kang magtrabaho, salvador," galit na sabi ni jayden sa kausap sa telepono.

"Give me Alex," hiling niya sa isa pang tauhan.

"Alex, i want you to take over. Yes, yes ako nang bahala kay salvador. I want you to stay there. Magpapadala pa ako ng ilang tao. Don't let the suspect out of you sight, understand?"
Hindi parin humuhupa ang galit ni jayden. Kahit na nasa air-conditioned room siya ay animo nag-aapoy parin ang mga mata.

"O, galit ka nanaman," natatawang sabi ni miguel na nakaupo sa silyang nasa kaliwa ng mesa niya.
Ipinatawag niya ang lalaki dahil may ipapautos siya rito.

Hindi kumibo si jayden, ni hindi rin tinatawanan ang pagbibiro ng kasama at kaibigan.

"Galit nanaman ang pinaka gwapong hepe dito sa NBI," dagdag nito.

"Paano ka bang hindi magagalit, eh pumalpak nanaman si salvador. Mabuti nalang at nahabol nina Alex." galit na sabi nito.

"Mukhang puspusan na ang pagbabantay niyo kay santos ah?" Tanong nito.

"Malakas ang ebidensya eh. Marami na akong lead, ang mahuli na sa akto ang kailangan."

"Kapag natapos ang assignment mong ito nang mas maaga, makakatanggap ka nanaman ng award kay general. Baka maging general kana," eksaheradong saad nito.
Napailing lamang si jayden, at hindi nagkomento.

"Pang ilang naba yan kung sakali, pare?"
Umiling uli siya. "I lost count." Pagyayabang niya.
"Yabang!"
Natawa rin siya. Sinadya lamang niyang gawing pagyayabang ang pagkakasabi niya ngunit ang totoo ay hindi niya mabilang ang mga parangal na natanggap magmula nang maging NBI agent hanggang sa maging hepe siya ng Special Task Force.

Bukod sa pagiging batang hepe, gwapo ang binata. Dahilan iyon upang hangaan at kainggitan ng mga kasaam niya, lalo na pagdating sa babae.
Binabasa na ni jayden ang ilang profile ng sinusubaybayang suspect sa isang malaking drug syndicate nang tumunog ang kanyang telepona sa mesa.

"Pakisagot na pare," hindi nagtataas ang ulo sa binabasa na pakiusap ni jayden.

Sinagot ng kanyang kaibigan ang tawag sa telepono, maya-maya ay napangiti ito at napailing.

"Iba na talaga ang gwapo, ang daming naghahanap na chicks. Pare si hannah."

Biglang napataas ng ulo si jayden at napawagayway ng kamay sa ere.
"Sabihin mo, wala." pabulong na sabi niya.
Natawa si miguel, pero sinunod ang sinabi niya.

"Iba na talaga sinuswerte oh! Ikaw na nga ang tinatawagan, ikaw pa nagtatago hahaha" natatawang sabi nito.

"Thanks." nakangiting sabi niya kay miguel at hinarap na uli ang ginagawa.
Napangti nalang din si miguel at hindi na pinahaba ang pagbibiro. Kapag ganoong hindi gumaganti ng biro ang kaibigan niya ay alam na niyang mainit talaga ang ulo nito.

Hinayaan na nitong harapin ni jayden ang trabaho. Nasabi na nito sa sarili na mayamaya lang ay mawawala rin ang init ng ulo ni jayden. Kabisado na nito ang mood ng kaibigan.

********

"Bianca, nandiyan na si Rayver," sabi ni mikaela sa dalaga.

Nang marinig ang pangalan nang boyfriend niya ay halos magkandarapa na sa pagbibihis si Bianca. Hindi na niya sinuklay ang kanyang mahaba't itim na buhok, at ipinusod na lamang ito.

Ramp-model si Bianca at kakatapos lang ng fashion nila kaya kailangan pa niyang magbihis nang damit.
Kapag kasama niyan ang boyfried niyang si Rayver ay ayaw na niyang may make-up pa siya sa mukha. Dahil mas maganda pa siya kapag simple lang ang kanyang ayos.
Paglabas ni Bianca sa dressing room ay nakita na niya ang kanyang boyfriend. Nakasuot ito ng puting polo, sa loob non ay may puting T-shirt.

Because Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon